Thursday, April 12, 2012

Ang Summer


Time Check: 10:35 AM


Tuesday.


Tapos na ang long weekend. Holy Week fever is over. Nagsisibalikan na mga tao sa normal nilang buhay. Back to reality ulet. As for me, day-off ko today! Haha! Yahoo!


Since ako lang ang walang trabaho today at 99.99% ng mga tropa, kaibigan, kainuman at kakilala ko ay may pasok, malamang ay steady lang ako sa bahay nito. Chillax lang. Walang ganap.


Summer na nga pero 'di ko masyado maramdaman. 'Di dahil sa singkapal ng sa kalabaw ang balat ko, pero ba't maulan ang summer ngayon? Summer na nga ba? Dati, pagpatak ng march eh sobrang init na ng panahon. 'Di ko naman sinasabi na di mainit ngayon, pero kung kumpara sa dati, naman! Anyways...


Hongdami kong memories ng summer nung bata pa'ko. Back in elementary days. Dahil summer is bakasyon, at bukid ang likod bahay namin, madalas kami mamukid ng mga pinsan at kalaro ko. Andun yung naliligo kami sa sapa, nagnanakaw ng mga tanim na mangga ni Mang Matias, manguha ng duhat sa punong may sobrang daming langgam, manirador/bumaril ng ibon (oo, may baril kami), kumuha ng tubo at kamote, maglimas ng isda sa sapa, manghuli ng gagamba, magtampisaw sa ulan (bandang buwan ng Mayo), at kung ano-ano pa. Tapos, may nalalaman pa kaming tumalon dun sa may bangin sa sapa (di naman kataasan) habang nagtratransform kuno as bioman, shaider, mask rider black, etc.! Haha! Naranasan ko pa ngang maligo sa kanal, na ikinaospital ko pa ng halos 1 week dahil sa typhoid fever. Hehe. But that's another story.  ;)


One of my fondest memories as a child, siguro i'm about 5-6 years old eh yung hinahatiran namin ng almusal lolo ko sa bukid kasama lola ko. 'Yung papasikat pa lang yung araw, nire-ready na ni lola yung almusal ni lolo. Bitbit ang kaldero, tuyo/itlog, kamatis, at nakagarapong kape, nilalakad namin ni lola papuntang bukid kung saan namamastol ng kalabaw si lolo at inaasikaso ang tanim naming palay. Pagdating dun, madadatnan na namin si lolo sa may ilalim ng may kawayanan habang nagpapahinga at sabay kami kakain ng almusal. Pagkapahinga, magpapasakay na'ko kay lolo sa kalabaw. Yun yung dahilan kaya lagi ako sumasama kay lola. Carabaoback riding. Da best! Hehe!


Also, summer is playtime! Since bakasyon, sobrang daming kalaro! Iyong generation nga ata namin (born in the 80's) ang na-enjoy ng husto ang paglalaro ng mga old skul na laro gaya ng patintero, tumbang-preso, taguan (sak-bang), maro, susing parador (haha. oo may ganyang laro), piko, etc.! Halos maghapon kang wala sa bahay, umuuwi lang pag kakain na. Kapag malapit na dumilim, sisigaw na si lola para umuwi kami. Pag-uwi, maliligo. Dapat maghilod kasi, "sapak kang sapat kili-kili keng alikabuk"! Haha!


Mga bata ngayon iba na. 'Di na masyado palalabas ng bahay. Tulad ng mga nakababata kong pinsan. Yung grade 1, lagi nakatutok sa cartoon network. Yung grade 3, sa PSP. Yung grade 5, sa FB naman. Mas masaya nung panahon namin. Simple man, at least sobrang ne-enjoy namin kabataan namin.


Ah yeah!



Thursday, April 5, 2012

Solomot


Time Check: 5:10 PM


Maundy Thursday.


Astig noh?! Maundy na, Thursday pa! Lunes na Huwebes! Haha! Punyeta ang corny!


Anyway, kamusta naman holy week ko? Heto, parang normal na week lang kase walang bakasyon sa work. 'Di naman ako makapagreklamo kasi mas pinili ko pasukan ang holiday kesa i-off ko. Sayang din eh. Double pay. Sabi ko nga sa previous post ko, "sagot sa kahirapan"! Haha.


Paggising ko kanina, medyo badtrip pakiramdam ko. Bukod sa bitin sa tulog, pagpunta ko sa kusina e wala ng ulam. Malas. 'Di dahil sa nagfafasting kami, 'di lang talaga ko tinirhan. Haha! Nyeta! Ang ending, nagmountain dew na lang ako at yosi then balik ulit sa kwarto.


Medyo masaya naman atmosphere sa labas dahil madami nagpepenitensya. Busy mga tao sa kauusyoso sa mga "mandarame". Kahapon nga, napalabas ako dahil nagsisigawan sa labas, akala ko may artista. Ngayon pala, merong "kalbaryo". Eto tawag nila sa nagpepenitensya na may pasan na krus, tapos nakatali ang  katawan at hinihila, sinisipa at pinapaddle at the same time habang naglalakad na tumatakbo. Nice noh?! Parang tanga lang. Anyways...


Kapag mga ganitong mga panahon, time to repent and reflect daw. Kaya sa mga nakaaway at inaway ko dati, sensya na po. Sa uulitin... Haha.


Mahilig ako magmura. Indirect sa tao syempre. Parang expression lang.  Pero yung word, di binubuo.. Parang ganito...

Putanayd....
Put....
Nakpu....
Putang....


Lately, napansin ko na dumami sa mga ka-opismates ko ang mapagmura. Konting gulat lang, mumurahin ka. Biruin mo, mumurahin ka. Sabihan mo ng bad news, mumurahin ka. Napauso ko ang magmura ng magmura sa opis. Haha. Da best!


In less than 3 hours, pasok na naman sa work. Katamad! Bakit kasi kailangan pa magtrabaho. Sana pinanganak na lang akong Zobel de Ayala para kain, tulog, gala lang ako. Haha. Kidding aside, pangit din ang ganon. 'Di ka pwedeng basta pakalat-kalat lang at pumunta kahit saan mo gusto. Maya't-maya nanganganib wallet at buhay mo. Haha. Prone to holdap at kidnapping ka. Huwag na lang.


Since holiday ngayon, malamang walang boss mamaya. Pwedeng matulog. Yes naman!


Sa sobrang inip ko kanina, ni-chat ku na naman si simsimi...




Haha! Inaya pa ko magsugal ng gago! Tongking pamo!


Part 2...





Tangina kahit walang kwenta tong simsimi na 'to napakamaloko ng putangina... Haha.


Oh sya.. Late na'ko!


Ah yeah!




Tuesday, April 3, 2012

You Found Me


Time Check: 1:30 PM


April 03, 2012.


Martes Santo.


Bilis ng panahon. Shet! Balak ko pa naman sanang gumawa ng entry para sa April Fool's day! Nak ng pekpek naman. Off ko pa naman yun. Araw ko yun e! Araw ng PANDEDENGGOY! Hehe! Wala na. Two days na lumipas. Wala ng saysay.


Actually, April 01 is Sunday. OFF ko na. Bandang 5:30 AM, pauwi na'ko nun galing work. Malapit na'ko sa bahay. Ng biglang magring ang phone ko...

<tatagalugin ko na lang para sa 'di nakakaintindi ng kapampangan>

Ako: Oh?!
Dating Kasama sa Work: Hoy! San ka? Shot Tayo!
Ako: Nyeta! Sana malapit na'ko sa bahay...
Dating Kasama sa Work: Balik ka! Shot tayo tol!
Ako: Puta ka! Next time na lang... Puyat ako. Bangag. Masakit pa ulo ko... Saan?
Dating Kasama sa Work: Haha! Dito sa dati! Actually dito na'ko! Hehe!
Ako: Ok. 20 mins andyan nako...


Hayun! Sumakay ako uli ng jeep. Habang biyahe, halos lahat ng makita kong tao may dalang dahon ng palaspas. Palm Sunday na pala nun. Mas inuuna ko pa ang alak sa pagsisimba. Sorry Papa Jesus.

____________________


Nung isang araw, bandang 3AM, break ko, kasama ang dalawa ko pang colleague na magsyota (yes naman.. di ba pwedeng opism8 muna..haha), naisipan namin na sa ministop kami kumain. Sa isip ko, magnum sana bibilhin ko kaso, since hinamak-hamak ko na mga nakikiuso sa magnum sa previous post ko, nagcheesedog na lang ako. Hehe!


Paglabas ng ministop, napatingin ako sa kotseng nakapark sa may malapit. Parang pamilyar yung mama na nasa loob na parang may hinihintay kasi bukas isang pinto ng kotse. Dahil medyo malabo mata ko, kailangan kong isingkit mga mata ko para maaninagan ko yung tao. Kilala ko nga. Puta. Barkada ko nung college. Actually barkada ko pa rin naman hanggang ngayon kaso di na kami masyado nagkikita dahil nag-asawa na nga at sa Maynila na nagtatrabaho. Tama nga ako. Hinihintay nya paglabas ng asawa niya. Same company din kasi kami ng misis niya.


Ayun. Nagkamustahan. Siguro, 9-10 years ago (shet! tanda ko na..haha) nung naging magkatropa kami. Actually tatlo kami, me asawa na din yung isa kaso kami nagkikita pa paminsan-minsan. Solid kami nun. Me pangalan pa grupo namin. TRIPOD. Haha. Putanaydana! Kahit matagal kami 'di nagkikita, parang walang nagbago. Nagpalitan ng number at mag-iinuman session ulet 'pag may pagkakataon. Da best!

____________________


Since Holy week ngayong mga panahong 'to, good boy muna ko. Pass to alak muna 'ko hanggang Good Friday. Yes naman!

____________________


Kung halos lahat ng tao eh bakasyon mode ngayong holy week, ako eh work mode. Sayang holiday pay. Sagot sa kahirapan. Haha.

____________________


Time to reflect pala dapat ngayon...



YOU FOUND ME - The Fray

I found God on the corner of 1st and Amistad
Where the West was all but won
All alone, smoking his last cigarette
I said, "Where you been?" He said, "Ask anything"

Where were you when everything was falling apart?
All my days were spent by the telephone that never rang
And all I needed was a call that never came
To the corner of 1st and Amistad

Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me

But in the end everyone ends up alone
Losing her, the only one who's ever known
Who I am, who I'm not and who I wanna be
No way to know how long she will be next to me

Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me!

The early morning, the city breaks
And I've been calling for years and years and years and years
And you never left me no messages
You never sent me no letters
You got some kind of nerve taking all I want!

Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor, where were you? Where were you?

Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me!

Why'd you have to wait to find me, to find me?

____________________

Para saken, this song emphasizes the power of God by illustrating that through struggles, God allows us to find Him, to find hope. And that there is a purpose for the hurt and pain because we will always find Him.


Da best!


Ah Yeah!