Monday, January 21, 2013
Boy Random is Back!
Time Check: 6:52 PM
Monday.
Hi fans! Musta naman? Namiss nyo ba si Kuya Denggoy nyo?
Fans: <sabay-sabay> Opo!!!
Weh?! Mga plastik! Haha!
This is a random post. Ewan ko ba, andami kong entries sa draft, di ko matapos-tapos. Eh ganun ata talaga noh? 'Di magiging maganda ang kalalabasan 'pag may kulang. Parang sa pagluluto, 'di maganda sa panlasa kung may kulang na sangkap. Bitin ang lasa. Pangit pa naman ang nabibitin. 'Di ka mabubusog.
'Pag nabitin ka naman dun sa isang bagay na alam ko, masakit sa puson. Haha.
Anyway. Pwede din siguro pagsama-samahin ko sa isang post mga yun, para magmukhang random din? Hehe.
Eh paki mo naman, blog ko 'to! Haha!
Heto na nga. Unahin natin sa paboritong topic ng lahat. Lablayp! Wala ako nyan sa ngayon. Pero mangengealam ako. Haha. 'Di ko alam kung coincidence lahat pero tatlo sa mga kaibigan ko sa trabaho ang halos sabay-sabay na nakipaghiwalay sa kani-kanilang mga jowa bago matapos ang taong 2012. Sa pare-parehong dahilan, paglalandi. Haha. Bale yung babae, nahuli niya yung BF niya na may "The Mistress". Yung dalawang lalake naman, nahuli mga GF nila na may ka-"A Secret Affair". At ang matindi, lahat sila buking sa CELLPHONE! Tsk. Tsk. Kaya ang payo ko sa inyong mga may jowa pa, hangga't maaga, para ma-save ang relationship, huwag ng magcellphone. Ang 'di pagkakaroon ng cellphone ay palatandaan ng matibay na relasyon! Haha. Da best!
Next naman, ikakasal next month ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. At abay ako. Barong ang get up. Magmumukha na naman akong congressman! Lol. Pang-ilang abay ko na ba sa kasal 'to? 'Di ko na din mabilang. Ang kinakatakot ko lang, baka kapag ako na ang ikasal eh wala na'ko makuhang abay dahil lahat ng katropa ko ay kinasal na. Hehe. Pero 'di yun ang nakakapagpabagabag talaga saken. Eto yun. First time ko sasakay ng eroplano. Kailangan ko magbaon ng madaming Bonamine! At plastic, para sa suka ko! <sana 'di masyado halata yung excitement ko> Haha. Tacloban yung kasalan e! Sino na nakapunta don? Ano meron dun bukod sa San Juanico Bridge?
Speaking of San Juanico Bridge, naramdaman mo na ba yung pakiramdam na sobrang labag na sa loob mo yung ginagawa mo pero wala ka magawa kundi gawin yun dahil wala kang choice? Sobrang sakit na sa bangs pero sige lang ng sige. Kailangan e. Hay, buhay... Gets mo kaya ko ni-relate sa San Juanico Bridge? Wala lang, trip ko lang tumalon dun. Haha. Chos.
Nga pala, bakit ganun? Lumalaki na si Miley (yung aso ko), 8 months old na siya. Ang taba! Tapos, lumalaki din yung tae niya? Normal ba yun? Ang baho kasi! Haha.
Yun lang!
Ah yeah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha dame break ups sa office nu ahh mag fefeb pa naman
ReplyDeletecongrats sa friend mo post mo yan ahh
di maarok ng kaisipan ko ung connection!
welcome back parekoy
hehe. tnx MEcoy!
DeleteNyahaha! may relation nga ang san juanico bridge sa pinipilit kang gawin ang bagay na di mo gustong gawin... halos parang bukid ang airport ng tacloban. Maliit lang yung airport nila sa labas noon may mga nangongontrata ng mga sasakyan para sa terminal o derecho sa pupuntahan mo. May mga import na resto na dun galing manila pero marami pa ring bukid, puno at bundok ahaha.
ReplyDeletethanks sa heads up tol! ok lang bukid basta maganda view, pang FB pics na din yun. haha
Deletetomoo ahah! habaseyp trip at enjoy..
DeleteSakit sa tyan pag ikaw na nagrandom ang daming tawa haha, sa pagkakaalam ko normal naman na ganoon na kalaki ang shit ng alaga mo pero may manakanakang pagliit yan!
ReplyDeleteGoodluck sa paglipad, ibang klase ang layo ng kasal
gusto ko yung "manakanaka".. parang sa ulat panahon lang, "manakanakang pagkulog at pagkidlat". hehe. tnx tol.
Deleteisa sa pinaka ayoko sa ugali ng mga kababaihan ay yung masyadong mahinala at maduda. basta umandar ang kanilang tinatawag na 'intuition' wala ka ng ligtas. kahit walang anumalya at inosente, yari ka sa kanya. tungunu lang. anyhoo welcome back.
ReplyDeleteyung "intuition" or sabi nilang "basic instinct" ng mga babae, most of the time daw ay tama. hehe.
Deletemay kilala din ako na blogger na peste ang mga nakaraang buwan dahil tatlo din ang nawalan ng relasyon kasama na yung sa kanya mismo. o well...
ReplyDeleteuy, mag abay din ko sa kasal. suit naman. pinag iipunan. wala pa pera. hahahaha.
sinong blogger yun? #tsismoso mode
Deletea-abay ka din pala. sana magaganda ipartner sa atin. hehe
HWTL ang title ng blog niya. How to Love. konti lang kaming follower. Not sure kung gusto niya magpakilala. Hahaha.
DeleteNga pala, magdidisappear muna ang blog ko pansamantala. Ako lang nakakakita ng blog. Ibabalik ko soon.
Basta wag mo burahin tol, sayang naman! hintaying namin pagbabalik mo! ;)
DeleteHAHAH! Sasabihin ko na din sana yung isa pang sumasakit pag nabibitin, pero nakalagay naman na pala! "'Pag nabitin ka naman dun sa isang bagay na alam ko, masakit sa puson. Haha." HAHAHAH!
ReplyDeleteSaklap ng mga nangyare sa mga workmates mo. Sana dalawa ang phones nila. (magturo ba? HAHAH)
Best wishes sa ikakasal! :))
At oo, ganun talaga pag lumalaki na ang dogs. Sana mataba pa rin sya paglaki!;)
ikaw ba yan B2? naiisip mo ba ang naiisip ko? hehe
DeleteUso nga yata ang hiwalayan portion ngayon! Marami din akong alam na ganyan ang drama to think unang sabak ng taon... ganon yata yon eh, pana-panahon ang ahasan! hehehe
ReplyDeletetomoh! madaming magnanakaw ngayon, ultimo syota ninanakaw na. haha
DeleteWahaha, super random talaga :D
ReplyDeleteNaku, panira talaga ang mga kabit sa relasyon. Dapat sa kanila binabaril sa Luneta. chos!
First time mo bang sumakay ng airplane parekoy? basta fasten your seat belt lang at kapit kay pretty flight attendant nyehehe!
normal lng siguro sa mga aso ang paglaki ng poopoo nila as they grow old.
have a nice day!
yup! 1st time ko. bale 2 times ako makakasakay, yung papunta at pabalik. bale 2nd time ko din pala. haha, ang gulo.
Deletenormal yun noh .. diba kaw nung lumaki kaw lumaki din tae mo hahahahahah wagas ! ang sarap tlga magrandom
ReplyDeletewag ko na lang kaya pakainin para di na tumae. haha. kawawa naman. tnx sa pagbisita! ;)
Deletedenggoy, meet kulapitot. kulapitot, meet denggoy. naeenjoy ko basahin blog niyong dalawa :)
Deletemejo magkakilala na kami niyang si kulapitot! hehe
DeleteMay nada-download na autohider para sa mga secret text. Gusto mo ng link? Haha.
ReplyDeleteGoodluck sa first flight! Kapit ng mabuti!
Normal lang ang malaking tae, wag lang may gumagalaw! Lol
na-curious naman ako bigla dun sa autohider. ma-suggest nga sa isang tropa kong babaero yan. hehe. tnx sa pagdaan gord!
Deletetagal kong inisip ang konek ng San Juanico bridge! haha, dapat pala tinapos ko muna basahain bago ako nag isip :)
ReplyDeletegood luck sa plane ride denggoy, bonamine lang ang katapat nyan :)
tnx sa pagdaan Zai!
DeleteAno yang issue issue sa opis ah. Hehe. COngrats sa friend mo. LOL kay Miley pati ba naman pupu. Haha. Yun buti nag-uupdate kana. Glad to see u online again :)
ReplyDeleteewan ko ba. uso hiwalayan ngayun dun. ansaya kaya ng single. walang hassle. hehe!
Deleteikaw kelan ka ikakasal :D
ReplyDeletedami ko'ng dogs, at ang babaho ng jebs nila hahaha
matagal pa ser bino! hehe!
Deleteyung saken malamang na bumaho jebs niya dahil hinahaluan ko ng rice yung pagkain niya. ayaw ng puro dog food e.
ewan ko ba sa mga tao ang dami namang single eh yung mga taken ang nilalandi..baket kaya?! hahaha!..
ReplyDeletewow layo ng aabayan mo ah.. anyway goodluck sa pagtalon sa san juanico bridge hehehe...
mas masarap daw kasi pag bawal! haha.
Deletewelcome back!
ReplyDeletetrending kasi ang hiwalayan, kaya ganun. Hahaha
tnx! =p
DeleteTama ka! Huwag na magcellphone, dahil ito ay nakakasira ng relasyon kapag nahuli. Kapag nahuli lang, hwuag din magpahuli. Baguhin ang pangalan ng kalandian sa pangalan ng lalake sa iyong phonebuk. Magdasal na hindi mapansin ng karelasyon.
ReplyDeleteNa-experience ko din yun na ginagawa ko kahit ayaw ko kasi wala akong choice. Kailangan na gawin. Iniisip ko na lang na matatapos din. :)
magandang idea nga yan. or itago mo siya sa pangalang never ikahihinala ng syota mo, like "procorpio" or "mang kanor". haha.
DeleteKulit patitae ng aso napapansin haha yaan mo na love life ng ib. Ingat sa byahe papuntang tacloban
ReplyDeleteUso tlga ang break ups pag dec to january.
ReplyDeleteat ngayong february uso naman ang "rush hour" sa relasyon. hahaha
ang gulo ng mga tao . ihagis lahat sa san juanico bridge yang mga yan. lolz