Monday, January 21, 2013

Boy Random is Back!


Time Check: 6:52 PM


Monday.


Hi fans! Musta naman? Namiss nyo ba si Kuya Denggoy nyo?


Fans: <sabay-sabay> Opo!!!


Weh?! Mga plastik! Haha!


This is a random post. Ewan ko ba, andami kong entries sa draft, di ko matapos-tapos. Eh ganun ata talaga noh? 'Di magiging maganda ang kalalabasan 'pag may kulang. Parang sa pagluluto, 'di maganda sa panlasa kung may kulang na sangkap. Bitin ang lasa. Pangit pa naman ang nabibitin. 'Di ka mabubusog.


'Pag nabitin ka naman dun sa isang bagay na alam ko, masakit sa puson. Haha.


Anyway. Pwede din siguro pagsama-samahin ko sa isang post mga yun, para magmukhang random din? Hehe.


Eh paki mo naman, blog ko 'to! Haha!


Heto na nga. Unahin natin sa paboritong topic ng lahat. Lablayp! Wala ako nyan sa ngayon. Pero mangengealam ako. Haha. 'Di ko alam kung coincidence lahat pero tatlo sa mga kaibigan ko sa trabaho ang halos sabay-sabay na nakipaghiwalay sa kani-kanilang mga jowa bago matapos  ang taong 2012. Sa pare-parehong dahilan, paglalandi. Haha. Bale yung babae, nahuli niya yung BF niya na may "The Mistress". Yung dalawang lalake naman, nahuli mga GF nila na may ka-"A Secret Affair". At ang matindi, lahat sila buking sa CELLPHONE! Tsk. Tsk. Kaya ang payo ko sa inyong mga may jowa pa, hangga't maaga, para ma-save ang relationship, huwag ng magcellphone. Ang 'di pagkakaroon ng cellphone ay palatandaan ng matibay na relasyon! Haha. Da best!


Next naman, ikakasal next month ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. At abay ako. Barong ang get up. Magmumukha na naman akong congressman! Lol. Pang-ilang abay ko na ba sa kasal 'to? 'Di ko na din mabilang. Ang kinakatakot ko lang, baka kapag ako na ang ikasal eh wala na'ko makuhang abay dahil lahat ng katropa ko ay kinasal na. Hehe. Pero 'di yun ang nakakapagpabagabag talaga saken. Eto yun. First time ko sasakay ng eroplano. Kailangan ko magbaon ng madaming Bonamine! At plastic, para sa suka ko! <sana 'di masyado halata yung excitement ko> Haha. Tacloban yung kasalan e! Sino na nakapunta don? Ano meron dun bukod sa San Juanico Bridge?


Speaking of San Juanico Bridge, naramdaman mo na ba yung pakiramdam na sobrang labag na sa loob mo yung ginagawa mo pero wala ka magawa kundi gawin yun dahil wala kang choice? Sobrang sakit na sa bangs pero sige lang ng sige. Kailangan e. Hay, buhay... Gets mo kaya ko ni-relate sa San Juanico Bridge? Wala lang, trip ko lang tumalon dun. Haha. Chos.


Nga pala, bakit ganun? Lumalaki na si Miley (yung aso ko), 8 months old na siya. Ang taba! Tapos, lumalaki din yung tae niya? Normal ba yun? Ang baho kasi! Haha.


Yun lang!


Ah yeah!


Saturday, January 12, 2013

2012 (Rebyu)


Time Check: 6:42 PM


Saturday.


Madalang nako magpost dahil...

a. busy sa gimik?
b. busy sa work?
c. busy sa lablayp?
d. nabobo na sa alak at wala na maipost?
e. yung letter d talaga yung sagot?
f. e?


Haha. Ewan. Basta. Madami naman talaga akong free time para magblog. Wala lang ako sa mood. Nawalan ako ng gana e. Pero wala naman talagang reason. Minsan, may mga bagay lang talaga na ansarap katamarang gawin. Gaya ng pagbablog. At pagjajakol. Ayun.


Since kaka-2013 pa lang naman, naisipan ko gumawa ng maikling summary (maikli na, summary pa! san ka pa?! haha) kung ano ang mga walang kakwenta-kwentang nangyari sa'kin last year. Merong masaya, malungkot, nakakabadtrip, nakakatakot, nakakaumay, nakakalibog, etc.. Simulan natin sa...


JANUARY - MARCH 2012

• Nagsimula ako maging active sa pagba-blog.
• Na-adik ako sa kantang "Moves Like Jagger".
• Naoperahan ako sa batok.
• Nauso si Simsimi, at nakiuso ako ng konti lang naman.
• Nauso ang "Magnum" at 'di ako nakiuso.
• Alak.


APRIL - JULY 2012

• Ni-deactivate ko and FB account ko, temporarily.
• Nagkaroon kami ng matinding pag-aaway ni erpats at lumayas ako sa bahay.
• 2 months akong 'di umuwi sa bahay, dahil dun, naputulan kami ng cable at internet.
• Umuwi na'ko ng July 10, 'di dahil bati na kami ni erpats, kundi dahil wala na'ko makain sa apartment.
• Alak.
• Usong-uso ang "Call Me Maybe". Nakiuso din ako. Eto.

 
me on black


AUGUST - DECEMBER 2012

•, Nagkaroon ng Party sa trabaho. Napilitan ako sumayaw. Eto naman yun.

me on gitna

• Nakapag-celebrate ng masayang Birthday nung September 14. Daming alak.
• Nagsimula ako mag-alaga ng aso. Si Miley. Eto.


• First time maka-meet ng kapwa bloggers, sina Pareng Asiong of http://asiong32.blogspot.com/ at Pareng Emil of http://borednightcrawler.blogspot.com/.
• Usong-uso ang nakakaumay na "Gangnam Style". Pero dinedma ko lang. Charot. Basta narinig ko tumugtog, kahit saan pa'ko, sumasayaw talaga 'ko! Hehe.
• Nagpasko ng parang wala lang.
• Of course, di mawawala ang ALAK.
• Napagtripan ko magpahaba ng buhok, ilang months din ako 'di nagpagupit. Eto ang kinalabasan...



Oha! Anong sabe ni Daniel Padilla? Haha!

I missed you all! Mwah-mwah, Tsup-tsup!

Ah yeah!