Tuesday, December 25, 2012
Maligayang Pasko!
Time Check: 12:31 PM
Tuesday. Christmas Day.
Oh! Nagulat kayo no?! Sobrang tagal na pala ng last post ko dito. Wala eh. Busy. You know. Taping and all.
Haha!
Sa totoo lang, 'di naman ako naging busy talaga. Tinamad lang. Minsan gusto ko talaga gumawa ng entry, kaso wala talaga mga thoughts na maganda na pumapasok sa isip ko bukod sa alak at kamanyakan.
At mismong araw ng pasko pa talaga ako nagkagana na gumawa ng entry? Haha. Ganito kasi yan. Eh pasko nga, daming bata sa labas. Andito ako sa kwarto. Naglalaro kami. Hide and Seek. Eh sila ang taya. Hide ako ng hide. 'Pag nahanap nila ko, may aginaldo sila. Eh magaling ako magtago. Haha. Mamumulubi ako sa dami nila.
Noong mga nakaraang araw, may mga nakita nga akong post sa FB ng ilang friends ko na nagre-require sa mga inaanak nila na dapat dala ang kani-kanilang Birth Certificate/Baptismal Certificate, katunayan ng kanilang pagni-ninong/ninang sa mga inaanak nila sa daratiing na Pasko. Sobrang rude naman ata yun. 'Di makatao. Ako simple lang naman hinihingi ko. Picture lang nung mismong binyag sa simbahan na hawak ko sila. At dalawang valid I.D...
Madaming years ago, isa din ako sa mga batang sobrang excited sa pasko. Every year, dapat bago damit at shoes ko. Maporma. At ginagawa ko talagang parang kumikitang-kabuhayan ang kapaskuhan dahil sinisiguro ko na makakarami ako ng mapapamaskuhan, 'di lang sa mga ninong at ninang ko, kundi kasama na mga tito at tita, mga kapitbahay, etc.. At mas ina-appreciate ko ang monetary gifts kesa sa mga gifts na nakabalot. Oo. Bata pa lang, mukha na akong pera. Haha.
Ngayong medyo nagkaedad na'ko ng konte, 'di na'ko masyado excited sa pasko. Kapag naiisip ko ang Pasko, ang unang pumapasok sa isip ko ay... <drum roll> ... GASTOS! Ni wala nga ako masyado nabili para sa sarili ko eh. Dalawang pairs lang ng shoes. Hay...
Bigay na lang natin sa mga bata ang Pasko. Tutal, para sa kanila naman talaga yan eh.
Dahil diyan, lalabas na'ko.
Ready na mga malulutong kong tigti-20 pesos. Haha.
Merry Christmas Everyone!!!
Ah Yeah!
P.S.: Nadisappoint ako na hindi natuloy ang doomsday noong December 21, 2012. Naglinis pa naman ako ng kwarto ko. Akala ko pa naman, sasakupin na tayo ng mga Aliens. Nakakahiya naman sa kanila, pinaglinis ko pa naman ng kwarto. Buset.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
merry pasko parekoy haha
ReplyDeletenakakatawa ung ps mo haha
Ahahaha, dito din sa amin tambak ang mga bata. Buti na lang wala pa akong mga inaanak. Yung parents ko lang ang madaming inaanak lols
ReplyDeleteHappy Christmas sa iyo parekoy :)
Buti nalang nasa ibang bansa ako. Pero dami daw naghanap samin. Isa ka pala sa nadisappoint dahil di natuloy ang doomsday. LOL sa Aliens. hehe :)
ReplyDeleteMerry Christmas parekoy.
buti hindi mo sila hiningan ng NBI . whahahah
ReplyDeleteMerry Christmas tsong.
Ninong! San na yung pamasko ko? lol
ReplyDeleteHaha linisin mo pa rin ang kwarto mo, baka anytime mag datingan ang mga aliens na yan
ReplyDeleteAng simple naman ng requirements mo sa mga godchildren - kawawa naman ang walang picture from their binyag - disqualified bigla!
Belated Merry Christmas and Happy New Year! :)
merry christmas!
ReplyDeleteang pasko ay para lang sa mga bata, kapag tayo ay tumanda na, tayo na ang nagbibigay ng kahulugan ng pasko sa mga bata, in short, kung dati tayo ang binibigyan ngayon tayo na ang magbibigay! lalandeh lang eh! hahaha lels!! sa akin naman, one requirement lang is hindi lang picture pero dapat sa picture karga2x ko ang bata! kasi pwedi namang may picture tapos sabit ka lang sa binyagan! hindi ka nga nagbayad kaya sabit lang! lels! chos! ohhh shaa... nag effort pa naman ako nong doomsday na yan!! uminom pa ako dahil alam kong walang maiinom sa langit (assuming naman ako sa langit mapunta! hahaha) doon pa nga kami nag inuman kung saan dumaan yong tubig nong sendong. hihihi oh! happy paputok sa new year!!! hehehe
ReplyDeleteMerry christmas pre.
ReplyDeleteWell, yung 2 pairs ng shoes, mahal din yun. hahaha. pero ganon talaga, ang Pasko ay para sa lahat pero mas lalong para sa bata. kaya mas marami silang pera sa tin after ng pasko. hahaha