Tuesday, June 26, 2012

I'm Back!


Time Check: 2:44 AM


Tuesday.


Madaling araw na. Malamang. 2:44 AM na nga e. Tulog na lahat ng tao dito sa bahay. Pati sa labas. Aso na lang namin ang gising. Actually kaming dalawa. Kasalukuyan siyang may tinatahulan sa labas. Sinilip ko, wala ako makita. Scary. Haha.


I'm back! Tagal ko din namahinga sa blog. 'Di naman sa tinamad ako or nawalan ako ng time, di ba nga sa last post ko umalis ako ng bahay. Walang internet dun sa tinirhan ko. Eh since di na'ko umuwi sa bahay since nung last post ko, eh natagalan bago ako nagka-update. Ngayon na lang ulet.


Good news e umuwi na'ko ulit sa'min. Nice. Libre na ulit lahat. Haha! 


Apat na araw akong walang pasok. 1st day ko e inuman. Umattend ako ng bertdey. 2nd day ay puro hilata at tulog lang inatupag ko. 3rd day ngayon. Tulog, kain, at internet lang inatupag ko. Da best! Ang productive. Kaya siguro palaki ng palaki betlog tiyan ko, kakahilata maghapon. Haha!


Recently nga pala e napansin kong andaming nagiging health buff. Gym boys and Gym girls. Di lang sa mga friends ko kundi maging sa office. Anong meron? Bikini Summit? Haha! Kahit anong pilit at yaya nila sa'kin e di nila ko maengganyo. Di naman sa ayaw kong maging healthy. Sarap kaya kumain at matulog lang. Hehe.


Iyong isa nga sa kanila, gym ng gym, pero kung lumamon daig pa construction worker. Lakas pa uminom. At magyosi.


Pakialam ko naman. Eh sa yun yung trip nya. Hehe. 


Oh siya, tapos na yung dinadownload ko sa torrent. Wrath of the Titans. Nood mode muna 'ko, at least may bagong post!


Babush!


Ah yeah!