Time check: 11:14 PM
Another boring night. Wala magawa kaya naisipan ko na lang magblog. Ok na sana eh. Ganado gumawa ng blog kaso wala ako maisip na topic. Since first post naman to, ramdom thoughts na lang. Kung ano maisip, yun na yun. Hehe.
Kanina lang, nagbabrowse-browse ako sa isang forum. May natisod ako na medyo nakarelate ako.
Sabi niya,
"Sometimes, you are most ready when you think you are not. Some situations will force you to be at your best."
Madalas mangyari sa'kin to. 'Yung tipong urong-sulong ka. Itutuloy ba o hinde. Sayang naman kung hinde.
Parang nung paggraduate ko nung highschool tapos namimili ako ng course na kukunin sa college. Accountancy ba o Engineering? Torn between two courses. (parang kanta lang? hehe.)
Eh since may pagkamayabang ako at alam ko na "mani" lang sa akin ang math nung panahon na yon, nag Eng-Eng ako. Tsaka para medyo may angas ng konte kasi sa batch namen, konti lang kami naligaw ng landas sa Engineering. Haha. ECE kinuha ko.
At dun na nagsimula and kalbaryo. haha.
Back subjects.
Na-addict pa sa counter-strike.
Minsan wala na ngang pambayad ng tuition, nangungupit pa! lol!
Miscellaneous fees, Lab fees, etc.
Kinaibigan ko na lahat ng pwedeng kaibiganin para pumasa.
Kailangan e. Kasi kung magshift ako ng ibang course, panibagong gastos na naman.
Kailangan ko grumadweyt kasi sayang binabayad ni erpats. Magdamagan kung pumasada si erpats non, may ma-allowance lang ako at isa kong kapatid na college din.
Awa ng Diyos, at ng ilang mga mababait kong kaklase na nagpakopya sa'ken, ng ilang red horse na naubos sa loob ng 6 years(eh 5 year course lang ang ECE, haha), grumadweyt naman ako. At least nagbunga lahat ng paghihirap ko noon at halos mabali na leeg ko kakakopya para pumasa.
Eto na, after graduation, syempre sayang naman kung di ako magboboard exam.
Kaso, walang budget.
Eto na.
A month after graduation(May), may kamag-anak na bumisita sa bahay.
Tita ko. Kapatid ni erpats. Nasa Abroad ang asawa.
Tinanong ako kung ano balak ko.
Sabi ko pahinga ng konte tapos hanap nako work.
Inoffer ako na sasagutin niya gastos sa board exam(that includes bayad sa review center, board & lodging, weekly allowance, and other miscellaneous fees) kasi sayang naman daw pinag-aralan ko.
Syempre payag agad ako. Kaso naisip ko, kaya ko ba to?
"Sometimes, you are most ready when you think you are not. Some situations will force you to be at your best."
Sa madaling sabi, after a week, lumuwas nako ng manila. nag-enroll sa review center(PERC-DC; libreng advertisement, hehe), Nakidorm sa kapatid ng tropa ko na nagrereview naman for CPA board exams. Ayun.
Eto pa. Nung grumadweyt ako, wala ako masyado kakilala sa mga kasabay ko nagmartsa kasi ahead ako sa kanila ng 1 year. So wala akong ka-close. Oo na. Loner. haha.
Dun sa dorm na tinuluyan ko, 7 kami sa kwarto(Imaginin mo, para kaming sardinas! haha). Malaki naman yung room, may apat na double deck na kama, may cabinet na lalagyan ng gamit namin. Yung 3 na kasama namin, ilokano, reviewing for CPA board exams. Yung 3 pa, kasama yung kapatid ng tropa ko, kapampangan, reviewing for CPA board exams din. Ako, for ECE board exams. Outcast.
So nagstart na review. 3 days a week lang yung review, every other day.
First two months. Lakwatsa.
Nilibot ko ang Manila.
Pangarap ko nun sumakay ng LRT. Pumunta ng MOA. Divisoria. Gumimik sa baywalk. Malate. natupad.
Saya.
Halos 6 months yung review. Nagstart ng May 15.
Routine ko noon e review center. dorm. tulog.
Kinabukasan, lakwatsa.
So monday to friday ganon ginagawa ko. Every two weeks uwi ng Pampanga.
Pag sa pampanga, inuman naman inaatupag ko. hehe.
Since ako lang ECE sa room namen, lagi ako mag-isa kung mag-review. Nagbabasa mag-isa.
Sila, nagtatanungan, nagseshare ng mga alam nila na di alam ng iba.
Ako wala. Solo flight. Kung ano lang meron ako at kung ano lang alam ko, yun na yun.
Kawawa. hehe.
2 months before board exam, ayun, naramdaman ko na yung pressure.
Naisip ko na pag di ko pinagbutihan to, wala na. Last chance na'to.
Wala ng Take 2. Wala na mag-iisponsor.
Dun ko naranasan matulog ng katabi mga libro, notes, review materials ko.
Ayun na. Basa, kain, ligo, tulog na lang ginagawa ko.
Every Thursday, simba sa St. Jude.
Every Sunday, simba dun sa may isa pang chapel malapit sa dorm.
Simba din sa Quiapo tsaka Baclaran.
Yun yung time na masasabi kong pinaka-peak ng katalinuhan ko. haha.
Pramis. Almost lahat ng formula sa Math, Geometry, Physics, etc., kabisado ko!
Almost lahat ng importanteng terms sa Electronics at Communications alam ko.
Sobrang taas ng confidence ko nun na papasa ako.
2 days yung exam.
1st day Math at Electronics. 2nd day yung Comms.
1 day before board exam maaga ako nagising.
Di nako nagreview.
Relax na lang.
Nag-ayos ng gamit kasi after board exam tapos na kontrata ko sa dorm. Uwi na ng Pampanga.
Kumain ng masarap. Nakipagkwentuhan. Nood TV.
8PM tulog nako. Gising ng 4AM.
Edi yun na. Tapos na exam. After nung Comms, sobrang ang positive ng feeling ko na papasa ako.
Di sa nagyayabang ako pero nakuha ko yung 3 subjects. Yabang!!! hehe.
Last day sa dorm, inuman.
Kinabukasan, alsa-balutan na at uwi na ng Pampanga.
After 3 days, lumabas na results.
Pasado ako. Di nako nabigla. haha!
Ayun.
"Sometimes, you are most ready when you think you are not. Some situations will force you to be at your best."
After nangyari lahat ng 'to, na-realize ko na ang isang tao, kung gugustuhin lang niya, halos lahat ay posible.
Ang determinasyon, dagdagan mo ng sipag, tiyaga, at pananampalataya sa taas, ay magbubunga ng kaiga-igayang resulta.
If there is a will, there is a way, ika nga.
Parang itong pagbablog ko ngayon. Antagal ko na gusto gawin to. Eversince naging aware ako sa blog eh gusto ko meron akong blogsite. Online Journal. Outlet. Something na pwede kong paglabasan ng aking mga ideya at kaisipang makamundo makabuluhan. Sana tuluy-tuloy na'to.
P.S.: ikaw na bahala mag-isip kung blog ba talaga 'to o storytelling lang. haha!
Time Check: 12:30 AM
I notice your mannerism in your blogs
ReplyDelete-time check
-strike-through words
-you like to post personal stuff but refrain from giving too much information.
By the way Hi ^_^ LOL
sobrang keen mo lang mag-observe. hehe.
ReplyDeleteas nuch as possible ayoko mag-divulge ng personal info unless kilala mo talaga ko. hehe. actually, i share my blogs through my FB friends, pero sa blog world, konti lng nakakakilala sa'ken. hehe.
btw, thanks for following!