Tuesday, May 21, 2013

Alien


Time Check: 1:48 AM

Tuesday.

Ang pagbabalik.

Howdy guys?!

Humihingi ako ng paumanhin sa inyong mga fans ng Denggoy Palaboy (kung meron man, haha) kung wala ako naipopost na entry nitong mga nakaraang buwan kahit sobrang dami kong free time. Mental blank ako e. Teka, blank ba o block? Haha. Basta. Ayoko naman pilitin ang sarili ko na magpost para lang may update. Puro kahalayan ang kakalabasan. Pramis.

Kumusta naman ako? Well, higit dalawang buwan na'kong tambay. Hirap maghanap ng work. Pero di ako sumusuko. Kapag 'di pa ko nakakahanap ng work na pang-ECE in 2 months, babalik na lang ako sa pagiging call center boy. Hehe.

Anyways. Bigla ako sinumpong gumawa ng entry today dahil sa kakaibang bagay na nasaksihan ko (at ng kapatid ko) kani-kanina lang. Bandang 12 MN na siguro yun. Ganito....

Ugali ko ang magwiwi sa likod bahay kesa pumasok ng banyo, lalo na kapag gabi na. Mas madali kasi para sa akin dahil sa likod bahay ang room ko, mas accessible. So ayun, kaninang bandang 12, lumabas ako para magwiwi. So habang dinidilig ko ang tigang na lupa, nakatingala ako sa langit. Sa may 'di kalayuan, may nababanaag akong makislap na mga ilaw na inisip kong hindi pwedeng manggaling sa isang eroplano. Basta, kakaiba yung dating nung mga ilaw. Tsaka 'di pwedeng isang eroplano yun dahil steady lang siya e. Gumagalaw ng bahagya pero halos 'di naman umaalis sa posisyon. Ganon. So hanggang natapos nako magwiwi, tumayo muna ko dun. Pinanood ko muna ng mga limang minuto siguro dahil kakaiba nga.

Nung una, inisip ko baka isa lang sa mga lantern na sinisindihan na pinapalipad kapag may kinakasal (ano na mga tawag dun?). So yun nga, tumunganga ako sa labas ng hatinggabi at pinanood ang bagay na yun. Parang tanga lang. Walang anu-ano'y bigla siya gumalaw, gumana na parang eroplano. Banayad nung una tapos medyo bumilis. Nung medyo palapit na, nasigurado kong 'di nga siya eroplano, naaaninagan ko kasi mula sa liwanag ng buwan na parang triangular in shape siya. Kinabahan ako.

Konting flashback. Kaninang hapon, 2012 ang palabas sa Star Movies na pinanood ko for the nth time. Tapos, nakahiligan ko manood nung series na Ancient Aliens recently. Isa din ako sa mga medyo napraning nung nakaraang December 21, 2012 sa End of the World chuchu. Tapos Dennis Allen ang totoo kong pangalan. Malapit sa Alien.

Ayun nga, nung makita kong gumana yung bagay, from north going south siya, eh tumakbo ko sa loob ng bahay at tinawag yung brother ko na nagkataong gising pa. Ayun, paglabas namin, sakto yung position nung bagay e nasa bandang uluhan na namin. Maliwanag ang buwan. Kita namin pareho. Itim na triangle yung shape niya. Madami ilaw sa baba. Walang tunog yung andar niya.

UFO?

Sinundan namin ng tingin hanggang sa mawala siya sa aming paningin. 'Di naman nagdisappear o naglahong parang bula. Natakpan lang ng bubong ng kapitbahay kaya nawala sa paningin namin. Ayun.
Pagpasok sa kwarto ko, medyo napraning agad ako. Kung ano-ano na naisip ko. Alien. Sasakupin na tayo. Doomsday. Armageddon. Punyeta.

Pero I swear, sigurado ako na hindi eroplano, o fighter jet, or anumang aircraft of this earth ang nakita namin ni utol. Kakaiba talaga. Oo, wala ako proof dahil walang picture or video man lang. Wala ako pakialam kung 'di ka maniniwala. Basta ako, nakakita na'ko ng UFO!!!

Yehey!!!

Hahaha!


Ah yeah!