Sunday, September 30, 2012

S-Miley


Time Check: 5:02 PM


Sunday.


Si Miley. Ang Asong makulet. Hehe.














Babae yan. Mukha lang lalake dahil di ko pa napapagupitan. Hehe.


Ah yeah!



Tuesday, September 25, 2012

Fezbuk


Time Check: 2:20 PM


Tuesday.


Siyam na araw bago ako nakapag-update. Busy sa taping e, sensya na. Haha.


Nabanggit ko sa previous post ko na nagbirthday ako nung isang araw. Wala naman masyadong handa. Konting inuman lang.


bday boi sa dulo!



Anyway. Enough of that birthday.


Tuwing OFF ko lang sa work ako lagi nakakagawa ng entry. Ako na pumansin sa sarili kong routine dahil wala naman nakakapansing iba. Hehe. Dahil siguro kapag OFF ko ay wala masyado iniisip kaya ganado magtype. Magcompose. Gumawa ng kwentong kalokohan.


Pagkacheck ko ng chwirrer (twitter) account ko kanina, nabigla ako dahil from less than 20 followers nung last check ko (2-3 weeks ago), biglang may almost 200 followers nako. Oha! Feeling sikat? Artista? Haha. Tsaka ko lang naalala na nung last pala akong naglogin, kung sino-sino na lang finollow ko. Ayun. Nakarami. Harhar. Ma-unfollow nga ulit sila later.


Sa Fezbuk naman, ganun pa din. Same old, same old. Merong friend mo nga, 'di naman kayo nagpapansinan. 'Yung pakiramdam mo eh display ka lang sa Friends list niya. Masabi lang na madami siyang friends. At dahil dito, mag-a-unfriend ako later. Madami. Joke.


Minsan, trip ko lang din tumambay sa FB wall at pansinin, basahin, laitin, ang wall post ng iba kong friends. Oha. Kontrabida. Pero 'di naman umaabot sa point na nagcocomment ako para mamahiya ng tao. That's bad. Nila-like ko na lang, then after a few minutes, ia-unlike ko din. Haha.


Merong babati ng hapi bertday sa lolo/lola niya, eh wala namang fezbuk yung binabati. Anu kaya yun? Or merong nag-a-update ng status na parang bitin na sentence/phrase na nakadugtong sa pangalan nila, parang ganito: "is kumakain ng ice cream" or "is wala sa mood" or "is nasa starbucks at nagsosocial climb" or "is tumatae sa plato then kakainin later" or "is umutot sa kamay at pinaamoy sa katabi". Nyeta. May maipost lang?!


Meron din iba na ang tapang-tapang sa FB wall. Usong-uso sa FB wall ang magparining sa taong kinaiinisan or magpost na patamang kowts sa naglalandi sa kani-kanilang jowa.  Buti pa yung mga ganong post e naeenjoy ko. Exciting. Tapos may magcocomment na manggagatong pa or madalas, magbibigay ng clue kung sino yung pinaparinggan. Updated ka kaagad sa latest shobis happenings! Lakas maka-chika minute! Hehe.


Meron din namang puro kaampalayahan ang post. Bitterness. Instead na problema ang bilangin, ba't 'di nila i-try bilangin ang blessings nila. Oha. Pumapayo. Hehe.


Meron ding nakakaawa. 'Yung mga post na kung ano-ano lang tapos sila lang din ang nagla-like ng sarili nilang post. Tsk. Tsk. Kawawa naman. Para ka lang bumili ng bagong damit, pinakita mo sa friends mo, tapos dedma lang sila.


Baka sabihin naman nagpapakakontrobersyal ako kaya ko pinost to. Hindi po. Malamang napapansin nyo din mga yan. Ayaw nyo lang aminin sa sarili nyo na naiinis/naasar din kayo minsan. Hehe. Basta ang importante, "We should exist in this world not to impress people, but to live your life the way you want it". Kumo-quotable quote? Hehe. Maganda siguro dedma na lang, kanya-kanyang trip yan e. Huwag masyado paapekto. Ewan ko ba ba't nagpapaapekto ako. Haha.



Ah yeah!





Disclaimer: Ang mga nabanggit sa taas ay aking obserbasyon lang po at wala akong pinatatamaang specific na tao. Kung may FB friend man ako na makabasa nito at feeling mo ay tinamaan ka sa mga nabanggit, buti nga sa'yo! Haha. Joke. Peace tayo!

Sunday, September 16, 2012

Boy Random


Time Check: 7:19 PM


Sunday.


Solb ang birthday celebration ko kahapon. 'Di ko akalain na madami ang makikisaya sa aking espesyal na araw. Nakakaiyak. Bukod sa na-touch ako dahil madami pumunta, naiyak din ako sa sobrang sakit sa bulsa. Haha. Joke lang. Sabi nga ng isa kong tropa, "What's money for? Paper only!". Oha!


Bukod sa kakatapos lang na birthday celeb ko, isa pang bago ngayon ay si Miley na nabanggit ko sa isang post ko dati. DOUGIE. Sobrang kulit at likot lang ng asong pagkakyut-kyut na kagaya ko. First day niya kahapon dito sa bahay. Wala siyang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Nagda-doubt tuloy ako kung tuta ba talaga o daga yung nabili ko. Hehe. Next time ko upload pics niya. 'Di ko kasi mahanap USB cable nung GIGICAM e.


Lately ko lang na-realize na kung gusto mo pala dumami followers, commenters, at hits mo sa blog mo, ay dapat masipag ka din magcomment at magfollow ng ibang bloggers. Ayun. Bukod sa konting followers na na-denggoy ko, nagkaron na din ako ng konting kakilala na masasabi kong online tropa na rin. Medyo nagkaka-hits na rin ako kahit papano. Ah yeah!


Kapag chine-check ko ang blogger stats ko, laging dun lang ako sa overview at parefresh-refresh lang kung sa palagay ko ay may bagong bisita. Kanina ko lang talaga napagtuunan ng pansin ang mga lumilitaw na search keywords ng mga bisitang naliligaw through google. Last month, heto ang ilang mga keywords na nagdala ng mga bisita sa blog ko.





 'Di na'ko nabigla sa "ano ang gamot sa pigsa" dahil meron akong post dati tungkol diyan. At ano naman ang kinalaman ko sa  "magsyota sa bukid"? Syempre,  'di na rin ako masyadong nabigla sa "di bale ng mataba basta yummy" dahil sobrang ako talaga yan. Haha.


Ang sarap lang ng feeling kapag nakakapag-entertain or in a way, nakakapagpasaya ka ng mga taong 'di mo naman kakilala. Parehong pakiramdam na nararamdaman ko pagkatapos magwiwi. Nakakakilig.


Nag-start ako magblog noong October 2010. Nakadalawang post lang ako noon tapos nawalan na'ko ng gana. Nawalan ako ng gana dahil pakiramdam ko ay wala namang nagbabasa. Para lang akong tangang blogger na nagpopost ng entry tapos ako lang din nagbabasa ng sarili kong post. Ni wala akong naipost buong 2011.


Bumalik ang amor ko sa blogging nitong taon lang, January 2012. Since then, every month may naipo-post naman kahit pasabaw-sabaw lang. Kung ang ibang blog ay may topic at theme palagi, ako ay laging random. Gusto ko na nga magpalit ng pangalan e. Imbes na Denggoy Palaboy, ako na si Boy Random! Oha!


Ah yeah!



Thursday, September 13, 2012

Beerday!


Time Check: 4:41 PM


Thursday.


Konting oras na lang at birthday ko na. Dadagdag na naman ng isang taon ang edad ko. Pero ang itsura same pa rin. Baby face. Oha!


May kasabihan na kalabaw lang ang tumatanda. Sa tao, itsura lang daw ang tumatanda, pero ang puso at isip, pwedeng manatiling bata. Nasa outlook mo sa buhay yan e. Meron diyan e ang bata pa pero ang itsura, mukha ng trenta dahil sa stress at pagiging nega sa pananaw sa buhay. Kaya kung gusto mong laging maaliwalas ang pugmumukha mo, dapat lagi kang happy. Iwasan ang stress at magfocus sa mg magagandang nangyayari sa paligid mo. Magandang simulan mo ang araw mo na positive ang approach. Bigyan ko kayo ng examples...


Kung paggising mo sa umaga ay ang balyenang asawa mo ang bumubungad sa'yo, ganito ang isipin mo: Kaya naging balyena ang asawa mo ay dahil sa pagbubuntis at pagsilang sa inyong mga naggagandahan at nagpopogiang mga anak. Kung 'di mo sana binuntis yan e hindi sana siya naging balyena ngayon. Positive thinking. Kapag nagchochorva kayo, paganahin mo ang wonders of imagination. Pikit ka lang, at isipin mo na kay Cristine Reyes ka nakapatong. Ah yeah!


Kung di ka naman kagandahan or kagwapuhan, pwede mong idaan sa hairstyle. Para imbes na sa mukha mo sila tumingin, madi-distract sila. Kulayan mo buhok mo. Gawin mong inspirasyon ang rainbow. Or pwede mo ding idaan sa pananamit. Sa babae, backless kung backless kahit lumitaw mga tigyawat mo sa likod. Mag-spaghetti strap ka. Or mas maganda, mag-tube ka, kahit na brownout sa kilikili mo. Haha. At least, di nila masyado napansin ang chakaness mo. Daanin mo sa sexiness mo. Hipon lang ang peg. Tapon ulo. Haha. Sa lalake, idaan mo sa shades. Ang pagsusuot ng shades ay nakakapagpagwapo kahit papano. Itanong mo pa kay Randy Santiago.


Anyway.


September 14 na mamaya. Pitong oras na lang, 29 na'ko. P*t*ngin*ng sh*t! 3 years na lang at mawawala na din ako sa kalendaryo. Pero sabi nga ng isa kong tropa, ok lang yun. At least, pasok pa din naman daw ako sa bingo! Haha.


Happy Birthday to me! Inuman na!





Ah yeah!



Friday, September 7, 2012

Pabiling Marboro Layts!


Time Check: 12:45 PM


Friday.


Hong init lang sa labas. Buti na lang di gaanong pumapasok ang init dito sa kwarto. Actually mainit din dito sa kwarto. Pero kakaibang init naman yung nandito. Init na galing sa akin. Sa "hotness" ko! Haha.


Kakatapos ko lang magblog-hop. Kaya naman, ready na'ko gumawa ng sarili kong entry dahil nakapulot na'ko ng topic. Haha. Joke. Tito Sotto lang ang peg.


Lately, laging nababanggit si Tito Sen sa posts ng ilang kaibigan nating bloggers (feeling close? haha.), sa blogspot man o sa wordpress. Sigurado akong lahat naman tayo ay aware kung ano yung issue kaya I won't elaborate anymore. Basta ang akin lang ay, "ang kay pedro ay kay pedro", at kung gusto mong gamitin ang kay pedro, humingi ng pahintulot. Ano ba naman yung simpleng "pahiram". For sure, maiintindihan ni pedro yun. Edi sana, walang issue. Hay. Katangahan.


Anyway.


Nagyoyosi ka ba? Kung Oo, mabuti naman. Kung hindi naman, aba'y mas lalong mabuti. Good for you and for your health. Yun nga lang, base sa recent studies, mas nauunang nadededo ang mga non-smoker sa mga smoker na kagaya ko. Haha. You want proof? Click this link --o> HERE


Haha. Syempre joke lang yun. I would say, smoking is harmful regardless of how little you smoke. Ako, siguro 10-15 sticks kaya ko maubos in a day. Para sa'ken, moderate lang yun. Iba nga diyan e kaha-kaha ang inuubos araw-araw.'Di ko kaya yun. Bukod sa magastos, e kawawa naman ang aking mga naninilaw ng teeth. Haha.


Tatlo ang klase ng smokers na alam ko. Moderate, Occasional, at Heavy smokers. Ita-try ko sila i-describe bawat isa.


Moderate smokers. I guess I fall in this category. Tamang yosi lang. Isang stick pagkagising, isa ulit bago pumasok ng work. Tapos, isang yosi ulit kapag break sa work. Isa ulit pagkatapos maglunch. Then, sa last break. Bago umuwi. Pagkatapos magdinner. At lastly, bago matulog. So more or less, 10 sticks a day nga. Sakto lang.


Meron ding tinatawag na occasional smokers. Mga hithit-buga. Pagkasipsip ng usok, buga agad. 'Di na pinapadaan sa lungs. Yun yung mga nagyoyosi lang kapag may okasyon like birthday, kasal, binyag, fiesta, etc.. Haha. Joke. Sila yung hindi araw-araw magyosi. For example, once or twice a week. Ganon. Or kapag feel lang nila lumaklak ng usok. Ayun.


Heavy or Chain Smokers eh yung mga hindi nagpapahinga ang bunganga sa kakahithit-buga ng usok. Sunog-baga. Yung hindi na makuhang gumamit ng lighter dahil ang ipansisindi niya sa bagong yosi ay yung upos ng kakaubos lang niyang yosi. Dahil sugapa sa yosi, karaniwang yosi nila ay iyong mumurahin (champion, hope, fortune, bowling gold, mark, etc.). Ganyan. At syempre, ang mga teeth, siguradong may missing in action. Fill-in the blanks. One seat apart. Or laging may absent. Haha.


Isang advantage para sa'ken ng yosi ay pampawala ng antok. Dahil sa graveyard ang laging schedule ko sa work, yosi ang madalas kong atupagin kapag breaktime. Also, parang di kumpleto ang busog ko kung 'di ako magyoyosi  pagkatapos kumain. Naka-relate ka no?! Hehe.Masarap din magyosi kapag stressed ka. Effective pampaalis kaba at nerbiyos. At etong last reason ko, sigurado maraming mag-aagree. Isa sa pinakamasarap na oras ng pagyosi ay kapag tumatae NAGJEJEBS ka. Heaven ang sarap kapag pinagsabay mo ang pag-iri at pagbuga ng usok. Da best! Haha.


Sabi nga nila, mas deadly pa daw ang second hand na smoke. Yun yung smoke na nalalanghap ng isang non-smoker sa isang smoker na kagaya ko. Oha! Kaya ano pang hinihintay mo! Start ka na! Haha. Joke lang po.


Kung kaya mong mag-drink moderately kapag umiinom ka, dapat ay kaya mo ding mag-smoke moderately. Everything in excess of moderate is harmful.  


I guess, kanya-kanyang trip yan. Basta walang basagan ng trip. Orayt?!


Ah Yeah!


________________________


P.S.


May nakalimutan akong i-include na klase ng smoker. Iyong mga "parasite". Everytime na lang kasama mong magyoyosi break, e hingi ng hingi. Hindi naman sa pagiging madamot, pero kung gusto mo magbisyo, dapat may pambili ka. Hindi yung binigyan mo na nga ng yosi, pinahiram mo na ng lighter, hihingi pa ng candy sa'yo! Spolied lang? Kapal di'ba? Hehe.


Wala ako pinapatamaan sa statement na'to. Ngayon kung feeling mo e nasapul ka, buti nga sa'yo! Haha!



Wednesday, September 5, 2012

Breaking Bad


Time Check: 7: 32 AM


Miyerkules.


Anyare? Maulan na naman sa labas. Sabagay, ok lang naman kasi 'di ako pwedeng maglalabas. Letseng conjunctivitis to (sore eyes sa karaniwang tao, eh sa di ako pangkaraniwan. haha). Mabuti na lang at paalis na at mas mabuting 'di nahawa ang isa kong mata! Nung uso ang letseng conjunctivitis sa opis a few months ago, 'di ako nahawa. Ngayong di naman niya panahon ay saka ako tinamaan. Kapag sinuswerte ka nga naman.


<evil laugh>


Dahil sa aking kundisyon ngayon, lagi lang ako nakakulong sa kwarto. Ayoko maglalabas at baka mahawa mga pinsan ko na kasama namin sa bahay. Kawawa naman. Baka 'di makapasok sa skul.


Anyway.


Bigla akong na-hook lately sa Breaking Bad. TV series to 'dre. Ganda ng kwento. Minsang nabanggit ng Boss ko na pinapanood niya to at base sa kwento niya, mukha namang interesting kaya bigla ako na-curious at ninakaw ni-download ko sa torrent.


Breaking Bad is the story of Walter, a struggling high school chemistry teacher who is diagnosed with advanced lung cancer at the beginning of the series. He turns to a life of crime, producing and selling Methamphetamine (shabu) with a former student, Jesse, with the aim of securing his family's financial future before he dies.


<kung maka-english naman. copy/paste ko from wiki yan. haha>


Bale ba fifth season na siya ngayon, at nasa 3rd season na'ko. Nagustuhan ko ang show na 'to di dahil sa madaming pot sessions, kundi dahil sa magandang takbo ng istorya. Pinag-isipan. Pinaghirapan. Pinagbuhatan. Sa may Pasig yun. Haha.


Ayun. Kung madami kang extrang time katulad ko, try mo panoorin. Kung nakapagshabu ka na dati, for sure makaka-relate ka. Haha.


Hep! Hep! 'Di ko sinasabing na-try ko na dati ang substance na iyon kaya ko pinapanood ang show na'to. All I'm saying is... Haha! Ewan. I have nothing to explain. I invoke my right against self-incrimination, Your Honor! Lol.


Heto konting summary base sa napanood ko na. Si Walter yung bida. Typical na highshool chemistry teacher. 50 years old. May isang anak na may cerebral palsy, 15 years old. Asawa niya, 7 months pregnant. Si Walter ay di mayaman, di rin mahirap. Sakto lang. Tapos bigla niya nadiskubre na may cancer siya sa lungs. With only a few months (or weeks) to live. Saklap.


Kung madededo siya agad, naisip niyang kawawa ang mag-iina niya. Gusto niyang ma-secure ang future nila. Sa madaling salita, napunta siya sa drug trade. Easy money. Ayun.


Dahil magaling siyang chemist, siya mismo ang gumagawa ng produkto (shabu) niya na dinidistribute at binebenta ng former student niyang adik na si Jesse. Heto ang aabangan mo dito dahil napaka-angas at kickass ng tandem nila. Seryoso ang plot pero minsan matatawa ka. Da best!
 

________________________


Side Note.

Madalang lang ako magpost ng entry, 'di katulad ng ibang bloggers na kayang araw-arawin ang pagpopost. More or less, 3 times a month kung magpost ako ng entry. I blog not because I want to brag. I blog not because I want to be famous. I blog not because I want to earn money through it. I blog because I want to share my stories. My experiences. Atsaka pampalipas oras na rin. Tulad ngayon, wala magawa. Kung may mangilan-ngilan akong mambabasa at followers, salamat sa pagtitiyaga!  Hehe. <emo bigla?>


Ah yeah!