Sunday, October 21, 2012

Nood Tayo TV


Time Check: 6:12 PM


Sunday.


Sobrang nakakatamad today. Puro nood lang ginawa ko. Sa Youtube, sa TV, at konting porn Educational Videos. Oha.


Pinapanood ko kanina sa TV yung Canonization kay Blessed Pedro Calungsod. Bilang purong katoliko since birth, sobrang nakakaproud na isang pinoy ulit ang nadeklarang santo ng simbahang katolika. So dalawa na sila ngayon. Una si San Lorenzo Ruiz. Ngayon ay may San Pedro Calungsod na rin. Amen to that.


Kaninang umaga naman, sa kakalipat ko ng channel sa TV, nadaanan ko yung parang Battle of the Brains na show sa UNTV. Nakalimutan ko title. Basta yung show, ganun yung format. Elementary at Highschool Division ang labanan. Eh favorite ko mga ganung show. Madalas e nakikisagot ako. At lagi akong TAMA. Oha. Napansin ko lang, mukha namang madali yung mga tanong, pero 'di nasasagot nung mga bagets. Siguro, it's either 'di pa lang nila napag-aaralan yung mga yun or humina na talaga sistema ng edukasyon dito sa Pinas. Malay mo?


Out na din lately ang bagong season ang isa sa dati kong paboritong TV series na The Walking Dead. Sobrang hook ko dati dito at nai-blog ko pa nga. Ang tagal kasi nawala. Nawala na din tuloy excitement ko. 'Di na'ko masyado na-excite paglabas ng 3rd season niya.


Parang ritwal naman dito sa bahay ang panonood nung show ni Willie sa TV5 tuwing gabi. For sure, alam niyong lahat kung anong show ang tinutukoy ko. Nakakatawa naman kahit papano yung show. Kaso, napaplastikan talaga ko kay Willie. Pramis. Pero kung papadalhan niya ko ng jacket, kopya ng CD niya at cellphone, babawiin ko yung sinabi ko. Pramis.


Mula noong bata pa'ko, at hanggang ngayong medyo bata pa naman ako, isa sa mga inaabangan at pinapanood ko talaga ang Eat Bulaga! Bukod sa idol ko si Bossing at si Jose, eh sila lang naman talaga ang palabas sa TV ngayon na worth it panoorin. Wala ng iba.


Yun lang naman.


Ah yeah!



5 comments:

  1. EB Fan din ako. Yun. isiningit talaga ang porn? lol

    ReplyDelete
  2. haha ako din eb fan ako last time habang ng brobrowse ako sa mga channel nagulat ako sa isang show contest ng mga drag queen kakaaliw

    ReplyDelete
  3. another eb fan tulad ko.hehehehe.
    napapanood ko rin sa UNTV yung parang quizbee na yun na U&AP ata ang naghohost. Onga, andali ng ibang tanong pero di nila masagot. Minsan iniisip ko,baka di na nila mismo naiintindihan ang tanong hehehehe.

    ReplyDelete
  4. Ay wow Pinoy pala si San Lorenzo Ruiz??? Ngayon ko lang nalaman salamat sa impormasyong ito LOL. At oo napaplastican rin ako sa kay Willie at parang minamanipula nya yung gameshow. Basta di ko sya gusto LOL. Sa TV ang napapanood ko lang halos ay morning news kasi yun ang naabutan ko pag-uwi ko.

    ReplyDelete
  5. Nakaka proud talaga na may second Filipino saint na tayo :)

    I am also an EB fan since I was a kid (yan lang ang pinapanood ko talaga ng matagal na at ilang documentaries sa GMA)

    About Willie, same lang tayo ng nararamdaman. Minsan tingin ko sa kanya parang ayaw niyang niyayakap sya or pinagkakaguluhan ng mga audience nya. Makikita mo naman un sa expression ng face nya eh lols.

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p