Wednesday, August 22, 2012

Dougie


Time Check: 6:52 AM


Wednesday.


Sobrang busog ko lang. 'Da best talaga ang Pancit Palabok at Pandesal sa almusal! Buurrpp!


Pagka-out ko sa work kaninang 5AM, 'di ako agad umuwi. Nakipagkwentuhan muna ko sa ilang opismeyts. Halos 4 days din kasi ako nawala dahil sa OFF OFF VL SL ko (bakasyon engrande? haha) kaya minarapat ko munang sumagap ng chismis bago umuwi. Mahirap mahuli sa balita. Haha.


Napa-SL (Sick Leave) ako nung Monday dahil sa matinding LBM. Papasok talaga sana ako dahil holiday, meaning double pay, kaso sobrang tae lang ako ng tae. Kulang na lang ata ilabas ko pati bituka ko. Hinang-hina ako nun sa sobrang pagka-dehydrated. Tinext ko Boss ko na 'di ako makakapasok. Walang reply. Feeling ko nga di naniwala yun. Dapat siguro next time lagyan ko ng "Swear to God" or "God knows" yung text ko para kapani-paniwala noh?

________________________


Kapag alam mong may isang taong may galit or tampo sa'yo, 'di ka mapakali. Tama? Lalo na at ikaw yung me kasalanan. Tsk. Ewan. Saka na lang ako magsosorry kapag 'di na siya galit.

________________________


A few weeks from now, magkaka-pet na ako. Aso. Shih-Poo daw tawag dun. Shih tzu yung tatay, Poodle yung nanay. Tuta pa lang siya kaya 'di ko muna kinukuha sa may-ari kahit binayaran ko na. Pinapalaki ko muna. Kapag stable at malakas na resistensya tsaka ko kukunin. Baka kasi kapag kinuha ko agad at inuwi sa bahay, wala pang isang linggo eh tsugi na. Haha. Kawawa naman.


Babae yung napunta sa akin. Ano kaya magandang ipangalan?
 
A. Denggay? - obviously, sunod sa pangalan ko. hehe.
B. Dogay? - from the root word "dog". haha.
C. Charisse? - pangalan ng crush ko nung elementary. ayiih! porke aso ire-relate sa puppy love? hehe.
D.  Miley - eto seryoso. 'di dahil kay Miley Cyrus to. sunod ko lang sa name ni mama (RIP) which is Mila.


Para bumoto, kunin ang iyong selpown at i-type ang salitang "DOUGIE" <space>  letra ng iyong sagot at i-send sa 23667788991010. Kung wala naman sa mga nabanggit ang iyong tipong pangalan, i-type lang ang salitang "PAKYU" at i-send sa iyong sarili. Haha!

________________________


And with that, i leave you with this inspirational song. Hehe. Enjoy!





Ah yeah!



10 comments:

  1. Hahaha nice kakatanggal ng stress :)

    ReplyDelete
  2. agree ako dun sa nagtatampo. daming ganyan kasi hahaha

    ReplyDelete
  3. ang kuliiittt ng post na to! :D hahahaha! oks lang kung denggay para talagang partner ng dennggoy. :D btw, ako din eh nag VL sagap din ng updates pagdating sa office. Mahirap na talaga hindi updated. :D

    I am now following your cute blog :) hope you'll follow my page din. :)

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. tnx jewel. matagal na kita pina-follow. ;)

      Delete
  4. ano nang naging pangalan? kumusta na ang aso?

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko pa din nakukuha tol. hehe. pag nasa akin na, for sure ilalagay ko siya dito. hehe. tnx sa pagbisita. katukayo pa pala kita. hehe,.

      Delete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p