Sunday, September 16, 2012
Boy Random
Time Check: 7:19 PM
Sunday.
Solb ang birthday celebration ko kahapon. 'Di ko akalain na madami ang makikisaya sa aking espesyal na araw. Nakakaiyak. Bukod sa na-touch ako dahil madami pumunta, naiyak din ako sa sobrang sakit sa bulsa. Haha. Joke lang. Sabi nga ng isa kong tropa, "What's money for? Paper only!". Oha!
Bukod sa kakatapos lang na birthday celeb ko, isa pang bago ngayon ay si Miley na nabanggit ko sa isang post ko dati. DOUGIE. Sobrang kulit at likot lang ng asong pagkakyut-kyut na kagaya ko. First day niya kahapon dito sa bahay. Wala siyang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Nagda-doubt tuloy ako kung tuta ba talaga o daga yung nabili ko. Hehe. Next time ko upload pics niya. 'Di ko kasi mahanap USB cable nung GIGICAM e.
Lately ko lang na-realize na kung gusto mo pala dumami followers, commenters, at hits mo sa blog mo, ay dapat masipag ka din magcomment at magfollow ng ibang bloggers. Ayun. Bukod sa konting followers na na-denggoy ko, nagkaron na din ako ng konting kakilala na masasabi kong online tropa na rin. Medyo nagkaka-hits na rin ako kahit papano. Ah yeah!
Kapag chine-check ko ang blogger stats ko, laging dun lang ako sa overview at parefresh-refresh lang kung sa palagay ko ay may bagong bisita. Kanina ko lang talaga napagtuunan ng pansin ang mga lumilitaw na search keywords ng mga bisitang naliligaw through google. Last month, heto ang ilang mga keywords na nagdala ng mga bisita sa blog ko.
'Di na'ko nabigla sa "ano ang gamot sa pigsa" dahil meron akong post dati tungkol diyan. At ano naman ang kinalaman ko sa "magsyota sa bukid"? Syempre, 'di na rin ako masyadong nabigla sa "di bale ng mataba basta yummy" dahil sobrang ako talaga yan. Haha.
Ang sarap lang ng feeling kapag nakakapag-entertain or in a way, nakakapagpasaya ka ng mga taong 'di mo naman kakilala. Parehong pakiramdam na nararamdaman ko pagkatapos magwiwi. Nakakakilig.
Nag-start ako magblog noong October 2010. Nakadalawang post lang ako noon tapos nawalan na'ko ng gana. Nawalan ako ng gana dahil pakiramdam ko ay wala namang nagbabasa. Para lang akong tangang blogger na nagpopost ng entry tapos ako lang din nagbabasa ng sarili kong post. Ni wala akong naipost buong 2011.
Bumalik ang amor ko sa blogging nitong taon lang, January 2012. Since then, every month may naipo-post naman kahit pasabaw-sabaw lang. Kung ang ibang blog ay may topic at theme palagi, ako ay laging random. Gusto ko na nga magpalit ng pangalan e. Imbes na Denggoy Palaboy, ako na si Boy Random! Oha!
Ah yeah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Boy random nalang! Palitan na!
ReplyDelete2010 ka papala! Tanda na tol! XD
pag-iisipan ko tol! hehe.
Deleteparang newbie pa rin ako kasi kaka-start ko lang ulit nitong 2012. oha! ;)
hindi na tayo magiging magkamaganak :P
ReplyDeleteOo nga. Magpinsang malayo nga pala tayong mga palaboy. Kaano-ano natin sina Moymoy? hehe. ;)
DeleteMag-kamag-anak parin kayo.. maeron paring "boy" lol
DeleteHaha. natawa naman ako dito. Palitan ko na rin yung akin... Stories from a bored palaboy na lang. hehe
DeleteHaha. Pati ikaw pareng Arch, pwede ka maging Achieviner Palaboy. hehe
Deletegagawa na tayo ng clan ng mga palaboy. ahahaha.
Deletepwede rin namang random boy..
ReplyDelete"What's money for? Paper only!"- anu daw?
o ayan na-denggoy mo na rin ako.. ni-follow na kita hehehe :)
salamat at na-denggoy din kita Pink Line. I Crush You. Hehe. ;)
DeleteNakarelate naman ako ng sobra... Di bale ng mataba basta yummy! hehe. Pero bigla din akong senti kasi kamamatay lang ng aso ko at gigi ang pangalan niya. Haay... Belated Happy Birthday pareng Denggoy.
ReplyDeleteTnx tol. Di bale, pag nanganak si Miley, bibigyan kita. basta ba wag niyo lang ako iligaw sa meet-up natin nina pareng asiong. haha. ;)
Deletenaku, tatandaan ko iyan pareng denggoy. hehe
DeleteAko rin tinamad na magblog lately lang nagkaamor uli. Siguro kapag chineck ko rin ang stats, mainspire rin ako. mga kalokohan rin nakukuha kong keywords eh. salamat sa random post na ito nagkaidea ako hehe.
ReplyDeletesalamat naman idol at nabisita mo blog ko. hehe. minsan natatawa na lang din ako sa mga search keywords na yan. kanina nga meron pa isa natawa ako. sabi,
Delete"kwento ng isang bata bago maging palaboy"
haha. tapos niligaw sa blog ko. hehe.
ahaha! pero maganda pa din pakinggan sa tenga ang Denggoy Palaboy kasi nagra-rhyme hehehe! :D natawa ako dun sa gamot sa pigsa at sa di bale ng mataba basta yummy lolols :D
ReplyDeleteBaka hahabaan ko na lang siguro. Denggoy Palaboy Boy Random! oha! hehe.
DeleteNakakarelate ako dito pero hindi dun sa "dibale nang mataba basta yummy".. Para sakin laman tyan din yun. lol Nakarelate ako dun sa walang nagcocoment.. nwalan ng gana.. kaya may post ako about jan... "Yung top 10 na tanong ko sa mga bloggers" basahin mo yun sir malaking tulong sakin :) Hindi ako nagpopromote ah. hehe Sulat lang ng sulat sir.. Aabangan ko lagi mga post mo :) Cheers!
ReplyDeletePS: KAhit Boy Ramdom o Palaboy basta ikaw parin yun :P Wala lang :P
Tnx Pareng Arch. Ayun, binasa ko tapos nagcomment na din ako. Feeling ko kasi wala pa'ko karapatan magpayo or magbigay ng tips sa isang kapwa blogger kasi newbie pa lang naman ako e. hehe.
Deletewinner ang search keywords. lol pati pigsa, ang blog mo na ang takbuhan. hahah
ReplyDeleteOnga e. Hehe. Baka sa susunod, mga alipunga, an-an at buni naman magdala sa kanila dito. ;)
Deletehehe parehas tayo nagkarun din ako ng ganyang feeling na parang wala naman nagbabasa ng blog ko na parang tanga lang talaga (hehehehe)
ReplyDeleteayos yan boy random... mas maraming masasabi :)
Tama. Ang blog na kung ano-ano lang ni Boy Random. Hehe. Tnx Jess! ;)
DeletePagbati sa nakalipas mong kaarawan. Maramirami akong natutunan sa poste na ito a tulad ng "di baleng mataba basta yummy" haha. Sana marami pa kaming blog na mabasa galing sayo. Gob Bless Cabalen
ReplyDeleteTnx Cabalen! Gang ika sana dakal kammi pa abasang blog ibat keka. (ano daw? haha) ;)
Deletemabuhay ang mga cakampangan bloggers haha
Deletetuloy mo lang pagbblog. nakakawala rin ng pagod at stress. pag may naisip ka, yun isulat mo. Boy random, puede. hehehe
ReplyDeletedahil dyan, kasama na ko sa mga nadenggoy mo. :)
Tama! Parang paninindigan ko na pagiging Boy Random. Na-pressure ako sa mga nagcomment dito. Haha. TTnx sa pagkakadenggoy! ;)
Deleteyou're welcome. Mag denggoyan tayong lahat. hahaha
DeleteBelated happy natal day to you buddy! And I can't wait of the cute pictures of your new pet...and yeah just like what's in Mr. Nightcrawler's latest post di bale nang mali mali ang comment makapag promote lang ng blog...hayun masama ang loob ng bata haha kidding! What's been up yo?
ReplyDeletePo-post ko pics ni Miley sa next post ko. Tnx sa pagdaan at pag-greet. ;)
Deleteboy random.. hmm pwede!
ReplyDeletehehe. tnx par!
DeleteDacal a salamat quing pamagvisita. Quing blog cu!
ReplyDeleteawa. tenkyu din! kapampangan ka din pala! rock on!
Deleteali muh neh papalitan bap! :))
ReplyDeletehehe! tnx ais!!!
Deleteang kulit mo sa blog. hahaha.ill be your follower too.
ReplyDeleteand, hey okay lang naman walang bumasa. blog is an online diary. sabi nga nung isa kong kakila na blogger Kulapitot name nya, nagblog sya para di nya makalimotan memories nya. oha! hahaha.
just me,
www.phioxee.com
http://phioxeeAwareness.blogspot.com
apir! followed you too!
Deletedi biro ang once a month blog post these days ha. syempre may facebook pinterest at twitter na so blogging is like fine dining resto na, pag may sweldo lang.
ReplyDeletetomo! 3-5 posts a month lang kaya ko. hehe
Delete