Sunday, April 20, 2014

#PakshetLang

Time Check: 1:42 PM


Easter Sunday.


Hi guys!

April na pala agad. Parang kelan lang eh kakastart lang ng 2014. Ang bilis talaga ng panahon.

Speaking of panahon, sobrang init lately noh?! Sagad. Abot singit. Nakaka-stress. Nakakapangit. Pero 'di ako affected as aspeto ng kapangitan. Yung iba lang. Parang ikaw! Hahahaha!

*****

Happy Easter nga pala today. Araw ng mga Betlog este itlog pala. Hehe.

Dumaan ang Holy Week na hindi ko halos naramdaman dahil may pasok sa work. Keri lang. Double pay naman! Tapos may OT pa. Daming pera next payout nito! Yeah!

*****


Heto ako now in front of my PC busy Facebooking to check mostly nonsense posts and status updates from friends, semi-friends, and not-so-friends on my FB wall. Mga Leche! Hahahaha!

*****


Lately, lagi ko pinapatugtog ang kantang "Demons" ng Imagine Dragons. Ganda 'di ba?! Astig nung kanta! Pero sa totoo lang, di ko naman talaga gets ang meaning ng song. Hahaha. Nagagandahan lang ako sa tono. Madaling sabayan. Ayun.

Ilang araw na din ako LSS sa "Star Spangled Banner". National Anthem yan ng US tungaw! As in ginoogle ko talaga lyrics, tapos sa work kapag walang ginagawa, kinakanta ko ng mahina ang putangina! Weird noh?! Hahaha.

 ***** 

Good news! May passport na me!!! Yehey! Makapunta nga ng London bukas. Hahaha!

 ***** 


Change topic.

Dahil uso ang pagha-hashtag ng kung-ano-ano, makikiuso ako! Hashtag PAKSHET! 'Yan gusto ko i-discuss today mga kids! Mga kaganapang nararapat na i-hashtag PAKSHET!!! Mga kabadtripan ko sa buhay. Mga putanginang bad vibes sa paligid-ligid! Hahaha! Like the following:

1. Yung crush mo na TAKEN na. #PakshetLang
2. Yung bagong ligo ka pero ilang minuto lang pawis ka na agad dahil sa init ng panahon. #PakshetLang
3. Yung ang yabang mo maglakad, taas noo, tapos bigla ka matatapilok! #PakshetLang
4. Yung halatang 'di ka naman OK tapos tatanungin ka pa ng kasama mo kung OK ka lang. #PakshetLang
5. Yung taeng-tae ka na tapos ang tagal lumabas nung nasa loob ng banyo! #PakshetLang
6. Yung ang init ng ulo mo, nakikipag-away ka na ang taas ng boses mo, tapos bigla ka mabubulol! #PakshetLang
7. Yung time na hintay ka ng hintay sa tindahan kasi akala mo may sukli pa, yun pala wala na. #PakshetLang
8. Yung kakasweldo mo lang 5 days ago tapos wala ka na agad pera. #PakshetLang
9. Yung nagsalamin ka sa bintana ng kotse tapos may tao pala sa loob. #PakshetLang
10. Yung nagregister ka ng unlitxt tapos wala ka naman katxt. #PakshetLang
11. Yung sobrang baho ng hininga ng kausap mo! #PakshetLang
12. Yung kausap mo isang tao na sobrang OA, imbento, kayabangan ang kwento na obvious naman na 'di totoo ang kinukuwento pero pinaninindigan talaga ang pagpe-press release! #PakshetLang
12. Yung putanginang feeling good-looking na akala niya eh napopogian talaga lahat sa kanya yung mga tao sa paligid niya. #PakshetLang
13. Yung gaya-gaya na walang originality. #PakshetLang
14. Yung mga plastik! #PakshetLang
15. Yung ambaho ng katabi mo sa jeep! #PakshetLang
16. Yung mga pakialamero't pakialamera. My business is none of your business! Mga gago! #PakshetLang
17. Yung dunung-dunungan na sa totoong buhay eh wala naman talagang alam! #PakshetLang
18. Yung ang bagal ng putanginang Sun Broadband na'to! #PakshetLang
19. Yung ang ingay ng katabi mo. Bungangera ang gaga! #PakshetLang
20. Yung wala kang sex life. #PakshetLang

Ayan lang naman. Nakahinga na'ko ng maluwag. Nailabas ko na eh. Naipasa ko sa'yo kabadtripan ko pagkataps mo mabasa 'to. Hahaha.

Nga pala... 

Heto na siguro ang pinakahashtagPAKSHET sa lahat... 

...YUNG AKO YUNG PINAKAPOGI sa Office!!! Hahahahaha!!!

*****

So, yan na lang muna guys.

#takecarecozicare
#chillchilllangguys
#alisname
#oksaolrayt

Babush!

Ah yeah!



5 comments:

  1. Yung taeng-tae ka na tapos ang tagal lumabas nung nasa loob ng banyo! --> Tomo! nanggigigil ka na para lang di na lumabas ng pupu mo ahahaha.

    ReplyDelete
  2. Excuse me Denggoy di ako napapa pangit ng init. Kahit ilapit mo ako sa araw, di ako maapektuhan haha :)

    Sama naman ako sa London! Kaya lang wala pa pala akong passport #pakshetlang!

    Lols much sa #pakshetlang list! damang dama ko ang inis mo - chillax lang! :)

    ReplyDelete
  3. Hoy Easter na Easter puma-PAKsiw ka jan! ha ha

    Happy Easter Denggoy!

    ReplyDelete
  4. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  5. Hala weird nga yung palihim mong ineenjoy ang Star Spangled Banner!

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p