Time Check: 3:45 PM
Biyernes ngayon. Day-off ko. Wala magawa. Pag ganitong off ko sa work e wala naman ako pinagkakaabalahan masyado. Facebook. Mafia Wars. Magsalsal. Manood ng mga movies na na-download ko. Same old shit. Minsan shot with tropa. Pero mostly sa bahay lang. Sawa nako sa gimik kase. Pakiramdam ko e gradweyt nako dun. Bukod sa nanghihinayang ako sa gagastusin ko sa alak, e lalo pa tuloy lumalaki tong tiyan kong bondat na. haha.
I work mostly at night. Graveyard. Sa madaling salita, call center. Ok naman e. Minsan may konting panghihinayang lang. Licensed ECE ako. Mga kabatch ko asensado na yung iba. Napapractice nila profession namin. Mas malaki sweldo. Mas maraming opportunities na nakalaan kasi the more experience you gain sa profession namin e more chances of getting a job from refutable companies. Ako, call center agent. 3 years na. Kung pa'no ko nagsimula, ganon pa din ngayon. Stuck? Siguro. Masaya naman e. Ok naman yung pay. Kaso pa'no yung pinag-aralan ko? Sayang naman... :(
After ko pumasa ng board exams, ni sa hinagap, di ko naisip na mapapadpad ako ng BPO industry. Nangarap din naman ako na makapagtrabaho na dapat e related sa course ko. Dami ko inaplayang companies; Cavite, Makati, Manila, ParaƱaque, etc..
Kaso minalas e. Bagsak sa interview, bagsak sa exam na pagkahirap-hirap, at kung anu-ano pang shit.
E mga kasabayan mo nag-aaply mula sa mga bigating schools.'Di naman sa minamaliit ko ang aking alma mater. E sa ganon talaga ang kalakaran ngayon e. Mas bigating school, mas malaki chance na makuha sa work. Parang sa raffle lang yan, "the more entries you send, the more chances of winning"! hehe.
After 2 months na job-hunting, naisipan ko muna magpahinga. Stay muna sa bahay. Tulog. Lamon. Gala. Tambay. Nagmuni-muni. Nag-iisip ng bagong strategy para makakuha ng magandang work.
Eto na. Habang nasa kasarapan ng pagtatambay, may dumalaw na mga dating kaklase sa highschool. Cool. So kamustahan, inuman ng konte, kwentuhan. Napadpad ang usapan sa job-hunting. 'Yung dalawa kasi dun, nabanggit na mag-aaply daw sila sa may call center sa clarkfield kinabukasan at niyaya ako na sumama. Arte ko pa nung una. Ayoko sumama. Duh! Licensed ECE ako tapos call center?! No way! Ayun. Kinabukasan, sumama ako! haha.
Edi yun. Sabi ko, subok lang to. Aga namin. 8AM andun na kami. Pagdating dun sabi ko, "shit! dami namin nag-aaply"! For sure aabutin kami ng gabi dito. Bahala na sabi ko sa isip ko. Isa-isa na kami tinatawag. Initial Interview. Nauna ko natawag sa dalawang tropa ko. After 10mins, natapos nako. Ayun, natapos na din yung 2 ko pa kasama. Siguro after 15 mins pa pagkatapos nila, ina-announce na yung mga pumasa sa initial interview. Natawag ako. Nice. Yung dalawa kong kasama, hinde. Patay! Pa'no to sabi ko, ayoko naman maiwan mag-isa dun. Kaya mo yan sabi nila, at kung anu-ano pang kagaguhang pampalakas ng loob sinabi nila. Ayun, umuwi na sila. Naiwan ako. Sumunod na exam, then language interview, then final interview. Nairaos ko naman. Bandang 6PM tapos nako. Eh thursday yon. Kinabukasan Medical na agad. Monday training na agad. Shet, ganito ba talaga sa call center sabi ko na naman sa isip ko! Lahat quickie! hehe!
At dun na nagsimula aking ang call center career! I was hired july 2, 2007. Awa ng Diyos, hanggang ngayon andun pa din ako. Nag-apply pa din naman ako ng ibang work na related sa curse course ko. Kaso malas talaga e. Siguro destiny ko talaga mag-"thank you for calling" habambuhay. At least may trabaho. Yung iba nga diyan, wala. Swerte pa din kahit papano. Thank you Lord!
Masaya naman buhay sa call center e. Sasagot ka lang ng tawag. Tawag ng mga bobo at tangang customers. Uupo ka lang at mag-"thank you for calling" buong shift. 9 hours a day. 5 days a week. Isa pang gusto ko sa work ko e madaming petiks! haha! 'Di naman kasi kami queueing kumapara sa ibang accounts. Pag tech support kasi medyo relax lang. Konti yung calls pero madami yung agents. haha! Eto pa masarap sa callcenter, ang napakadaming inuman sessions! Ewan ko ba, lahat halos ata ng mag nagtatrabaho sa call center e lasenggo't lasengga. At sunog-baga! Haha!
Sabi nga sa kanta nga Cambio:
I’ll be at the call center
Until something better
Comes along my way
It’s been a long long day
Hey, hey
Until something better
Comes along my way
It’s been a long long day
Hey, hey
So, There. Wala na'ko maisip e.
Basta ang importante, makuntento tayo kung anong meron tayo!
Learn to cherish and treasure what you have now. You'll never know kung kelan babawiin sa'yo yan ng nasa taas. Sige ka. hehe.
Chill!!!
Time Check: 5:04 PM