Sunday, April 20, 2014

#PakshetLang

Time Check: 1:42 PM


Easter Sunday.


Hi guys!

April na pala agad. Parang kelan lang eh kakastart lang ng 2014. Ang bilis talaga ng panahon.

Speaking of panahon, sobrang init lately noh?! Sagad. Abot singit. Nakaka-stress. Nakakapangit. Pero 'di ako affected as aspeto ng kapangitan. Yung iba lang. Parang ikaw! Hahahaha!

*****

Happy Easter nga pala today. Araw ng mga Betlog este itlog pala. Hehe.

Dumaan ang Holy Week na hindi ko halos naramdaman dahil may pasok sa work. Keri lang. Double pay naman! Tapos may OT pa. Daming pera next payout nito! Yeah!

*****


Heto ako now in front of my PC busy Facebooking to check mostly nonsense posts and status updates from friends, semi-friends, and not-so-friends on my FB wall. Mga Leche! Hahahaha!

*****


Lately, lagi ko pinapatugtog ang kantang "Demons" ng Imagine Dragons. Ganda 'di ba?! Astig nung kanta! Pero sa totoo lang, di ko naman talaga gets ang meaning ng song. Hahaha. Nagagandahan lang ako sa tono. Madaling sabayan. Ayun.

Ilang araw na din ako LSS sa "Star Spangled Banner". National Anthem yan ng US tungaw! As in ginoogle ko talaga lyrics, tapos sa work kapag walang ginagawa, kinakanta ko ng mahina ang putangina! Weird noh?! Hahaha.

 ***** 

Good news! May passport na me!!! Yehey! Makapunta nga ng London bukas. Hahaha!

 ***** 


Change topic.

Dahil uso ang pagha-hashtag ng kung-ano-ano, makikiuso ako! Hashtag PAKSHET! 'Yan gusto ko i-discuss today mga kids! Mga kaganapang nararapat na i-hashtag PAKSHET!!! Mga kabadtripan ko sa buhay. Mga putanginang bad vibes sa paligid-ligid! Hahaha! Like the following:

1. Yung crush mo na TAKEN na. #PakshetLang
2. Yung bagong ligo ka pero ilang minuto lang pawis ka na agad dahil sa init ng panahon. #PakshetLang
3. Yung ang yabang mo maglakad, taas noo, tapos bigla ka matatapilok! #PakshetLang
4. Yung halatang 'di ka naman OK tapos tatanungin ka pa ng kasama mo kung OK ka lang. #PakshetLang
5. Yung taeng-tae ka na tapos ang tagal lumabas nung nasa loob ng banyo! #PakshetLang
6. Yung ang init ng ulo mo, nakikipag-away ka na ang taas ng boses mo, tapos bigla ka mabubulol! #PakshetLang
7. Yung time na hintay ka ng hintay sa tindahan kasi akala mo may sukli pa, yun pala wala na. #PakshetLang
8. Yung kakasweldo mo lang 5 days ago tapos wala ka na agad pera. #PakshetLang
9. Yung nagsalamin ka sa bintana ng kotse tapos may tao pala sa loob. #PakshetLang
10. Yung nagregister ka ng unlitxt tapos wala ka naman katxt. #PakshetLang
11. Yung sobrang baho ng hininga ng kausap mo! #PakshetLang
12. Yung kausap mo isang tao na sobrang OA, imbento, kayabangan ang kwento na obvious naman na 'di totoo ang kinukuwento pero pinaninindigan talaga ang pagpe-press release! #PakshetLang
12. Yung putanginang feeling good-looking na akala niya eh napopogian talaga lahat sa kanya yung mga tao sa paligid niya. #PakshetLang
13. Yung gaya-gaya na walang originality. #PakshetLang
14. Yung mga plastik! #PakshetLang
15. Yung ambaho ng katabi mo sa jeep! #PakshetLang
16. Yung mga pakialamero't pakialamera. My business is none of your business! Mga gago! #PakshetLang
17. Yung dunung-dunungan na sa totoong buhay eh wala naman talagang alam! #PakshetLang
18. Yung ang bagal ng putanginang Sun Broadband na'to! #PakshetLang
19. Yung ang ingay ng katabi mo. Bungangera ang gaga! #PakshetLang
20. Yung wala kang sex life. #PakshetLang

Ayan lang naman. Nakahinga na'ko ng maluwag. Nailabas ko na eh. Naipasa ko sa'yo kabadtripan ko pagkataps mo mabasa 'to. Hahaha.

Nga pala... 

Heto na siguro ang pinakahashtagPAKSHET sa lahat... 

...YUNG AKO YUNG PINAKAPOGI sa Office!!! Hahahahaha!!!

*****

So, yan na lang muna guys.

#takecarecozicare
#chillchilllangguys
#alisname
#oksaolrayt

Babush!

Ah yeah!



Thursday, March 6, 2014

Boy Random Strikes Back!


Time Check: 5:47 PM


Thursday.


Ang konti ng tulog ko today. Majinit Jackson kase. Sa katulad kong graveyard ang trabaho, usually e tanghali pa'ko nakakatulog. Tirik ang araw. Ayun. Since mahirap lang kame at walang aircon ang kwarto ko, mainit pag tanghali. Nakatatlong oras na tulog lang ako. Short time lang. Parang sa motel. Bangag ako later sa work for sure. Eto na naman ako sa panakaw na tulog sa opis. Hay...

Anyway, napansin ko na nakaka-11 kyawsan hits na pala 'tong wala kong kwentong blog. Oha. Andami ko ng nade-denggoy! Kung bawat visit sa blog ko e sinisingil ko ng piso, may pambili na sana ako ng aircon! Kaya naman, starting today ay tumatanggap na'ko ng donations, in kind or in cash. But I prefer cash! In peso or dollars. Hahahaha!

Pumayat ako lately. Reason is nagkasakit ako. Iba pa yung stress sa trabaho at mga problemang personal na pinagdadaanan ko. Idagdag pa ang kawalang-ganang kumain at laging walang tulog. Pero 'di ako nagda-drugs. 'Di ako nagsa-shabu! Kaya itigil na ang kakatanong kung nagda-drugs ako. Next time na may magtanong kung nagda-drugs ba ako, middle finger ko na sasagot. Pramis!!!

This is another RANDOM post. Update lang sa blog.

Topic: So what?!

Kapag ni-translate sa tagalog, "Oh! Eh ano ngayon?".

Sa kapampangan, "Oh! Ngeni?".

Sa ilokano, aba ewan ko! Hahaha!

Sa kadahilanang marami sa atin ang likas na mga pakialamero't pakialamera, naisip kong punahin kayo. Mga judgemental, mapanlait, mga taong maraming opinyon sa mga bagay-bagay na di dapat pinapakialaman, (gaya ko, hahaha) para sa inyo to! Listen!

  • Sa Facebook, kapag nakakakita ka ng status na mismong ang taong nagpost lang ang naglike at nagcomment sa sarili niyang post... So what?! <Forever alone?>
  • Sa mga Facebook post (or pics) na kunwari ay diet/exercise kuno si ate/kuya, tapos kung kumain eh mas masiba pa sa kargador na magdamag nagbuhat... So what?! <Panggap ever?>
  • Sa mga taong kasama mo sa work (or basta nakakasalamuha mo) na pretending mayaman, arte much na social climber to the pinakahighest level, na mukha namang kumakain ng tuyo at nagdidildil lang ng asin sa totoong buhay... So what?! <Panggap ever part 2?!>
  •  Sa mga taong kasama mo sa trabaho na kung makasipsip sa Boss (or Bosses) ay wagas... So what?! <Linta much?! hahaha>
  • Sa  mga taong sobrang naiinggit sa'yo, to the point na ginagawan ka ng kung ano-anong kwento/chismis sa ibang tao na hindi naman totoo... So what?! <Putangina niya!>
  •  Sa mga taong akala mo eh kaibigan mo, pero narealize mong toma (inuman) friends lang pala sila, at ni hindi mo maasahan kapag kailangan mo ng tulong... So what?! <Tablado!>
  • Sa mga taong salawahan, meaning committed sa isang relationship (or may asawa na) pero walang tigil sa panlalalaki/pambababae... So what?! <Landi-landi pag may time>
  • Sa mga taong feeling pogi/maganda, na sobrang confident na good-looking talaga sila, na wagas kung maka-selfie, na kapag nagpost ng picture sa Facebook eh natutukso kang magcomment ng masama... So what?! <Chararat!!!>



***** BLOOPERS *****


Setting: Inuman (Videoke House na open, may maraming tables at pwede kumanta kahit sino may gusto)

Umaga, after shift yon, bandang 9 am na, tamang inom at kanta lang. Nasa isang malaking table kami (with my workmates) tapos sa isang table, mga nagtatrabaho din sa same company namin na di namin ka-close pero may isa ako kilala (itago natin sa pangalang Jam). So ayun, grupo sila ng babae at lalake. Inom, kanta, laklak, yosi, tawanan. May chick na sobrang ganda sila kasama na feeling ko e single dahil walang katabi. Sinusulyap-sulyapan ko ng pakonti-konti lang naman. Nung malasing ako ng konti, tinanong ko yung kilala ko nga...

Ako: Jam, single ba yun? Pakilala mo naman ako. (habang nginunguso ko sa kanya si girl)

Jam: Tangina mo, GF ko yan!

Ako: <nanliit sa hiya at sorry ng sorry>

Hahaha. Buti na lang at 'di nagalit 'yung Jam. Ayun. Lesson learned. Next time mas maging mapagmasid. Hehehe.

 **********************

 So there.

Thanks sa inyo na nagbabasa.

Nakakataba ng puso.Nakakaiyak. Hahaha!

Comment din 'pag may time! Okish?

Babush!

Ah yeah!!!


Monday, January 20, 2014

Balik Alindog 2014

Time Check: 1:26 PM

Monday.


Hello Peepz!!! Musta?

Mejo patapos na January. First month ng taon. Ngayon ko pa lang naisip na gumawa ng New Years resowlushen list. So, eto mga gusto ko ma-accomplish this year, na sana e magawa ko talaga. Ang iba sa inyo, alam ko na meron ding ganito. Ayun. Gusto ko lang i-share kung ano mga balak kong ganap this year.

Nga pala...












Ano daw sabeeh? "A firm decision to do or not to do something"! Kaya kapag "resolution" pala, dapat nagagawa talaga! Firm daw eh!

Here's my list:
  • Mag-ipon 
  • Bawas alak
  • Bawas yosi
  • Diet
  • Exercise (Mag-GYM kung sisipagin)
  • Makapagtravel (kaya dapat maayos ko na passport ko sa lalong madaling panahon)
  • Makapagturo (kwatro o kwarto? hahaha)
  • at marami pang iba...

At panghuli talaga ang  "at marami pang iba..."! Halata bang wala na'ko maisip? Hahaha! So far, iyan ang mga importante kaya sila ang nauna ko maisip.

Mag-ipon. Matagal ko ng balak yan e. Mga 7 years na. Simula nung nagtrabaho ako. Hahaha. Makakaipon din ako. Pramis. Umpisahan ko sa piso-a-day. Dadami din yun.

Bawas alak at yosi. Matagal ko na din balak yon. 48 years na. Hahaha. Try ko talaga i-lessen this year. Try lang ha? Lol.

Diet and Exercise. Kaya ko din yan. Actually, pumayat na nga ako ngayon e. Dahil sa stress sa work. Minsan imbes na kumain e tinutulog ko na lang. Lahat nga ng nakakapansin na pumayat ako, tinatanong kung nagsa-shabu daw ba 'ko? Tengene nemen, porke pumayat, nagsa-shabu na? 'Di ba pwedeng wala lang makain?! Or walang time kumain?!

Makapagtravel. Asia lang naman. Like Singapore. At Indonesia. May mga tropa ako na dun nagwo-work e. Pasyal-pasyal lang. Sagot ko plane ticket, tapos, makikitulog na lang ako sa kanila. Hahaha!

Makapagturo. Sa college. Kahit Algebra, or kahit anong Math related na subject. Try ko lang. Teacher-teacheran. SIR DENGGOY! Bagay ba? Hehe.

Basta. Kaya ko to. May kasabihan nga na, "Great things come from small beginnings..."! 'Di ba? Hehe! Kaya naman, wish me luck guys!!!

***************************
#kunganoanolangnapost

  • New Years Resolution chena ang topic ko today. May mangilan-ngilan din na mga post (FB at IG) ang nakita ko these past few days ang may caption na "BALIK ALINDOG 2014"! Gusto ko magcomment. Pero sa iba lang naman, 'di sa lahat. Gusto ko sana sabihin na "paano mo ibabalik ang isang bagay na never ka naman nagkaroon?" Hahaha! Harsh!!!
  • 'Iyong office namin, bale building extension ng SM Clark, Pampanga. 5 floors. Since bago, 5th floor pa lang yung may laman at maayos, kasi nga nandoon kami. 1st and 2nd floor, sa SM. So, yung 3rd and 4th floors, bakante pa, at kapag gabi, madilim. Ganito eksena, after our yosi break, bandang past midnight yun, akyat kami papuntang 5th flr using the elevator with one of my officemates na itago na lang natin sa totoo nyang pangalan na JOEL. Hahaha. Pagpasok ng elevator, etong Joel, sinisilip-silip yung pinto ng elevator na habang nakatakip yung dalawang kamay sa gilid ng mata, na ang dilim daw, wala ka makita, chena bumble bee. Ganon. Ginawa ko, since kakaandar pa lang ng elevator, pinindot ko 4th and 5th  floor. 'Di ba yung elevator kapag nakarating na sa floor na pinindot mo e parang may tunog muna na parang "tan-tan-tan-tan" bago bumukas yung pinto? So yun nga, yung Joel, pagkadinig nya dun sa tunog, at pagbukas ng pinto, dire-diretso siya palabas. 4th floor! Sobrang dilim! Napatakbo siya pabalik at pinagmumura ako. Hahaha! Epic. Sobrang putla niya habang halos mamatay ako sa kakatawa!
***************************

So ayun.

May pasok pa tonight, so boborlog na muna ako.

Ah yeah!!!







Monday, January 13, 2014

Update slash Story ni Tukmol

Time Check: 10:32 AM

Monday.


Hi Fans!!!

I'm back! 'Di ko lang sure kung for good na'to. Pero nakakabingi na kasi ang clamor for me to write a post na e. You know, makukulit na fans! Hahaha!

Seriously, nakakataba ng puso kapag may namimit kang mga dating friends, or kakilala man lang na kapag nakakwentuhan mo e nagbabasa pala ng palihim sa blog mo. Like, "uy, musta na blog mo? kelan next post?". Something like that. Last post ko nga e July last year pa, topic ko pa e "pagka-comeback" kuno. 'Di ko naman napanindigan. Nakakahiya tuloy...

Gusto ko lang ulitin na "This blog is my personal journal online. I don't intend to earn money through it nor for me to be famous and be known. Masaya ako na nababasa ito ng pamilya at mga kaibigan ko, at kung meron mang ibang tao na 'di ko kilala na nagbabasa din, I Thank You. From the bottom of my bayag heart!"

Pengeng pera!!! Hahaha!

Isang dahilan siguro kaya nawalan ako ng gana sa pagba-blog e nung nakaranas ako ng slight depression slash kalungkutan early last year. Idagdag mo pa ang katamaran at kawalan ng gana at inspirasyon sa pagsusulat. Ayun.

Speaking of inspirasyon, may ikukwento ako. Kwento ng isang kaibigan. Gusto ko lang i-share. Baka kapulutan ng aral. Or malamang wala ka naman talaga mapupulot. Chena ko lang yun. Hahaha. I just want to share this story nga.

******************************

May 2013. Linggo. Bandang 8-9 PM.

Ilang araw na silang magkatext at callmates. Nagkakilala sa isang chatroom. Bolahan. Landian. Hanggang sa napagkasunduan nila magmeet nung araw na iyon. (SEB ba ito? Hahaha)

Tawagin na lang natin silang sina B1 at G1. (Obvious bang Boy1 at Girl1? lol)

Si G1 ay nakatira sa isang apartment malapit sa isang eskwelahan (AUF ba ito?). Mag-isa (alam na). Since natural na gentleman si B1 ay siya na ang nagprisintang pumunta sa bahay ni G1. (Para maka-iskor! Hahaha)

Pinakaligo at Todo effort si B1 sa pagpapapogi para ma-impress si G1. Syempre naman, 1st date nila iyon. Idagdag pa na iyo ang unang beses nilang pagkikita (walang involved na webcam at pictures nung magkachat sila, wala rin bigayan ng facebook). Full of surprises, 'di ba? So yun nga, pinuntahan ni B1 si G1 sa apartment kung saan siya nag-i-stay...

Usapan nila e abangan ni G1 si B1 sa kanto. Pagkababa pa lang ni B1 sa jeep, nakita na niya si G1. Pagkakita ni B1 kay G1, napamura siya ng slight. "Putanginang Shit"! Parang ganon. Hahaha. Reason is, magkakilala pala sila. From way back. Like 5-6 years ago. Dati silang work mates na never nagka-chance mag-usap. Exciting...

So near yet so far pala ang drama nila dati. Ang kwento daw e napapansin na dati ni G1 si B1. Pasulyap-sulyap, nakaw-tingin ang drama. Si B1 naman, dedma lang since ibang department si G1. As in, parang hangin lang ang tingin kay G1, you can't see it, but it's there! Hahaha.

Going back, edi nagkita nga sa kanto malapit sa apartment ni G1. Ilangan ng konti, the usual hiya-hiya kasi nga first time magkita. Shake hands. Tapos sabi ni G1, "bili muna tayo konting maiinom". Light bulb moment si B1. Hahaha. Mukhang makaka-iskor si loko.

After bumili, diretso sa apartment. Maaliwalas naman apartment ni G1. Malinis. May aircon. Kumpleto. Ay di pala. Wala palang Ref. Hahaha.

So yun nga, kwentuhan, inuman, landian, hipuan. Hanggang sa maubos na iyong iniinom nila. Nalasing sila pareho. Tapos, alam na! Hehe.

Simula noon, halos every weekend e nandoon na si B1 sa apartment ni G1. Nakikikain. Nakikitulog. Nakiki-WiFi. Ang kapal lang ng mukha. Hahaha. Tapos, nagkadebelopan. Nagkainlaban. Nagkaratan.

Apat hanggang limang buwan e maayos naman ang kanilang love-hate relationship. Kahit na may pagkasalbahe at mabisyo si B1 ay napagtiyagaan lahat iyon ni G1. Pero nang mga panahong iyon, unti-unting nadiskubre ni G1 na masyado ng nagiging kampante at relax si B1 at lagi na lang lasing, talo sa sugal, tsongki, at kung ano-ano pang bisyo na ayokong idetalye dahil wala akong karapatan. Hahaha. Iyon ang laging ugat ng kanilang mga pag-aaway.

Unti-unting nanlamig si G1 kay B1. November of 2013 ng napagdesisyunan ni G1 na "enough is enough". Punong-puno na siya. Nakipaghiwalay siya kay B1.

Noong una ay OK lang kay B1 lahat. Nakipagmatigasan siya. Pero nitong huling mga linggo, napagtanto niya na mahal niya talaga si G1 at gusto niya itong i-win back. Pero parang huli na ang lahat. Desidido na si G1. Nagmove-on at ni-let go na niya talaga ang lolo mo.

Kawawang B1. Kapag kasama mo siya ay mukha naman siyang OK, pero deep inside, alam kong he's bleeding. Really. Kaya gusto ko siyang kasama lately. Since depressed, gusto lagi uminom. Maglasing. Sinasamahan ko. Sayang libreng alak. Hahaha.

Latest news e parang medyo friends na ata sila. Nagkakatext minsan. Pero 'di na katulad ng dati. (At talagang updated ako?)

******************************

This post is for you parekoy! Alam ko pag nabasa mo to e isusumpa moko. Hahaha. 'Di ko naman nilagay pangalan mo Eh!!! Punyeta ka kase, Move ON na!!!

******************************

At yun na nga and story ni TUKMOL. Walang kwenta 'di ba? Hahaha!

Update naman tungkol saken, well, eto nag-a-adjust pa rin sa bagong work. Bale, 3 months na'ko dun. Mukhang masaya naman. Bagong characters na naman mga kasama ko.

Try ko magpost dito as often as i could. Pramis.

O sha! Babush na!

Ah yeah!