Time Check: 7:36 PM
Friday.
Hey guys! Off ko today, walang happenings tonight, bahay lang. Kaya naman, magdamag na naman ako nito sa harap ng kompyuter! Oha.
Sensya na kung "awkward" ang topic. Wala ako maisip i-blog e. ;))
Nung ni-google ko meaning niya, eto unang lumabas sa search results:
awk·ward/ˈôkwərd/
Adjective: |
|
Parang 'di swak. Siguro depende lang sa gamit. Pero mas nagagamit or mas angkop na depinisyon ng awkward para sa'ken siguro ay "uncomfortable".
Awkward Moment = Uncomfortable Situation
Tama? Tomo!
Napaisip tuloy ako ng mga "akward moments/situations" na palagay ko ay minsan ng naranasan ng karamihan sa atin. Yung tipong 'di mo alam kung ano gagawin mo. Kung pwede lang magteleport or mawala ng parang bula. Hehe.
Here are some of them...
1. Ikaw at ang workmate mo, pinagchi-chismisan, nilalait-lait, niruruyakan ang pagkatao, ng isa niyo pang opismate. Sige hagalpak sa tawa. Tapos, mamamalayan mo na lang na nasa likod niyo na pala siya! - - - Haha. AWKWARD!
2. Dahil walang tao sa bahay, Ikaw at ang BF/GF mo ay nasa sala at naghahalikan. Kuntodo sipsip dila at gums. Walang anu-ano ay bumukas ang pinto at huli kayo sa akto ni Inay! - - - Haha. AWKWARD!
3. Sa gitna ng isang seminar, tahimik ang lahat na nakikinig sa dinadakdak ng speaker/host. Walang anu-ano ay biglang nakareceive ka ng text sa iyong 3310 na naka ASCENDING ang message tone at naka-level 5 ang volume. Lahat sila nakatingin na sa'yo! - - - Haha. AWKWARD!
4. Reunion niyong magkakabarkada. Napagkasunduang kumain sa labas. Dumating sila, lahat may kapartner. Ikaw lang ang wala. Ayos lang nung una. Tapos, dumating si <insert name here>. Parang pamilyar yung BF/GF niya. Tapos naalala mo na naka-one night stand mo pala siya dati! At ayun, nung pinakilala sa'yo, 'di mo matignan sa mata! - - - Haha. AWKWARD!
5. Mula sa malayo, palihim mong
6. Male-late ka na papunta sa work. Kulang na lang ay takbuhin mo ang terminal ng jeep. Pagdating mo doon, jackpot. Isa na lang at aalis na sabi ng barker. Edi sumakay ka. Ganyan. Umandar ang jeep. Tsaka mo lang napansin na nakaupo sa tapat mo ang EX mo na matindi ang galit sa'yo dahil niloko mo siya dati. Eh 30 minutes ang biyahe! - - - Haha. AWKWARD!
7. May bago kang damit. Lahat ng nakakita, pinuri ka. Bagay daw sa'yo. Lalo ka gumwapo/gumanda. Tapos, nung uwian na, may nakasakay ka sa jeep, same color, same design nung damit niyo. Sa sobrang kamalasan, kapareho mo pa ng hairstyle! - - - Haha. AWKWARD!
8. Kumusta naman 'yung may biglang lumapit sa'yo na magandang chicks, litaw cleavage, at nagtanong ng directions kung saan ang ganito/ganyan. Siya nakatingin sa mukha mo, pero ikaw 'di mo alam kung sa mukha ba niya or cleavage ka titingin! - - - Haha. AWKWARD!
9. Yung masungit mong Teacher and/or Boss, sinesermunan ka. 'Di ka makapagconcentrate dahil napansin mong may nakalabas siyang kulangot sa ilong! - - - Haha. AWKWARD!
10. Yung moment na naglalakad ka, tapos may makakasalubong ka. Siyempre iiwas ka. Kung saan ka umiwas, dun din siya pupunta. 2-3 times siguro bago kayo magbibigayan ng daan. - - - Haha. AWKWARD!
Ayun. 10 na lang muna. Hehe.
Heto nakwento ko na dati, uulitin ko lang sa iba na 'di pa nabasa iyon.
Pagsakay ko ng jeep, konti pa lang pasahero. Siguro, mga lima or anim pa lang nakasakay. Syempre, pag-upo e bayad agad ako. 17php ang pamasahe. Nagbayad ako ng 50php. Di ako agad sinuklian ng driver so nawala sa isip ko na may sukli pa pala ako. So ayun, bumiyahe na ang jeep and pumik-up ng pasahero sa daan. Edi dumami na kami. Pwesto ko e bandang likod ng driver. Tapos may iniaabot siya, sukli daw ng 50php.
Ako: Sukli daw po ng 50php.
Walang kumikibo. Nilakasan ko.
Ako: SUKLI DAW PO NG 50php!!!
Wala uli kumikibo.
Ako: Manong, wala daw may sukli!
Akmang iaabot ko na uli sa driver...
Driver: Magkano pera mong binayad kanina?
Haha. AWKWARD! Akin pala yun. Tangina!
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Ikaw, for sure meron ka rin! Share mo naman!!! Hehe.
Ah yeah!