Thursday, September 13, 2012

Beerday!


Time Check: 4:41 PM


Thursday.


Konting oras na lang at birthday ko na. Dadagdag na naman ng isang taon ang edad ko. Pero ang itsura same pa rin. Baby face. Oha!


May kasabihan na kalabaw lang ang tumatanda. Sa tao, itsura lang daw ang tumatanda, pero ang puso at isip, pwedeng manatiling bata. Nasa outlook mo sa buhay yan e. Meron diyan e ang bata pa pero ang itsura, mukha ng trenta dahil sa stress at pagiging nega sa pananaw sa buhay. Kaya kung gusto mong laging maaliwalas ang pugmumukha mo, dapat lagi kang happy. Iwasan ang stress at magfocus sa mg magagandang nangyayari sa paligid mo. Magandang simulan mo ang araw mo na positive ang approach. Bigyan ko kayo ng examples...


Kung paggising mo sa umaga ay ang balyenang asawa mo ang bumubungad sa'yo, ganito ang isipin mo: Kaya naging balyena ang asawa mo ay dahil sa pagbubuntis at pagsilang sa inyong mga naggagandahan at nagpopogiang mga anak. Kung 'di mo sana binuntis yan e hindi sana siya naging balyena ngayon. Positive thinking. Kapag nagchochorva kayo, paganahin mo ang wonders of imagination. Pikit ka lang, at isipin mo na kay Cristine Reyes ka nakapatong. Ah yeah!


Kung di ka naman kagandahan or kagwapuhan, pwede mong idaan sa hairstyle. Para imbes na sa mukha mo sila tumingin, madi-distract sila. Kulayan mo buhok mo. Gawin mong inspirasyon ang rainbow. Or pwede mo ding idaan sa pananamit. Sa babae, backless kung backless kahit lumitaw mga tigyawat mo sa likod. Mag-spaghetti strap ka. Or mas maganda, mag-tube ka, kahit na brownout sa kilikili mo. Haha. At least, di nila masyado napansin ang chakaness mo. Daanin mo sa sexiness mo. Hipon lang ang peg. Tapon ulo. Haha. Sa lalake, idaan mo sa shades. Ang pagsusuot ng shades ay nakakapagpagwapo kahit papano. Itanong mo pa kay Randy Santiago.


Anyway.


September 14 na mamaya. Pitong oras na lang, 29 na'ko. P*t*ngin*ng sh*t! 3 years na lang at mawawala na din ako sa kalendaryo. Pero sabi nga ng isa kong tropa, ok lang yun. At least, pasok pa din naman daw ako sa bingo! Haha.


Happy Birthday to me! Inuman na!





Ah yeah!



19 comments:

  1. Happy Birthday!!! :) YEY! :D Ako din kaka birthday ko lang. (nagtatanong?) (wala sinasabi ko lang...) hahahaha :D

    Happy birthday! have a good one! :)

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  2. ser denggoy, maligayang kaarawan! :) pakain ka ser! :)

    ReplyDelete
  3. Happy Birthday pards! Parehas pala tayong September. Paburjer ka na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tnx tol! Happy Birthday din sa'yo! Parehas tayo September, that means, december ka rin ginawa ng mga magulang mo. haha.

      Delete
  4. Haha, HAPPY BIRTHDAY!!!

    inuman nah!!!!

    ReplyDelete
  5. Naks naman. Experience mo ba yung ishinare mo? Happy birthday sir :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Experience ng iba yun! hehe. Tnx Sir!

      Delete
  6. Happy bday dood! Tanda mo na pala. Haha. Piz.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tnx tol! Kakagaling ko lang dun sa blog mo! ehe

      Delete
  7. happy birthday ulit pareng denggoy! natawa naman ako dun sa brownout ang kili-kili! bwahahaha. Huwag si cristine reyes, dapat si angel locsin :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. tnx parekoy! pwede namann pagsabayin si cristine at angel. hehe. :D

      Delete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p