Tuesday, December 25, 2012

Maligayang Pasko!


Time Check: 12:31 PM


Tuesday. Christmas Day.


Oh! Nagulat kayo no?! Sobrang tagal na pala ng last post ko dito. Wala eh. Busy. You know. Taping and all.


Haha!


Sa totoo lang, 'di naman ako naging busy talaga. Tinamad lang. Minsan gusto ko talaga gumawa ng entry, kaso wala talaga mga thoughts na maganda na pumapasok sa isip ko bukod sa alak at kamanyakan.


At mismong araw ng pasko pa talaga ako nagkagana na gumawa ng entry? Haha. Ganito kasi yan. Eh pasko nga, daming bata sa labas. Andito ako sa kwarto. Naglalaro kami. Hide and Seek. Eh sila ang taya. Hide ako ng hide. 'Pag nahanap nila ko, may aginaldo sila. Eh magaling ako magtago. Haha. Mamumulubi ako sa dami nila.


Noong mga nakaraang araw, may mga nakita nga akong post sa FB ng ilang friends ko na nagre-require sa mga inaanak nila na dapat dala ang kani-kanilang Birth Certificate/Baptismal Certificate, katunayan ng kanilang pagni-ninong/ninang sa mga inaanak nila sa daratiing na Pasko. Sobrang rude naman ata yun. 'Di makatao. Ako simple lang naman hinihingi ko. Picture lang nung mismong binyag sa simbahan na hawak ko sila. At dalawang valid I.D...


Madaming years ago, isa din ako sa mga batang sobrang excited sa pasko. Every year, dapat bago damit at shoes ko. Maporma. At ginagawa ko talagang parang kumikitang-kabuhayan ang kapaskuhan dahil sinisiguro ko na makakarami ako ng mapapamaskuhan, 'di lang sa mga ninong at ninang ko, kundi kasama na mga tito at tita, mga kapitbahay, etc.. At mas ina-appreciate ko ang monetary gifts kesa sa mga gifts na nakabalot. Oo. Bata pa lang, mukha na akong pera. Haha.


Ngayong medyo nagkaedad na'ko ng konte, 'di na'ko masyado excited sa pasko. Kapag naiisip ko ang Pasko, ang unang pumapasok sa isip ko ay... <drum roll> ... GASTOS! Ni wala nga ako masyado nabili para sa sarili ko eh. Dalawang pairs lang ng shoes. Hay...


Bigay na lang natin sa mga bata ang Pasko. Tutal, para sa kanila naman talaga yan eh.


Dahil diyan, lalabas na'ko.


Ready na mga malulutong kong tigti-20 pesos. Haha.


Merry Christmas Everyone!!!


Ah Yeah!


P.S.: Nadisappoint ako na hindi natuloy ang doomsday noong December 21, 2012. Naglinis pa naman ako ng kwarto ko. Akala ko pa naman, sasakupin na tayo ng mga Aliens. Nakakahiya naman sa kanila, pinaglinis ko pa naman ng kwarto. Buset.