Monday, July 23, 2012

Rainy Days And Mondays


Time Check: 8:30 AM


Rainy Monday.


Three days straight na umuulan. Sakto sa three days off ko. Pinagpala. Ganyan. Wala ako ginawa kundi magstay sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain na. Or najejebs at nawiwiwi. 'Di na ako masyado naligo kasi malamig naman e. Haha.


Sarap ng almusal ko kanina. Tamales. Apat. Tsaka ko nilagyan ng dalawang tinadtad na itlog na maalat as toppings. Da best!


Kapag ganitong maulan at malamig ang panahon, ansarap lang magkulong sa kwarto at humilata maghapon. Movie marathon. Disenteng movies ah, hindi iyong katulad ng iniisip mo <insert XXX here>. Haha.


Last day ng off ko today kaya dapat sulitin. Dapat may maganap na kapaki-pakinabang. "At bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas."


Haha. Nag-Panatang Makabayan? Tama naman ako 'di ba? Yun yung kasunud ng "kapaki-pakinabang"? Hehe.


Kakornihan! Nyeta!


Speaking of ulan, may naalala ko nung bata pa'ko. Buhay pa si lola. Siguro 5-6 years old lang ako nun. Wala pa global warming/el niño/la niña/climate change noon. Buwan ng Mayo pa ang schedule ng rainy season. Hindi katulad ngayon na napaka-unpredictable ng panahon. Parang bulbol lang. Ang gulo. Haha.


Heto ang catch. Unang patak ng ulan sa Mayo, sinasahod ng lola ko. Pini-filter naman niya. Tsaka kami paiinumin ng tig-iisang baso ng mga pinsan at kapatid ko. Para daw tumibay sikmura namin. Iba talaga si lola. Buti na lang di pa masyado uso ang acid rain noon, butas-butas na sana bituka namin ngayon. Haha.


Anyhow.


Naisip ko lang. 'Di ko alam kung ako lang 'to or meron din sa inyo na nalulungkot kapag umuulan...


Di ba? Parang may dalang lungkot or kung anumang depression ang ulan. Hay... Emo? Haha. Tengene nemen!




Wala ako maisip na title for this entry. Kinuha ko na lang sa kantang to! Pinilit i-relate? Haha!


Ah yeah!



Friday, July 20, 2012

Random Shit 2




 Time Check: 4:30 PM


Friday.


Kamusta naman?


Sumakit na mata ko kaka-Tetris Battle sa FB kaya tinigilan ko muna. 2 hours straight na ata ako naglalaro. Nararamdaman ko kasi na parang dudugo na mata ko kaya inexit ko muna. Kainis. Rank 100 pa lang naaabot ko. Hay...




Haha! Yan na pinakamataas na rank. Gusto ko lang magyabang. Bwahaha!


Last shift mamaya. Dahil sa perfect attendance ang team namin last month (June), natuwa ang Boss namin. Binigyan niya kami ng tig-1 Million Pesos. Haha. Napagkasunduan na rin ng team na magpawelcome party sa mga newbies sa team namin. So inuman session na naman mamaya. Alak starts at 5AM. Ah yeah!


In two weeks, a party will be held by our account. Mimosa ba o Fontana? Haha. Basta. Sa loob ng clark. Black and Yellow ang theme. Nyeta! Gastos na naman. Buti pa yung isa kong kakilala, di mahihirapan sa theme. Pure black lang kasi isusuot niya, since puro yellow naman ngipin niya. Ayun. Black and Yellow! That will suffice! Haha!


May dance contest. May prize. Para sure win ang "Tech Support" guys, sinali ako. Haha.


May naiisip nako'ng concept sa sayaw namin. Dapat maimpress ang judges para manalo kami. Dapat buwis-buhay. And because of that, naghanap ako sa youtube ng malupit na concept. Pwede na siguro to...




Kapag 'di pa kami nanalo nito ewan ko na lang! Haha!


Oh sha!  Prepare na'ko for work.


Kitakitz next time!


Ah yeah!



Monday, July 9, 2012

Random Shit


Time Check: 6:23 AM


Monday.


Nung isang araw ko pa sana balak gumawa ng bagong entry kaso kapag nasa harapan na'ko ng pc ko at kini-click ko na ang "New Post" eh tsaka naman ako sinusumpong ng mental blank block.


Ito ang first entry ko for July. Special dapat. Kumbaga sa bibingka, dapat may itlog na maalat at cheese on top kasi ispeysyal! Haha.


Pero naniniwala ako na hindi lahat ng may cheese on top ay special. Meron ding hinde. Parang ito...




Sobrang tanga naman ng nakaisip nito. The idea is just plain stupid! Lol.


Anyway.


Wala masyadong bago sa'ken lately. Same old routine lang ako. Bahay. Work. Konting inom. Ganyan. Medyo boring ang mga nakaraang araw ko. Kaya nagdecide ako na kailangan ng pagbabago. Nang konting excitement. Thrill. Adventure. At ang naisip kong magpapabago ng aking daily routine ay...



Drum roll please...

tugtugudugtugtugudugtug...


...wala! Hahaha!


Oo. Alam kong uso ang pagiging health conscious ngayon. Lalo na sa mga officemates ko. Ako na lang ata 'di nagigym dun. Pero 'di ako makikiuso. Tsaka na lang. 'Pag di na uso. Haha!


Nung isang araw, after ng shift (5AM), na-invite kami ng isa naming kasama sa birthday ng junakis niya. Buong shift akong di kumain para sa okasyong 'to. Dahil sa sobrang gutom, habang hinihintay naming i-serve ang food, heto ang naging mga kaganapan.

 .
 
me on black

Ganyan ang epekto ng gutom sa'ken! Haha!


Ah yeah!