Wednesday, October 10, 2012

Shobis


Time Check: 5:21 PM


Wednesday.


After ng halos isang taon, babalik na ulit ako sa morning shift sa trabaho bukas. For two months ito (malamang). Sa wakas, mae-experience ko na ulit ang matulog ng regular sa gabi. Sawa nako sa pagiging bampira. Pero andami ko mamimiss. Una na dito ang mga eyebags ko. Pangalawa, ang night differential pay na napakalaking tulong sa pang-araw-araw na bisyo. Pangatlo ay si "shining star" na crush ko sa trabaho na feeling ko ay may gusto din sa akin pero nagpapakipot lang. Oha.


Napapansin ko lately, sa panonood ko ng TV, na sobrang dami ng mga talent search na parang lahat na lang ay gustong mag-artista at sumikat. Sino bang hinde? Easy money! Sa Dos, merong Pilipinas Got Talent at X-Factor na kakatapos lang. Sa Singko, merong Artista Academy at Talentadong Pinoy. Sa Siyete, may Protege. Iba pa diyan yung mga pakontest ng Eat Bulaga, It's Showtime, at Wil Time Bigtime! Shet! Lahat na lang gusto magshowbiz.


Looking on the bright side, nagsusulputan ang mga ganitong pakontes sa TV dahil sa sobrang talented nating mga pinoy. Totoo yan. Halimbawa, sa isang grupo ng mga magbabarkada, for sure, isa diyan ay marunong kumanta. Or sumayaw. Parang ako. Oha.


Naisip ko lang, kung sigurong uso na yung Starstruck or Star Circle Quest nung mga highschool days ko, baka nag-audition din ako. Sayang cuteness slash hotness ko e. Baka siguro walang John Lloyd Cruz or Richard Gutierrez ngayon. Hahahaha! <libre lang mangarap>


Sa isang talent search, gaya halimbawa ng sa Dos or Siyete, mga sampung libong nangangarap ang mag-o-audition. Sa sampung libong iyon, isa or dalawa lang ang mananalo. Lima hanggang sampu ang sisikat. Pa'no yung iba? Swertihan lang talaga siguro. Ika nga, kapag ukol, bubukol. Better luck next time sa iba or hanggang sa marealize na lang nila na di para sa kanila ang showbiz at tatahak ng ibang landas. Hay. At least, sumubok.


"It is better to have tried and failed than to never have tried at all."


So, anong point ko sa post na 'to?


Since morning shift na ako, at madaming oras ko tuwing hapon araw-araw, napilit akong mag-gym ng ilang mga opismates. Napagtanto ko na it's time na talaga. This is it guys. Kapag gumanda na katawan ko, magreresign na'ko sa call center. Mag-a-artista na lang ako. Papausuhin ko ulit ang mga bomba films. At ang launching movie ko ay, "Pasalat ng Peklat"!


Bwahahaha!


Ah yeah!



13 comments:

  1. Aabangan ko ang iyong pagsikat parekoy!

    I would have to agree sa sinabi mo na talented talaga tayong mga pinoy, mapa kantahan, sayawan, aktingan, or kung anik anik pang kalokohan lols. Kaya madami din ang naaakit mag artista kasi easy money BUT kung gaano ka kabilis sumikat, ganun din kabilis malaos. Kaya kailangan, may natapos kang kurso sa college. This would serve as your "fall-back" pag di ka na sikat :D

    Dream, believe, survive!

    ReplyDelete
  2. Sabi na nga ba ikaw na talaga ang porn king. lol :)Pagsumali ka sa talent search sasali din ako. Tapos na agad ang career mo. joke :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang lagay eh kau lang ang magpoporn joke hahaha!

      Delete
  3. kapag nakita ko na magaling kayong artista, papayag ako na tumulong sa PR works. conditional yan :P

    ReplyDelete
  4. oh my goodness. dahil diyan... maggygym na rin ako. kakalabanin ko kayong dalawa ni parang archieviner! bwahaha

    ReplyDelete
  5. Kung nagkataong sumali ka sa Starstruck or Star Circle Quest dati, baka natalo kita pards! hahaha. panira lang ng pangarap. XD

    goodluck sa gym! baka matuluyan kang porn king!

    ReplyDelete
  6. haha oo nga an dameng ganyan lately hahah well talentado and magaganda nmn ang pinot kaya ok lng sakin sawa na din siguro ang manunuod sa puro drama ee nu haha
    goal ko din magpaganda ng katawan

    ReplyDelete
  7. hahah. panalo to. sige, good luck sa plan mong mag gym. pero ngayon ko lang napansin, mas panalo yung header mo. oha? nakabaliktad lang?

    ReplyDelete
  8. wow, gusto ko rin mag shobis. sasali ako dun sa contest ng eat bulaga ngayon. Mr. Pogi, Weh! Ang kilabot! hahaha

    ReplyDelete
  9. Nag-audition ako dati sa Ang TV. Sayang, sana sumikat din ako tulad nina Jolina at John Pratts.

    ReplyDelete
  10. yeah that's true kuya kaliwa't kanan ang mga pa-uaditions. pero ok na rin po yun kasi atleast naipapakita nating mga pinoy kung ano ang mga kaya nating gawin at kung ano ang mga talent natin sa buong mundo.

    good luck po sa work u pow kuya at good luck din pow sa gym at sa pagpapaganda ng katawan, wooot. :)

    C0TT0N-L0VE.BLOGSPOT.COM

    ReplyDelete
  11. hahaha. basta wag mo ko kakalimutan pag sumikat kana..:)

    ReplyDelete
  12. wow! trip mo yan. walang basagan. haahaha.

    goodluck sa pag gegym. ako give up talaga ako. di ko kaya paganda ng katawan. okay nako sa normal pero magiliw kong personality. ;-)


    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p