Monday.
Hello Peepz!!! Musta?
Mejo patapos na January. First month ng taon. Ngayon ko pa lang naisip na gumawa ng New Years resowlushen list. So, eto mga gusto ko ma-accomplish this year, na sana e magawa ko talaga. Ang iba sa inyo, alam ko na meron ding ganito. Ayun. Gusto ko lang i-share kung ano mga balak kong ganap this year.
Nga pala...
Ano daw sabeeh? "A firm decision to do or not to do something"! Kaya kapag "resolution" pala, dapat nagagawa talaga! Firm daw eh!
Here's my list:
- Mag-ipon
- Bawas alak
- Bawas yosi
- Diet
- Exercise (Mag-GYM kung sisipagin)
- Makapagtravel (kaya dapat maayos ko na passport ko sa lalong madaling panahon)
- Makapagturo (kwatro o kwarto? hahaha)
- at marami pang iba...
At panghuli talaga ang "at marami pang iba..."! Halata bang wala na'ko maisip? Hahaha! So far, iyan ang mga importante kaya sila ang nauna ko maisip.
Mag-ipon. Matagal ko ng balak yan e. Mga 7 years na. Simula nung nagtrabaho ako. Hahaha. Makakaipon din ako. Pramis. Umpisahan ko sa piso-a-day. Dadami din yun.
Bawas alak at yosi. Matagal ko na din balak yon. 48 years na. Hahaha. Try ko talaga i-lessen this year. Try lang ha? Lol.
Diet and Exercise. Kaya ko din yan. Actually, pumayat na nga ako ngayon e. Dahil sa stress sa work. Minsan imbes na kumain e tinutulog ko na lang. Lahat nga ng nakakapansin na pumayat ako, tinatanong kung nagsa-shabu daw ba 'ko? Tengene nemen, porke pumayat, nagsa-shabu na? 'Di ba pwedeng wala lang makain?! Or walang time kumain?!
Makapagtravel. Asia lang naman. Like Singapore. At Indonesia. May mga tropa ako na dun nagwo-work e. Pasyal-pasyal lang. Sagot ko plane ticket, tapos, makikitulog na lang ako sa kanila. Hahaha!
Makapagturo. Sa college. Kahit Algebra, or kahit anong Math related na subject. Try ko lang. Teacher-teacheran. SIR DENGGOY! Bagay ba? Hehe.
Basta. Kaya ko to. May kasabihan nga na, "Great things come from small beginnings..."! 'Di ba? Hehe! Kaya naman, wish me luck guys!!!
***************************
#kunganoanolangnapost
- New Years Resolution chena ang topic ko today. May mangilan-ngilan din na mga post (FB at IG) ang nakita ko these past few days ang may caption na "BALIK ALINDOG 2014"! Gusto ko magcomment. Pero sa iba lang naman, 'di sa lahat. Gusto ko sana sabihin na "paano mo ibabalik ang isang bagay na never ka naman nagkaroon?" Hahaha! Harsh!!!
- 'Iyong office namin, bale building extension ng SM Clark, Pampanga. 5 floors. Since bago, 5th floor pa lang yung may laman at maayos, kasi nga nandoon kami. 1st and 2nd floor, sa SM. So, yung 3rd and 4th floors, bakante pa, at kapag gabi, madilim. Ganito eksena, after our yosi break, bandang past midnight yun, akyat kami papuntang 5th flr using the elevator with one of my officemates na itago na lang natin sa totoo nyang pangalan na JOEL. Hahaha. Pagpasok ng elevator, etong Joel, sinisilip-silip yung pinto ng elevator na habang nakatakip yung dalawang kamay sa gilid ng mata, na ang dilim daw, wala ka makita, chena bumble bee. Ganon. Ginawa ko, since kakaandar pa lang ng elevator, pinindot ko 4th and 5th floor. 'Di ba yung elevator kapag nakarating na sa floor na pinindot mo e parang may tunog muna na parang "tan-tan-tan-tan" bago bumukas yung pinto? So yun nga, yung Joel, pagkadinig nya dun sa tunog, at pagbukas ng pinto, dire-diretso siya palabas. 4th floor! Sobrang dilim! Napatakbo siya pabalik at pinagmumura ako. Hahaha! Epic. Sobrang putla niya habang halos mamatay ako sa kakatawa!
***************************
So ayun.
May pasok pa tonight, so boborlog na muna ako.
Ah yeah!!!
"paano mo ibabalik ang isang bagay na never ka naman nagkaroon?"
ReplyDelete- harsh ka nga ahahaha...
- wow magtuturo sya oh.. ako nag tuturo din ako "doon po Sir", "Dyan po Ma'am", "Dito po banda yan Miss" ganyan lolz ang mais lang ahaha.
naniniwala ako sa "great things come in small beginnings...". Kung magiipon ka lang eh itigil mo na ang yosi at alak at yung ginagastos mo sa bisyo eh i-set aside mo na.
ReplyDeleteMagsisimula ka din naman mag-ipon sa piso pa, 50 na agad! or 100. Pakialamero eh no? Hahahaha!
Pero maganda ang mga resolution kahit madalas abort. As one good bishop taught me, he who doesn't plan, plans to fail. at least you set goals. All we need to do is to discipline ourselves to reach them.
Disiplina ang keyword natin dito para matupad mo yang mga nasa list mo :))
ReplyDeleteyoko maniwala sa mg resolution mo denggoy! ha ha ha just do it!
ReplyDeletealiw na aliw ako dun sa kwentong elevator parang nai-imagine ko putla ng kasama mo luvit ha ha ha