Thursday, April 12, 2012
Ang Summer
Time Check: 10:35 AM
Tuesday.
Tapos na ang long weekend. Holy Week fever is over. Nagsisibalikan na mga tao sa normal nilang buhay. Back to reality ulet. As for me, day-off ko today! Haha! Yahoo!
Since ako lang ang walang trabaho today at 99.99% ng mga tropa, kaibigan, kainuman at kakilala ko ay may pasok, malamang ay steady lang ako sa bahay nito. Chillax lang. Walang ganap.
Summer na nga pero 'di ko masyado maramdaman. 'Di dahil sa singkapal ng sa kalabaw ang balat ko, pero ba't maulan ang summer ngayon? Summer na nga ba? Dati, pagpatak ng march eh sobrang init na ng panahon. 'Di ko naman sinasabi na di mainit ngayon, pero kung kumpara sa dati, naman! Anyways...
Hongdami kong memories ng summer nung bata pa'ko. Back in elementary days. Dahil summer is bakasyon, at bukid ang likod bahay namin, madalas kami mamukid ng mga pinsan at kalaro ko. Andun yung naliligo kami sa sapa, nagnanakaw ng mga tanim na mangga ni Mang Matias, manguha ng duhat sa punong may sobrang daming langgam, manirador/bumaril ng ibon (oo, may baril kami), kumuha ng tubo at kamote, maglimas ng isda sa sapa, manghuli ng gagamba, magtampisaw sa ulan (bandang buwan ng Mayo), at kung ano-ano pa. Tapos, may nalalaman pa kaming tumalon dun sa may bangin sa sapa (di naman kataasan) habang nagtratransform kuno as bioman, shaider, mask rider black, etc.! Haha! Naranasan ko pa ngang maligo sa kanal, na ikinaospital ko pa ng halos 1 week dahil sa typhoid fever. Hehe. But that's another story. ;)
One of my fondest memories as a child, siguro i'm about 5-6 years old eh yung hinahatiran namin ng almusal lolo ko sa bukid kasama lola ko. 'Yung papasikat pa lang yung araw, nire-ready na ni lola yung almusal ni lolo. Bitbit ang kaldero, tuyo/itlog, kamatis, at nakagarapong kape, nilalakad namin ni lola papuntang bukid kung saan namamastol ng kalabaw si lolo at inaasikaso ang tanim naming palay. Pagdating dun, madadatnan na namin si lolo sa may ilalim ng may kawayanan habang nagpapahinga at sabay kami kakain ng almusal. Pagkapahinga, magpapasakay na'ko kay lolo sa kalabaw. Yun yung dahilan kaya lagi ako sumasama kay lola. Carabaoback riding. Da best! Hehe!
Also, summer is playtime! Since bakasyon, sobrang daming kalaro! Iyong generation nga ata namin (born in the 80's) ang na-enjoy ng husto ang paglalaro ng mga old skul na laro gaya ng patintero, tumbang-preso, taguan (sak-bang), maro, susing parador (haha. oo may ganyang laro), piko, etc.! Halos maghapon kang wala sa bahay, umuuwi lang pag kakain na. Kapag malapit na dumilim, sisigaw na si lola para umuwi kami. Pag-uwi, maliligo. Dapat maghilod kasi, "sapak kang sapat kili-kili keng alikabuk"! Haha!
Mga bata ngayon iba na. 'Di na masyado palalabas ng bahay. Tulad ng mga nakababata kong pinsan. Yung grade 1, lagi nakatutok sa cartoon network. Yung grade 3, sa PSP. Yung grade 5, sa FB naman. Mas masaya nung panahon namin. Simple man, at least sobrang ne-enjoy namin kabataan namin.
Ah yeah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p