Wednesday, October 10, 2012
Shobis
Time Check: 5:21 PM
Wednesday.
After ng halos isang taon, babalik na ulit ako sa morning shift sa trabaho bukas. For two months ito (malamang). Sa wakas, mae-experience ko na ulit ang matulog ng regular sa gabi. Sawa nako sa pagiging bampira. Pero andami ko mamimiss. Una na dito ang mga eyebags ko. Pangalawa, ang night differential pay na napakalaking tulong sa pang-araw-araw na bisyo. Pangatlo ay si "shining star" na crush ko sa trabaho na feeling ko ay may gusto din sa akin pero nagpapakipot lang. Oha.
Napapansin ko lately, sa panonood ko ng TV, na sobrang dami ng mga talent search na parang lahat na lang ay gustong mag-artista at sumikat. Sino bang hinde? Easy money! Sa Dos, merong Pilipinas Got Talent at X-Factor na kakatapos lang. Sa Singko, merong Artista Academy at Talentadong Pinoy. Sa Siyete, may Protege. Iba pa diyan yung mga pakontest ng Eat Bulaga, It's Showtime, at Wil Time Bigtime! Shet! Lahat na lang gusto magshowbiz.
Looking on the bright side, nagsusulputan ang mga ganitong pakontes sa TV dahil sa sobrang talented nating mga pinoy. Totoo yan. Halimbawa, sa isang grupo ng mga magbabarkada, for sure, isa diyan ay marunong kumanta. Or sumayaw. Parang ako. Oha.
Naisip ko lang, kung sigurong uso na yung Starstruck or Star Circle Quest nung mga highschool days ko, baka nag-audition din ako. Sayang cuteness slash hotness ko e. Baka siguro walang John Lloyd Cruz or Richard Gutierrez ngayon. Hahahaha! <libre lang mangarap>
Sa isang talent search, gaya halimbawa ng sa Dos or Siyete, mga sampung libong nangangarap ang mag-o-audition. Sa sampung libong iyon, isa or dalawa lang ang mananalo. Lima hanggang sampu ang sisikat. Pa'no yung iba? Swertihan lang talaga siguro. Ika nga, kapag ukol, bubukol. Better luck next time sa iba or hanggang sa marealize na lang nila na di para sa kanila ang showbiz at tatahak ng ibang landas. Hay. At least, sumubok.
"It is better to have tried and failed than to never have tried at all."
So, anong point ko sa post na 'to?
Since morning shift na ako, at madaming oras ko tuwing hapon araw-araw, napilit akong mag-gym ng ilang mga opismates. Napagtanto ko na it's time na talaga. This is it guys. Kapag gumanda na katawan ko, magreresign na'ko sa call center. Mag-a-artista na lang ako. Papausuhin ko ulit ang mga bomba films. At ang launching movie ko ay, "Pasalat ng Peklat"!
Bwahahaha!
Ah yeah!
Sunday, October 7, 2012
Happy Second (pero parang first) Birthday to my Blog!
Time Check: 4:02 PM
Sunday.
October 06, 2010 ng unang gumawa ako ng entry dito. Exactly 2 years ago. Technically, 2nd beerday ng blog ko kahapon. Eh since wala naman ako naipost buong 2011, bale parang 1st beerday pa lang ng blog ko to. Hanggulo. Basta! Happy birthday to DENGGOY PALABOY! Sana marami pa kong ma-denggoy! Hehe!
Ah yeah!
Friday, October 5, 2012
Haiskul
Time Check: 6:17 PM
Wednesday.
Nararamdaman ko na malapit nako pumayat. Naisipan ko kasi ang magdiet na. Sisimulan ko sa NO RICE diet. Last ako kumain ng rice e kagabi pa, bandang 7PM ata. So almost 24 hours na rin. Ngayong araw, almusal ko cup noodles, lunch ko e dalawang slice ng pizza, mojos, isang piraso ng
Anyway.
Gusto ko lang i-share sa mga hurado, at siyempre, sa inyo mga madlang pipol <showtime? haha> ang aking haiskul life na napakakulay, napakasaya, at siyempre, punung-puno ng kalokohan. Hehe.
Isa ako sa mga graduates ng Millenium Batch (year 2000 para sa mga tanga) sa isang maliit na pribado (pero mukhang public) na highschool dito sa isang bayan sa Pampanga. Magyayabang ako. Grumadweyt ako with honors. Oha! At hulaan niyo kung ano ang aming graduation song?! Ayan sa baba. Sobrang baduy. Putangina! Haha.
Pinili ko mag-aral sa school na yun dahil doon nag-aral ang aking mga peyrents, mga Tito at Tita, at ibang mga pinsan. Ayun. No choice. Na-peer pressure ako sa mga kamag-anak ko.
Haiskul days ko noong nagsimulang tawagin akong Denggoy. Hanggang ngayon ay 'di ko alam kung bakit ako tinawag na Denggoy. Nagsimula sa kaklase slash tropa ko noon (hanggang ngayon) na itatago ko sa totoo niyang pangalan na LORDWEEN. Haha. 3rd year na kami nun. Ayun. Tapos yung kapatid kong babae, 1st year noon. Since Denggoy ako, siya naman daw si Dengue! Haha.
Wala ako masyado maalalang mga memories noong 1st at 2nd year ko. 14-15 years ago na din kasi yun. Memory gap. Haha.
Sobrang daming kalokohan ang nag-umpisa nung 3rd hanggang sa 4th year ko. Mga kalokohan na hanggang ngayon ay tinatawanan pa rin namin ng mga naging tropa ko nung haiskul kapag may reunion kami. Heto ilan sa mga unforgettable na katarantaduhang nagawa namin noon, in random order. Hehe.
1. Iyong room namin noon, second floor ng building (two-storey). Bintana is mga jalousy. Napagtripan namin noon na luwagan yung pagkakalagay nung mga bintana para kapag isinara ay maglalaglagan sila. Ayun. Nung malapit na magsara ang klase, iilan na lang ang mga jalousy sa bintana.
2. Sa second floor sa dulo ang room namin, tapos sa likod ay may hagdanan (mga 15 steps din siguro), sort of shortcut. Mga upuan namin noon is bakal. Kapag uwian na, madalas namin hinuhulog doon ang mga upuan.
3. <Hindi ko pinagmamalaki ang isang ito, gusto ko lang ishare.> May kaklase kame noong haiskul na nakakapagdala/drive na ng kotse. Kapag may mga araw na walang pasok kinabukasan, trip namin na gumala sa mga subdivision at mga barangay dito sa bayan namin. Heto ang trip, may dala kaming baseball bat, mga bato, sputnik, at recorder. Ang mission, mamalo, mambato, magsputnik ng mga asong pagala-gala sa daan. Purpose ng recorder ay para i-record yung iyak ng aso. Heto yung trip na lubos kong pinagsisisihan. Para kaming mga demonyo noon. Sobrang kawawa nung mga aso kapag naalala ko sila. Nung college nako, sinira at tinapon ko na yung mga tape. Nagbago nako. Lablab ko na mga dogs.
4. Since malapit lang ang Clark sa amin, madalas kami mag-ghost hunting noon sa mga haunted places doon, lalo na dun sa Haunted Hospital, syempre, dala pa din yung recorder namin. I swear, may isang instance na nakaramdam talaga kami ng kakaiba, takbuhan talaga kami sa sasakyan at mabilis na umuwi.
5. Nagnakaw kami sa canteen ng school. Di ko idedetalye, mahirap na. Haha. Tapos saka kami nagpicnic. Sa Picnic Grounds sa Clark. Hehe.
6. 15 years old ata kami noon. Since may sasakyan nga ang isa naming kaklase, napagtripan namin minsan na pumunta sa Fields Avenue (google mo na lang) at nanood ng live show. Katakot-takot na pakiusap ginawa namin bago kami papasukin. At ang kondisyon, iced tea lang pwedeng orderin dahil mga minors nga kami. Hehe.
Yan na lang muna isa-share ko. Baka magalit na mga tropa ko sa mga ibinulgar ko dito. Haha. Yung iba naming mga kalokohan noon, kahit sa MTRCB eh baka hindi pumasa. Haha.
Nung JS PROM nung 4th year na kami, naging KING of the night ako. Ayoko idetalye. Nakakahiya. Bwahaha!
Kahit maloko ako nung haiskul, nag-aral pa rin akong mabuti. Yung NSAT noon, ako pinakamataas sa school namin. Oha! 'Di ko din malilimutan ang ilang mga naging teachers ko doon. Merong iba na tumatak talaga, lalo na yung teacher ko sa Math noon, dahil natuto talaga ako sa kanya. Nadala ko hanggang college ang mga natutunan ko sa kanya kaya minamani ko lang noon ang algebra. Hehe.
Ayun. Da best talaga ang haiskul life. Di ko na sinali ang paglalablayp ko noon kasi nakwento ko na dati sa isa ko pang post yun (DITO). Hehe.
Minsan, babalik ako sa school na yun para magpasalamat sa makulay at masayang haiskul life na pinaranas niya saken.
Ah yeah!
Subscribe to:
Posts (Atom)