Thursday, May 3, 2012

Going Solo

Time Check: 4:27 PM



Thursday.


Tagal kong walang update. Senxa na, medyo naging busy sa buhay-buhay. Da best! Naglipat kasi ako. Ng gamit. Kasi. Nagdecide muna ako. Na magsolo. Sa buhay. 28 na'ko e. Gusto ko masanay. Na maging independent. Sana. Naging busy. Lang ako. Nabobo na'ko sa simpleng. Sentence Construction. Haha.


Medyo lumayo ako sa bahay. 3-4 hours siguro ang biyahe. Iyon ay kung maglalakad ka. Kung magko-comute naman ay 30-45 minutes siguro.  Sa totoo lang, 'di ako masyado lumayo. Baka gutumin e. Mahirap na. At least makakauwi agad ako kung sakali.


Marahil ay nagtataka ka kung bakit ngayon ko lang naisipang maging independent. Ako din e. Sakyan mo na lang. Kanya-kanyang trip yan e.


Nakatira ako ngayon sa isang high class na subdivision dito sa Angeles. Joke. Sa isang apartment malapit sa AUF. School yon. Huwag kang tanga. Walking distance din ang Starbucks. Kaya 'pag trip kong magsocial climb e dun ako tumatambay. Higit sa lahat, isang tumbling lang ang lapit sa sabungan. Da best. Malakas ang kutob ko na dito ako yayaman. Sa manok. Ni San Pedro.


Ngayon ko na-realize na mahirap pala mamuhay ng mag-isa 'pag nasanay ka na all your life e libre lahat. Dito sa apartment, sariling luto, sariling laba, sariling linis, sariling hugas plato, sariling sikap, sariling atin. Haha.


Isang advantage ng namumuhay na mag-isa ay sarili mo lang ang iniintindi mo. 'Di mo kailangang makisama. Kapag kumain ka at nilagay mo sa lababo pinagkainan mo, ok lang na 'di mo agad hugasan. kahit 3 days. Inuuod na yung plato e andun pa rin sa lababo. At walang magagalit. O magdadadakdak. Kasi mag-isa ka lang.


Kapag mag-isa ka lang, at walang magawa, nakakaburyong. Malungkot. Nakakamiss mga batang maiingay sa bahay. 'Di mo alam kung manonood ka ng TV or DVD, or mag-iinternet, o magsasalsal. Madalas, e tinutulog ko na lang. Iniisip ko na lang, masasanay din ako. Para sa'ken naman 'to e. Kailangan ko na magsolo, once and for all.


Ah yeah!


No comments:

Post a Comment

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p