Friday, August 31, 2012
Banat!
Time Check: 2:57 PM
Friday.
Day-off ko nung Wednesday. Pasok ng Thursday. Day-off ulit ngayong Friday. Pasok ulit bukas ng Saturday. Tapos Naka-leave ako ng Sunday. Ang gara lang ng schedule ko. Every other day ang pasok. Parang fill-in the blanks lang. Kumbaga sa ngipin, bungi-bungi. Haha.
Anyway.
Last day na ng August today. Start na ng BER months bukas, meaning malapit na ang pasko. 116 days na lang, meri xmas na. Aw. Lagot na naman ako sa mga inaanak ko nito. Hehe. Huling bilang ko e 11 na sila. This sunday, magnininong ulit ako sa anak ng isang dating kaklase slash kabarkada nung haiskul. So pang-12 na yun. Ganyan. Of course, masaya ako na kinukuha akong ninong kahit papaano. Ibig sabihn lang non, e tiwala ang magulang ng batang iyon na pwede akong magsilbing pangalawang magulang sa kanilang anak. Oha! Role model lang ang peg. Haha.
Wala ako magawa today kaya naisip ko na lang na bumanat.
Ooops! Wag madumi ang utak. Haha.
Bumanat is Pu-munch line! Pumik-ap! Hehe.
Heto.
"Sana BIRTHDAY CANDLE ka na lang..."
"Bakit?"
"Para Punapalakpak sila habang pinapatay kita."
"Straw ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi naman, SIPSIP ka na, PLASTIC ka pa!"
"Delivery woman ka ba?"
"Bakit?"
"Eh kasi, kanina mo pa tinitignan PACKAGE ko e!"
"Miss, may nagsabi na sa'yo ko daw matatagpuan yung Treasure Chest?"
"Huh?"
"Pero nung nakita kita, sa CHEST lang ok na'ko."
"Miss, saranggola ka ba?"
"Bakit?"
"Ang ganda mo kasi sa malayo e."
At ang pamatay sa lahat...
"Ang isang RELASYON ay parang INUMAN. Kahit gaano man kasaya, natatapos din sa salitang HINDI KO NA KAYA..."
Ah yeah!
P.S.: 'Di ko po inaangkin mga yan. Karamihan galing ko lang din sa internet, iba naman, narinig ko lang din sa ibang tao. Peace y'all! Boom!
Wednesday, August 22, 2012
Dougie
Time Check: 6:52 AM
Wednesday.
Sobrang busog ko lang. 'Da best talaga ang Pancit Palabok at Pandesal sa almusal! Buurrpp!
Pagka-out ko sa work kaninang 5AM, 'di ako agad umuwi. Nakipagkwentuhan muna ko sa ilang opismeyts. Halos 4 days din kasi ako nawala dahil sa OFF OFF VL SL ko (bakasyon engrande? haha) kaya minarapat ko munang sumagap ng chismis bago umuwi. Mahirap mahuli sa balita. Haha.
Napa-SL (Sick Leave) ako nung Monday dahil sa matinding LBM. Papasok talaga sana ako dahil holiday, meaning double pay, kaso sobrang
________________________
Kapag alam mong may isang taong may galit or tampo sa'yo, 'di ka mapakali. Tama? Lalo na at ikaw yung me kasalanan. Tsk. Ewan. Saka na lang ako magsosorry kapag 'di na siya galit.
________________________
A few weeks from now, magkaka-pet na ako. Aso. Shih-Poo daw tawag dun. Shih tzu yung tatay, Poodle yung nanay. Tuta pa lang siya kaya 'di ko muna kinukuha sa may-ari kahit binayaran ko na. Pinapalaki ko muna. Kapag stable at malakas na resistensya tsaka ko kukunin. Baka kasi kapag kinuha ko agad at inuwi sa bahay, wala pang isang linggo eh tsugi na. Haha. Kawawa naman.
Babae yung napunta sa akin. Ano kaya magandang ipangalan?
A. Denggay? - obviously, sunod sa pangalan ko. hehe.
B. Dogay? - from the root word "dog". haha.
C. Charisse? - pangalan ng crush ko nung elementary. ayiih! porke aso ire-relate sa puppy love? hehe.
D. Miley - eto seryoso. 'di dahil kay Miley Cyrus to. sunod ko lang sa name ni mama (RIP) which is Mila.
Para bumoto, kunin ang iyong selpown at i-type ang salitang "DOUGIE" <space> letra ng iyong sagot at i-send sa 23667788991010. Kung wala naman sa mga nabanggit ang iyong tipong pangalan, i-type lang ang salitang "PAKYU" at i-send sa iyong sarili. Haha!
________________________
And with that, i leave you with this inspirational song. Hehe. Enjoy!
Ah yeah!
Saturday, August 18, 2012
Update!
Time Check: 7:20 AM
Sa-beer-day.
Mabuti naman at humupa na ang walang humpay na ulan. Halos 2 weeks straight na araw-araw atang umuulan. At dahil don, ilang araw din akong parang basang sisiw tuwing papasok at uuwi galing work. Lahat basa. Pati sapatos. Kaya pagdating sa bahay at pagkahubad ng sapatos at medyas ko, alam na. Amoy imburnal na ewan. Haha.
Natagalan bago ako nakagawa ng bagong entry. 'Di dahil sa tinatamad ako or walang time, kundi dahil sira ang PC ko. Actually, pwede pa naman, kaso ayaw mag-boot madalas! Nakakabwiset kapag kating-kati ka mag-online tapos ayaw mag-boot, sarap sipa-sipain ng CPU. Madalas pa mag-hang! Punyetang computer!
Merong mangilan-ngilan sa work na nagtatanong kung bakit 'di daw ako nag-a-update ng blog. Wow!!! May fans?! Haha. Sagot ko eh dahil madalas ngang ayaw mag-boot ng PC ko. Ayun. Gusto ko ngang ipangolekta ng abuloy sa kanila para pampa-repair, tulong-tulong tayo kako. Hehe.
Anyway...
Next month pala eh birthday ko na. Shet! 25 na'ko! Tanda ko na! Haha!
Oo nga pala, nabanggit ko sa previous entry ko na Random Shit 2 na may party ang account namin sa work at nasali ako sa dance contest sa grupo ng "Tech Support"! Ako lang di marunong sumayaw. Pero ginawa ko ang best ko. Ah yeah!
Ipopost ko yung video ng sayaw namin dito. Pakapalan na lang ng mukha to! Haha!
One week kaming naghirap sa kaka-practice sa sayaw naming 'to. 10 pounds ang nawala sa timbang ko dahil dito. Joke! 9.5 lang pala! Hehe.
Sa kasamaang-palad, natalo kami. Huli na ng malaman naming wala palang criteria for judging. Ni-raffle lang ang winner. 'Di kami nabunot. Sayang! Haha! Ang bitter ko lang.
At least, kahit isang beses lang, masasabi kong naging dancer din ako once upon a time! Haha!

me on gitna

Subscribe to:
Posts (Atom)