Monday, July 23, 2012

Rainy Days And Mondays


Time Check: 8:30 AM


Rainy Monday.


Three days straight na umuulan. Sakto sa three days off ko. Pinagpala. Ganyan. Wala ako ginawa kundi magstay sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain na. Or najejebs at nawiwiwi. 'Di na ako masyado naligo kasi malamig naman e. Haha.


Sarap ng almusal ko kanina. Tamales. Apat. Tsaka ko nilagyan ng dalawang tinadtad na itlog na maalat as toppings. Da best!


Kapag ganitong maulan at malamig ang panahon, ansarap lang magkulong sa kwarto at humilata maghapon. Movie marathon. Disenteng movies ah, hindi iyong katulad ng iniisip mo <insert XXX here>. Haha.


Last day ng off ko today kaya dapat sulitin. Dapat may maganap na kapaki-pakinabang. "At bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas."


Haha. Nag-Panatang Makabayan? Tama naman ako 'di ba? Yun yung kasunud ng "kapaki-pakinabang"? Hehe.


Kakornihan! Nyeta!


Speaking of ulan, may naalala ko nung bata pa'ko. Buhay pa si lola. Siguro 5-6 years old lang ako nun. Wala pa global warming/el niño/la niña/climate change noon. Buwan ng Mayo pa ang schedule ng rainy season. Hindi katulad ngayon na napaka-unpredictable ng panahon. Parang bulbol lang. Ang gulo. Haha.


Heto ang catch. Unang patak ng ulan sa Mayo, sinasahod ng lola ko. Pini-filter naman niya. Tsaka kami paiinumin ng tig-iisang baso ng mga pinsan at kapatid ko. Para daw tumibay sikmura namin. Iba talaga si lola. Buti na lang di pa masyado uso ang acid rain noon, butas-butas na sana bituka namin ngayon. Haha.


Anyhow.


Naisip ko lang. 'Di ko alam kung ako lang 'to or meron din sa inyo na nalulungkot kapag umuulan...


Di ba? Parang may dalang lungkot or kung anumang depression ang ulan. Hay... Emo? Haha. Tengene nemen!




Wala ako maisip na title for this entry. Kinuha ko na lang sa kantang to! Pinilit i-relate? Haha!


Ah yeah!



1 comment:

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p