Time Check: 5:47 PM
Thursday.
Ang konti ng tulog ko today. Majinit Jackson kase. Sa katulad kong graveyard ang trabaho, usually e tanghali pa'ko nakakatulog. Tirik ang araw. Ayun. Since mahirap lang kame at walang aircon ang kwarto ko, mainit pag tanghali. Nakatatlong oras na tulog lang ako. Short time lang. Parang sa motel. Bangag ako later sa work for sure. Eto na naman ako sa panakaw na tulog sa opis. Hay...
Anyway, napansin ko na nakaka-11 kyawsan hits na pala 'tong wala kong kwentong blog. Oha. Andami ko ng nade-denggoy! Kung bawat visit sa blog ko e sinisingil ko ng piso, may pambili na sana ako ng aircon! Kaya naman, starting today ay tumatanggap na'ko ng donations, in kind or in cash. But I prefer cash! In peso or dollars. Hahahaha!
Pumayat ako lately. Reason is nagkasakit ako. Iba pa yung stress sa trabaho at mga problemang personal na pinagdadaanan ko. Idagdag pa ang kawalang-ganang kumain at laging walang tulog. Pero 'di ako nagda-drugs. 'Di ako nagsa-shabu! Kaya itigil na ang kakatanong kung nagda-drugs ako. Next time na may magtanong kung nagda-drugs ba ako, middle finger ko na sasagot. Pramis!!!
This is another RANDOM post. Update lang sa blog.
Topic: So what?!
Kapag ni-translate sa tagalog, "Oh! Eh ano ngayon?".
Sa kapampangan, "Oh! Ngeni?".
Sa ilokano, aba ewan ko! Hahaha!
Sa kadahilanang marami sa atin ang likas na mga pakialamero't pakialamera, naisip kong punahin kayo. Mga judgemental, mapanlait, mga taong maraming opinyon sa mga bagay-bagay na di dapat pinapakialaman, (gaya ko, hahaha) para sa inyo to! Listen!
- Sa Facebook, kapag nakakakita ka ng status na mismong ang taong nagpost lang ang naglike at nagcomment sa sarili niyang post... So what?! <Forever alone?>
- Sa mga Facebook post (or pics) na kunwari ay diet/exercise kuno si ate/kuya, tapos kung kumain eh mas masiba pa sa kargador na magdamag nagbuhat... So what?! <Panggap ever?>
- Sa mga taong kasama mo sa work (or basta nakakasalamuha mo) na pretending mayaman, arte much na social climber to the pinakahighest level, na mukha namang kumakain ng tuyo at nagdidildil lang ng asin sa totoong buhay... So what?! <Panggap ever part 2?!>
- Sa mga taong kasama mo sa trabaho na kung makasipsip sa Boss (or Bosses) ay wagas... So what?! <Linta much?! hahaha>
- Sa mga taong sobrang naiinggit sa'yo, to the point na ginagawan ka ng kung ano-anong kwento/chismis sa ibang tao na hindi naman totoo... So what?! <Putangina niya!>
- Sa mga taong akala mo eh kaibigan mo, pero narealize mong toma (inuman) friends lang pala sila, at ni hindi mo maasahan kapag kailangan mo ng tulong... So what?! <Tablado!>
- Sa mga taong salawahan, meaning committed sa isang relationship (or may asawa na) pero walang tigil sa panlalalaki/pambababae... So what?! <Landi-landi pag may time>
- Sa mga taong feeling pogi/maganda, na sobrang confident na good-looking talaga sila, na wagas kung maka-selfie, na kapag nagpost ng picture sa Facebook eh natutukso kang magcomment ng masama... So what?! <Chararat!!!>
***** BLOOPERS *****
Setting: Inuman (Videoke House na open, may maraming tables at pwede kumanta kahit sino may gusto)
Umaga, after shift yon, bandang 9 am na, tamang inom at kanta lang. Nasa isang malaking table kami (with my workmates) tapos sa isang table, mga nagtatrabaho din sa same company namin na di namin ka-close pero may isa ako kilala (itago natin sa pangalang Jam). So ayun, grupo sila ng babae at lalake. Inom, kanta, laklak, yosi, tawanan. May chick na sobrang ganda sila kasama na feeling ko e single dahil walang katabi. Sinusulyap-sulyapan ko ng pakonti-konti lang naman. Nung malasing ako ng konti, tinanong ko yung kilala ko nga...
Ako: Jam, single ba yun? Pakilala mo naman ako. (habang nginunguso ko sa kanya si girl)
Jam: Tangina mo, GF ko yan!
Ako: <nanliit sa hiya at sorry ng sorry>
Hahaha. Buti na lang at 'di nagalit 'yung Jam. Ayun. Lesson learned. Next time mas maging mapagmasid. Hehehe.
**********************
So there.
Thanks sa inyo na nagbabasa.
Nakakataba ng puso.Nakakaiyak. Hahaha!
Comment din 'pag may time! Okish?
Babush!
Ah yeah!!!