Time Check: 4:41 PM
Tuesday.
Kapag nawala daw ang isang bagay na mahalaga sa'yo, doon mo lang mare-realize ang worth niya. Totoo yan. Parang cellphone ko lang. Twice na'ko nawalan this year. Tatlong beses last year. Oha. Ang yaman ko lang. Sayang yung mga
Speaking of nawawala, sasali dapat sana ako doon sa 2012 Saranggola Blog Awards. Haha. Kaso nga, 'di ko na nagawang natapos yung maikling kwentong ilalahok ko sana. Sayang. Nararamdaman ko na pa naman na heto na ang aking road to stardom. Lol. Better luck next year na lang siguro. Ipopost ko na lang as separate entry dito sa blog ko yung post na yun.
Nung isang araw, pumasok ako sa work ng wala sa mood. Pero kunwari lang. Haha. Normally kasi, alam ng lahat kapag andun na'ko dahil sa magulo ako. Pero nung araw na iyon, tahimik akong pumasok at umupo sa tagong station kung saan di ako masyadong mapapansin. Ngunit nabigo ako. Ilang sandali lang at nakalimutan kong nagro-role play pala ko. Haha.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero wala na nga akong pera. Ubos na. As in allowance na lang hanggang sa katapusan ang natitira. Shet! Sana umabot. Kung hinde, baka mapilitan akong ibenta ang sariwa kong pangangatawan. Mura lang. 120Php per Kilo.
Kung napansin mo, wala ang topic ko today. As in Wala. Wala. Wala. Haha. Ang gulo. Basta wala akong topic today.
Wala lang. Walang Kwenta.
Ah yeah!
P.S.: Kay Pareng Lou (Bored Night Crawler) at Pareng Emil (Asiong), tuloy ba yung lakad natin?! Email niyo ko! Wala na'ko numbers nyo! Hehe!
dahil wala wala wala ang title ng post mo..wala wala wala din akong comment chos! sayang nemen di ka nakaabot sa SBA..sayang ang opportunity to stardom :P
ReplyDeletekulit ng random post. lakas trip pa pero malilimutin naman hihih =D
ReplyDeletesalamat sa pagbisita sa blog ko balik ka ah =D
ang sabaw lang ng post mo nato ser denggoy :)
ReplyDeletewala akong comment. lol
ReplyDeleteSayang naman yung entry mo sa SBA.
May lakad na naman sila T.T Ingit :P
wahaha, thumbs up for being random :D
ReplyDeleteang kulet nung pagro-role play mo parekoy, hehe!
wow twice nawalan ng cp naku ingat ingat din
ReplyDeletepeo agree ako dun sa sinabi mo about sa worth
grabeh! cp nawawala? nawala bah or nanakaw? sayang nga yung fubu este contacts. hehehe
ReplyDeleteminsan, mas astig magpakarandom :))
ReplyDeleteSayang ang mga nawalang cp, sana binigay mo na lang saken! Sayang din ang road to stardom na post, hehe!
ReplyDeletePareng denggoy! nagpa-denggoy ka nanaman ng cellphone? grabe naman iyan! dapat pala binigay mo nalang sa akin nung huli tayong nagkita. haha. game ako kaso mukhang si pareng asiong ata ang super busy. hehe. text ko saglit. :P
ReplyDeleteakala mo lang wala, pero meron! meron! meron! XD
ReplyDeletewala akong masabi.
ReplyDeleteikaw na ang mahilig mag charity work..cellphone pa ang pinamimigay...lol..we all bloggers experience na minsan walang masulat or ma e post:)
ReplyDeletemay sasabhin sana ako pero nawala hahahahhaa
ReplyDeleteSayang hindi ka nakaabot sa SBA 4 ..hehe
ReplyDeletehong yomon ! parang disposable lang ang phone kung iwala.hahahaha
Mawawalan ka na ng pera pre? Oks lang yan, nararanasan ko yan palagi pag malapit na ang sweldo. Yung tipong dalawang kanin at gulay nalang ang kinakain ko pag tanghali.
ReplyDelete* Pareng Jay was here
Wala wala walang connect ang icocomment ko sasagutin ko lang yung tanong na iniwan mo sa blog ko, nandun po sa gilid yung pangalan at link mo, parang nahati kasi yung list, kaya hindi totoong alphabetical. I-ctrl F mo na lang para ma-confirm. Nasa bandang baba/gitna sya. Haha hinanap ko eh hehehe.
ReplyDeletetapusin mo yung kwento mo tapos post mo rito nang mabasa namin.
ReplyDelete:D