Friday, August 31, 2012

Banat!


Time Check: 2:57 PM


Friday.


Day-off ko nung Wednesday. Pasok ng Thursday. Day-off ulit ngayong Friday. Pasok ulit bukas ng Saturday. Tapos Naka-leave ako ng Sunday. Ang gara lang ng schedule ko. Every other day ang pasok. Parang fill-in the blanks lang. Kumbaga sa ngipin, bungi-bungi. Haha.


Anyway.


Last day na ng August today. Start na ng BER months bukas, meaning malapit na ang pasko. 116 days na lang, meri xmas na. Aw. Lagot na naman ako sa mga inaanak ko nito. Hehe. Huling bilang ko e 11 na sila. This sunday, magnininong ulit ako sa anak ng isang dating kaklase slash kabarkada nung haiskul. So pang-12 na yun.  Ganyan. Of course, masaya ako na kinukuha akong ninong kahit papaano. Ibig sabihn lang non, e tiwala ang magulang ng batang iyon na pwede akong magsilbing pangalawang magulang sa kanilang anak. Oha! Role model lang ang peg. Haha.


Wala ako magawa today kaya naisip ko na lang na bumanat.


Ooops! Wag madumi ang utak. Haha.


Bumanat is Pu-munch line! Pumik-ap! Hehe.


Heto.


"Sana BIRTHDAY CANDLE ka na lang..."
"Bakit?"
"Para Punapalakpak sila habang pinapatay kita."


"Straw ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi naman, SIPSIP ka na, PLASTIC ka pa!"


"Delivery woman ka ba?"
"Bakit?"
"Eh kasi, kanina mo pa tinitignan PACKAGE ko e!"


"Miss, may nagsabi na sa'yo ko daw matatagpuan yung Treasure Chest?"
"Huh?"
"Pero nung nakita kita, sa CHEST lang ok na'ko."


"Miss, saranggola ka ba?"
"Bakit?"
"Ang ganda mo kasi sa malayo e."


At ang pamatay sa lahat...


"Ang isang RELASYON ay parang INUMAN. Kahit gaano man kasaya, natatapos din sa salitang HINDI KO NA KAYA..."


Ah yeah!






P.S.: 'Di ko po inaangkin mga yan. Karamihan galing ko lang din sa internet, iba naman, narinig ko lang din sa ibang tao. Peace y'all! Boom!

6 comments:

  1. wala talagang kupas ang mga banat at punchlines. kapag nakarinig ako ng mga ganyan, kahit luma na tumatawa pa rin ako.

    ReplyDelete
  2. dapat ata, green ang font color nung iba. haha

    ReplyDelete
  3. sarap pangbanat nung birthday candle! hahaha.

    ReplyDelete
  4. Ang sama ng birthday candle na banat haha! Ayoko ng bungi bungi sked hindi lang nakakaenjoy pag ganun hehe...

    ReplyDelete
  5. Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME ;) For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p