Time Check: 10:48 AM
Tuesday.
Apat na araw na akong comatose. Kain, tulog, hilata lang. Naubos tuloy SL ko. Madalang lang ako magkasakit, pero kapag tinamaan, para akong mamamatay na. Sabay-sabay na ubo, sipon, lagnat, tonsilitis, panlalambot ng katawan, sakit ng ulo. Trangkaso. Nyeta! For sure, iniisip nyan sa work na gawa-gawa ko lang ang sakit ko na'to. Na wala naman talaga akong sakit at tinatamad lang ako pumasok. Pakyu ol bitches! Maysakit talaga 'ko! God knows!
Kapag maysakit, kadalasan e mapait ang panlasa mo or wala ka at all panlasa. Wala ako panlasa. So nakakatipid kami lately sa bigas at ulam dahil di ako masyado nagkakakain. For sure, gusto ng mga nasa bahay na mag-extend ang sakit ko para mas makatipid kami lalo.
Napansin ko lang din na sobra sa karaniwan ang tulog ng isang tao kapag may sakit. Tulad ko, magdamag ng tulog, may kasama pang idlip sa umaga at power nap sa hapon. Or baka bumabawi lang din ang katawan ko sa tulog dahil nitong mga nakaraang buwan e ginagawa ko lang "past time" ang pagtulog. Past time dahil halos natutulog lang ako kapag may extrang time, the whole time e gising dahil sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.
Dahil tambay sa bahay ng ilang araw at wala ako masyado movies na na-download recently na pwede panoorin, Youtube ang pinagkaabalahan ko. 90% ata ng pinapanood ko lately e tungkol sa mga aliens, UFO, end of the world, universe, ganyan. Leche! Napapraning lang siguro ako dahil malapit na December 21, 2012. Pero seriously, I strongly advise you people not to watch too much of those alien shits, documentaries about UFO's and our Universe, our Origins at kung anu-ano pang shit about Science. Kumo-contradict sa faith ko e. Nakaka-atheist! Kaya today, nagdecide ako na iba papanoorin ko. Tom & Jerry naman. Tsaka Adventure Time! Hehe.
Mamaya, pupunta ako sa doctor. Hindi ako papatingin dahil na-diagnose ko na din naman sarili ko at umiinom na'ko ng gamot. The reason is, hihingi lang ako ng medcert (medical certificate), katunayan na kaya hindi ako pumasok sa work ay dahil sa
Naisip ko lang. Kung sa albularyo ako pupunta at sa kanya ako hihingi ng medcert, i-aapprove kaya SL ko sa work?
Ah yeah!
pagaling k n lng pre.
ReplyDeletefave ng anak ko tom & jerry @ adveuture time.
dahil fave ng anak ko un n rin pinapunod ko.
hindi ata nag me-medcert ang albularyo. ang papadala nya sayo yung pinatak patak na kandila :)
ReplyDeleteget well soon denggoy! asap pala at ubos na ang sl mo! :)
napaisip ako kung anong klaseng med cert ang ibibgay ng albularyo hmmm... get well na lang denggoy namimiss ka na daw ng mga ka-work mo hehe...
ReplyDeleteingatan ang sarili ser denggoy. :)
ReplyDeletemay nakilala nga ako na sa sobrang hilig niya sa mga UFO nakalimutan niya faith niya, kaya tigilan na yan pareng denggoy!
ReplyDeletegoodluck sa pagpunta sa doctor! ingat-ingat din sa sarili!
sa mangkukulam na lang pre. tapos pag di tinanggap, saka mo pakulam. :D
ReplyDeleteNainspired akong panoorin din ang tungkol sa mga aliens, UFO, end of the world, universe. lol Ganyan. Pagaling ka ser dengoy :)
ReplyDeletelapit na kasi 12.12.12. Sign na yan ser. lol get well soon :)
Deletepagaling ka na sir!! lol subukan mo humingi ng medcert sa albularyo para maiba naman! hahaha
ReplyDeletepagaling ka denggoy .. kung saan saan ka kasi sumusuot hahaha
ReplyDeleteKulang ka lang ata sa babae pre. Tara bar tayo. Hehe
ReplyDelete* Gin was here
hay nakakamiss din ang ganitong buhay. i-enjoy mo lang!
ReplyDeletepagaling ka po. at tama si zai baka yung mga patak patak ng kandila ang ibigay ng albularyo instead of med cert hahaha
ReplyDeletesigurado akong i aaprove yan...try mo po one time...hahaha anyway, get well very soon!...:)
ReplyDeletexx!
get well soon parekoy ganyan din ako mag kasakit sakit talaga sa bangs
ReplyDeletesige n nga hindi n ko manonood masyado ng alien alien na yan..
ReplyDeletepa notaryo mo lang yang medcert mo galing sa albularyo . pwede na yan basta may dry seal. hahahah
Get well soon :p
paps, padaan at pa-comment at add na rin kita hehe, same here at medyo masama na rin ang pakiramdam, dulot na rn siguro ng weather. get well soon
ReplyDeletepagaling ka parekoy!
ReplyDelete