Kapag nawala daw ang isang bagay na mahalaga sa'yo, doon mo lang mare-realize ang worth niya. Totoo yan. Parang cellphone ko lang. Twice na'ko nawalan this year. Tatlong beses last year. Oha. Ang yaman ko lang. Sayang yung mga fubu contacts doon. Hay... Kaya sa mga nagtetext sa akin, huwag nyong isiping ayoko magreply. Nawala na naman kasi cp kp last wednesday. Email niyo ko or PM nyo ko sa FB or Twitter for my new number. Hehe.
Speaking of nawawala, sasali dapat sana ako doon sa 2012 Saranggola Blog Awards. Haha. Kaso nga, 'di ko na nagawang natapos yung maikling kwentong ilalahok ko sana. Sayang. Nararamdaman ko na pa naman na heto na ang aking road to stardom. Lol. Better luck next year na lang siguro. Ipopost ko na lang as separate entry dito sa blog ko yung post na yun.
Nung isang araw, pumasok ako sa work ng wala sa mood. Pero kunwari lang. Haha. Normally kasi, alam ng lahat kapag andun na'ko dahil sa magulo ako. Pero nung araw na iyon, tahimik akong pumasok at umupo sa tagong station kung saan di ako masyadong mapapansin. Ngunit nabigo ako. Ilang sandali lang at nakalimutan kong nagro-role play pala ko. Haha.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero wala na nga akong pera. Ubos na. As in allowance na lang hanggang sa katapusan ang natitira. Shet! Sana umabot. Kung hinde, baka mapilitan akong ibenta ang sariwa kong pangangatawan. Mura lang. 120Php per Kilo.
Kung napansin mo, wala ang topic ko today. As in Wala. Wala. Wala. Haha. Ang gulo. Basta wala akong topic today.
Wala lang. Walang Kwenta.
Ah yeah!
P.S.: Kay Pareng Lou (Bored Night Crawler) at Pareng Emil (Asiong), tuloy ba yung lakad natin?! Email niyo ko! Wala na'ko numbers nyo! Hehe!
Sobrang nakakatamad today. Puro nood lang ginawa ko. Sa Youtube, sa TV, at konting porn Educational Videos. Oha.
Pinapanood ko kanina sa TV yung Canonization kay Blessed Pedro Calungsod. Bilang purong katoliko since birth, sobrang nakakaproud na isang pinoy ulit ang nadeklarang santo ng simbahang katolika. So dalawa na sila ngayon. Una si San Lorenzo Ruiz. Ngayon ay may San Pedro Calungsod na rin. Amen to that.
Kaninang umaga naman, sa kakalipat ko ng channel sa TV, nadaanan ko yung parang Battle of the Brains na show sa UNTV. Nakalimutan ko title. Basta yung show, ganun yung format. Elementary at Highschool Division ang labanan. Eh favorite ko mga ganung show. Madalas e nakikisagot ako. At lagi akong TAMA. Oha. Napansin ko lang, mukha namang madali yung mga tanong, pero 'di nasasagot nung mga bagets. Siguro, it's either 'di pa lang nila napag-aaralan yung mga yun or humina na talaga sistema ng edukasyon dito sa Pinas. Malay mo?
Out na din lately ang bagong season ang isa sa dati kong paboritong TV series na The Walking Dead. Sobrang hook ko dati dito at nai-blog ko pa nga. Ang tagal kasi nawala. Nawala na din tuloy excitement ko. 'Di na'ko masyado na-excite paglabas ng 3rd season niya.
Parang ritwal naman dito sa bahay ang panonood nung show ni Willie sa TV5 tuwing gabi. For sure, alam niyong lahat kung anong show ang tinutukoy ko. Nakakatawa naman kahit papano yung show. Kaso, napaplastikan talaga ko kay Willie. Pramis. Pero kung papadalhan niya ko ng jacket, kopya ng CD niya at cellphone, babawiin ko yung sinabi ko. Pramis.
Mula noong bata pa'ko, at hanggang ngayong medyo bata pa naman ako, isa sa mga inaabangan at pinapanood ko talaga ang Eat Bulaga! Bukod sa idol ko si Bossing at si Jose, eh sila lang naman talaga ang palabas sa TV ngayon na worth it panoorin. Wala ng iba.
Ano nga ba ang epal? Nagpunta ako sa www.urbandictionary.com
at ang mga sumusunod ang mga nakuha kong kahulugan...
Share ko lungs. Andami na kasi epal ngayon e.
Kapag pauwi ako, andami ko nadadaanan na "greetings" kuno ng mga pulitiko gaya ng Happy Fiesta, Happy Birthday kay Ganito, Happy MotherFather's day, or mga "project" kuno nila na kulang na lang e angkinin ang kredito na kaya may road widening or bagong waiting shed, etc., ay dahil sa kanila. Punyeta! Pera ng taong-bayan yan. Dapat, kapag may proyekto kayo, ang ilagay niyo e parang ganito:
"This project is made possible through the efforts of the People of <insert town> in paying their TAXES."
Huwag ganito:
"This project is made possible through the efforts of Mayor Pukingina, blah, blah, blah."
Tulad ngayon, malapit na naman eleksyon. For sure, magsusulputan na naman ang mga putanginang mga epal na yan. Oha. Sobrang bitter ko lang.
Enough of the Pulitikos. Meron pang isang klase ng epal. Eto yung mga epal sa ating everyday life. Mga epal sa school. Epal na kapitbahay. Epal na opismate. Etc. Etc. Etc.
Dapat chill lang. Huwag pabida kung di ka mukhang bida. Huwag pumapel kung wala ka karapatan pumapel. Huwag mag-astang sikat kung wala ka naman charisma para sumikat. Oo! Para sa'yo to! Putangina mo!
After ng halos isang taon, babalik na ulit ako sa morning shift sa trabaho bukas. For two months ito (malamang). Sa wakas, mae-experience ko na ulit ang matulog ng regular sa gabi. Sawa nako sa pagiging bampira. Pero andami ko mamimiss. Una na dito ang mga eyebags ko. Pangalawa, ang night differential pay na napakalaking tulong sa pang-araw-araw na bisyo. Pangatlo ay si "shining star" na crush ko sa trabaho na feeling ko ay may gusto din sa akin pero nagpapakipot lang. Oha.
Napapansin ko lately, sa panonood ko ng TV, na sobrang dami ng mga talent search na parang lahat na lang ay gustong mag-artista at sumikat. Sino bang hinde? Easy money! Sa Dos, merong Pilipinas Got Talent at X-Factor na kakatapos lang. Sa Singko, merong Artista Academy at Talentadong Pinoy. Sa Siyete, may Protege. Iba pa diyan yung mga pakontest ng Eat Bulaga, It's Showtime, at Wil Time Bigtime! Shet! Lahat na lang gusto magshowbiz.
Looking on the bright side, nagsusulputan ang mga ganitong pakontes sa TV dahil sa sobrang talented nating mga pinoy. Totoo yan. Halimbawa, sa isang grupo ng mga magbabarkada, for sure, isa diyan ay marunong kumanta. Or sumayaw. Parang ako. Oha.
Naisip ko lang, kung sigurong uso na yung Starstruck or Star Circle Quest nung mga highschool days ko, baka nag-audition din ako. Sayang cuteness slash hotness ko e. Baka siguro walang John Lloyd Cruz or Richard Gutierrez ngayon. Hahahaha! <libre lang mangarap>
Sa isang talent search, gaya halimbawa ng sa Dos or Siyete, mga sampung libong nangangarap ang mag-o-audition. Sa sampung libong iyon, isa or dalawa lang ang mananalo. Lima hanggang sampu ang sisikat. Pa'no yung iba? Swertihan lang talaga siguro. Ika nga, kapag ukol, bubukol. Better luck next time sa iba or hanggang sa marealize na lang nila na di para sa kanila ang showbiz at tatahak ng ibang landas. Hay. At least, sumubok.
"It is better to have tried and failed than to never have tried at all."
So, anong point ko sa post na 'to?
Since morning shift na ako, at madaming oras ko tuwing hapon araw-araw, napilit akong mag-gym ng ilang mga opismates. Napagtanto ko na it's time na talaga. This is it guys. Kapag gumanda na katawan ko, magreresign na'ko sa call center. Mag-a-artista na lang ako. Papausuhin ko ulit ang mga bomba films. At ang launching movie ko ay, "Pasalat ng Peklat"!
October 06, 2010 ng unang gumawa ako ng entry dito. Exactly 2 years ago. Technically, 2nd beerday ng blog ko kahapon. Eh since wala naman ako naipost buong 2011, bale parang 1st beerday pa lang ng blog ko to. Hanggulo. Basta! Happy birthday to DENGGOY PALABOY! Sana marami pa kong ma-denggoy! Hehe!
Nararamdaman ko na malapit nako pumayat. Naisipan ko kasi ang magdiet na. Sisimulan ko sa NO RICE diet. Last ako kumain ng rice e kagabi pa, bandang 7PM ata. So almost 24 hours na rin. Ngayong araw, almusal ko cup noodles, lunch ko e dalawang slice ng pizza, mojos, isang piraso ng pekpek pakpak ng manok, at isang bote ng mountain dew. Perfect! Walang rice. Oha!
Anyway.
Gusto ko lang i-share sa mga hurado, at siyempre, sa inyo mga madlang pipol <showtime? haha> ang aking haiskul life na napakakulay, napakasaya, at siyempre, punung-puno ng kalokohan. Hehe.
Isa ako sa mga graduates ng Millenium Batch (year 2000 para sa mga tanga) sa isang maliit na pribado (pero mukhang public) na highschool dito sa isang bayan sa Pampanga. Magyayabang ako. Grumadweyt ako with honors. Oha! At hulaan niyo kung ano ang aming graduation song?! Ayan sa baba. Sobrang baduy. Putangina! Haha.
Pinili ko mag-aral sa school na yun dahil doon nag-aral ang aking mga peyrents, mga Tito at Tita, at ibang mga pinsan. Ayun. No choice. Na-peer pressure ako sa mga kamag-anak ko.
Haiskul days ko noong nagsimulang tawagin akong Denggoy. Hanggang ngayon ay 'di ko alam kung bakit ako tinawag na Denggoy. Nagsimula sa kaklase slash tropa ko noon (hanggang ngayon) na itatago ko sa totoo niyang pangalan na LORDWEEN. Haha. 3rd year na kami nun. Ayun. Tapos yung kapatid kong babae, 1st year noon. Since Denggoy ako, siya naman daw si Dengue! Haha.
Wala ako masyado maalalang mga memories noong 1st at 2nd year ko. 14-15 years ago na din kasi yun. Memory gap. Haha.
Sobrang daming kalokohan ang nag-umpisa nung 3rd hanggang sa 4th year ko. Mga kalokohan na hanggang ngayon ay tinatawanan pa rin namin ng mga naging tropa ko nung haiskul kapag may reunion kami. Heto ilan sa mga unforgettable na katarantaduhang nagawa namin noon, in random order. Hehe.
1. Iyong room namin noon, second floor ng building (two-storey). Bintana is mga jalousy. Napagtripan namin noon na luwagan yung pagkakalagay nung mga bintana para kapag isinara ay maglalaglagan sila. Ayun. Nung malapit na magsara ang klase, iilan na lang ang mga jalousy sa bintana.
2. Sa second floor sa dulo ang room namin, tapos sa likod ay may hagdanan (mga 15 steps din siguro), sort of shortcut. Mga upuan namin noon is bakal. Kapag uwian na, madalas namin hinuhulog doon ang mga upuan.
3. <Hindi ko pinagmamalaki ang isang ito, gusto ko lang ishare.> May kaklase kame noong haiskul na nakakapagdala/drive na ng kotse. Kapag may mga araw na walang pasok kinabukasan, trip namin na gumala sa mga subdivision at mga barangay dito sa bayan namin. Heto ang trip, may dala kaming baseball bat, mga bato, sputnik, at recorder. Ang mission, mamalo, mambato, magsputnik ng mga asong pagala-gala sa daan. Purpose ng recorder ay para i-record yung iyak ng aso. Heto yung trip na lubos kong pinagsisisihan. Para kaming mga demonyo noon. Sobrang kawawa nung mga aso kapag naalala ko sila. Nung college nako, sinira at tinapon ko na yung mga tape. Nagbago nako. Lablab ko na mga dogs.
4. Since malapit lang ang Clark sa amin, madalas kami mag-ghost hunting noon sa mga haunted places doon, lalo na dun sa Haunted Hospital, syempre, dala pa din yung recorder namin. I swear, may isang instance na nakaramdam talaga kami ng kakaiba, takbuhan talaga kami sa sasakyan at mabilis na umuwi.
5. Nagnakaw kami sa canteen ng school. Di ko idedetalye, mahirap na. Haha. Tapos saka kami nagpicnic. Sa Picnic Grounds sa Clark. Hehe.
6. 15 years old ata kami noon. Since may sasakyan nga ang isa naming kaklase, napagtripan namin minsan na pumunta sa Fields Avenue (google mo na lang) at nanood ng live show. Katakot-takot na pakiusap ginawa namin bago kami papasukin. At ang kondisyon, iced tea lang pwedeng orderin dahil mga minors nga kami. Hehe.
Yan na lang muna isa-share ko. Baka magalit na mga tropa ko sa mga ibinulgar ko dito. Haha. Yung iba naming mga kalokohan noon, kahit sa MTRCB eh baka hindi pumasa. Haha.
Nung JS PROM nung 4th year na kami, naging KING of the night ako. Ayoko idetalye. Nakakahiya. Bwahaha!
Kahit maloko ako nung haiskul, nag-aral pa rin akong mabuti. Yung NSAT noon, ako pinakamataas sa school namin. Oha! 'Di ko din malilimutan ang ilang mga naging teachers ko doon. Merong iba na tumatak talaga, lalo na yung teacher ko sa Math noon, dahil natuto talaga ako sa kanya. Nadala ko hanggang college ang mga natutunan ko sa kanya kaya minamani ko lang noon ang algebra. Hehe.
Ayun. Da best talaga ang haiskul life. Di ko na sinali ang paglalablayp ko noon kasi nakwento ko na dati sa isa ko pang post yun (DITO). Hehe.
Minsan, babalik ako sa school na yun para magpasalamat sa makulay at masayang haiskul life na pinaranas niya saken.