Monday.
Hi Fans!!!
I'm back! 'Di ko lang sure kung for good na'to. Pero nakakabingi na kasi ang clamor for me to write a post na e. You know, makukulit na fans! Hahaha!
Seriously, nakakataba ng puso kapag may namimit kang mga dating friends, or kakilala man lang na kapag nakakwentuhan mo e nagbabasa pala ng palihim sa blog mo. Like, "uy, musta na blog mo? kelan next post?". Something like that. Last post ko nga e July last year pa, topic ko pa e "pagka-comeback" kuno. 'Di ko naman napanindigan. Nakakahiya tuloy...
Gusto ko lang ulitin na "This blog is my personal journal online. I don't intend to earn money through it nor for me to be famous and be known. Masaya ako na nababasa ito ng pamilya at mga kaibigan ko, at kung meron mang ibang tao na 'di ko kilala na nagbabasa din, I Thank You. From the bottom of my
Pengeng pera!!! Hahaha!
Isang dahilan siguro kaya nawalan ako ng gana sa pagba-blog e nung nakaranas ako ng slight depression slash kalungkutan early last year. Idagdag mo pa ang katamaran at kawalan ng gana at inspirasyon sa pagsusulat. Ayun.
Speaking of inspirasyon, may ikukwento ako. Kwento ng isang kaibigan. Gusto ko lang i-share. Baka kapulutan ng aral. Or malamang wala ka naman talaga mapupulot. Chena ko lang yun. Hahaha. I just want to share this story nga.
******************************
May 2013. Linggo. Bandang 8-9 PM.
Ilang araw na silang magkatext at callmates. Nagkakilala sa isang chatroom. Bolahan. Landian. Hanggang sa napagkasunduan nila magmeet nung araw na iyon. (SEB ba ito? Hahaha)
Tawagin na lang natin silang sina B1 at G1. (Obvious bang Boy1 at Girl1? lol)
Si G1 ay nakatira sa isang apartment malapit sa isang eskwelahan (AUF ba ito?). Mag-isa (alam na). Since natural na gentleman si B1 ay siya na ang nagprisintang pumunta sa bahay ni G1. (Para maka-iskor! Hahaha)
Pinakaligo at Todo effort si B1 sa pagpapapogi para ma-impress si G1. Syempre naman, 1st date nila iyon. Idagdag pa na iyo ang unang beses nilang pagkikita (walang involved na webcam at pictures nung magkachat sila, wala rin bigayan ng facebook). Full of surprises, 'di ba? So yun nga, pinuntahan ni B1 si G1 sa apartment kung saan siya nag-i-stay...
Usapan nila e abangan ni G1 si B1 sa kanto. Pagkababa pa lang ni B1 sa jeep, nakita na niya si G1. Pagkakita ni B1 kay G1, napamura siya ng slight. "Putanginang Shit"! Parang ganon. Hahaha. Reason is, magkakilala pala sila. From way back. Like 5-6 years ago. Dati silang work mates na never nagka-chance mag-usap. Exciting...
So near yet so far pala ang drama nila dati. Ang kwento daw e napapansin na dati ni G1 si B1. Pasulyap-sulyap, nakaw-tingin ang drama. Si B1 naman, dedma lang since ibang department si G1. As in, parang hangin lang ang tingin kay G1, you can't see it, but it's there! Hahaha.
Going back, edi nagkita nga sa kanto malapit sa apartment ni G1. Ilangan ng konti, the usual hiya-hiya kasi nga first time magkita. Shake hands. Tapos sabi ni G1, "bili muna tayo konting maiinom". Light bulb moment si B1. Hahaha. Mukhang makaka-iskor si loko.
After bumili, diretso sa apartment. Maaliwalas naman apartment ni G1. Malinis. May aircon. Kumpleto. Ay di pala. Wala palang Ref. Hahaha.
So yun nga, kwentuhan, inuman, landian,
Simula noon, halos every weekend e nandoon na si B1 sa apartment ni G1. Nakikikain. Nakikitulog. Nakiki-WiFi. Ang kapal lang ng mukha. Hahaha. Tapos, nagkadebelopan. Nagkainlaban.
Apat hanggang limang buwan e maayos naman ang kanilang love-hate relationship. Kahit na may pagkasalbahe at mabisyo si B1 ay napagtiyagaan lahat iyon ni G1. Pero nang mga panahong iyon, unti-unting nadiskubre ni G1 na masyado ng nagiging kampante at relax si B1 at lagi na lang lasing, talo sa sugal,
Unti-unting nanlamig si G1 kay B1. November of 2013 ng napagdesisyunan ni G1 na "enough is enough". Punong-puno na siya. Nakipaghiwalay siya kay B1.
Noong una ay OK lang kay B1 lahat. Nakipagmatigasan siya. Pero nitong huling mga linggo, napagtanto niya na mahal niya talaga si G1 at gusto niya itong i-win back. Pero parang huli na ang lahat. Desidido na si G1. Nagmove-on at ni-let go na niya talaga ang lolo mo.
Kawawang B1. Kapag kasama mo siya ay mukha naman siyang OK, pero deep inside, alam kong he's bleeding. Really. Kaya gusto ko siyang kasama lately. Since depressed, gusto lagi uminom. Maglasing. Sinasamahan ko. Sayang libreng alak. Hahaha.
Latest news e parang medyo friends na ata sila. Nagkakatext minsan. Pero 'di na katulad ng dati. (At talagang updated ako?)
******************************
This post is for you parekoy! Alam ko pag nabasa mo to e isusumpa moko. Hahaha. 'Di ko naman nilagay pangalan mo Eh!!! Punyeta ka kase, Move ON na!!!
******************************
At yun na nga and story ni TUKMOL. Walang kwenta 'di ba? Hahaha!
Update naman tungkol saken, well, eto nag-a-adjust pa rin sa bagong work. Bale, 3 months na'ko dun. Mukhang masaya naman. Bagong characters na naman mga kasama ko.
Try ko magpost dito as often as i could. Pramis.
O sha! Babush na!
Ah yeah!
Welcome back sa pagb-blog ahahaha. buti naman at may work ka na din.. sana nga tuloy tuloy na yan.
ReplyDeletePramis yan ha!? sana maging active ka na ulet sa blogging hehe :D
ReplyDeleteabout sa kwento mo, kasalanan din naman kase ni B1 kung baket nanlamig at lumayo ang loob sa kanya ni G1. sadya bang mababa ang tolerance level ni B1 sa mga bisyo at di niya magawang umiwas dito para kay G1 na lang sana sya naka focus. Ayan, depres-depressan tuloy ang peg nya nung hiniwalayan siya ni G1. Tsk tsk tsk! Payo ko kay B1? magbago ka na tol. Yun lungs!
Natawa ako sa update mo patungkol sa ibang tao :P
ReplyDeleteWow glad to hear, este read from you again :)
ReplyDeleteNaaliw ako kina B1 at G1 ha..pero baka may umeksenang B2, may perfect ata sila ni B1 haha, naging saging :)
Glad to know masaya ka sa work, update us lagi! :)
Buti naman bumalik ka na. Sana for good. Kasi pag nakikita ko name mo natatawa ulet ako about sa twitter ha ha ha
ReplyDeleteTsismoso ng dating mo sa post na to lol.