Friday, October 5, 2012

Haiskul


Time Check: 6:17 PM


Wednesday.


Nararamdaman ko na malapit nako pumayat. Naisipan ko kasi ang magdiet na. Sisimulan ko sa NO RICE diet. Last ako kumain ng rice e kagabi pa, bandang 7PM ata. So almost 24 hours na rin. Ngayong araw, almusal ko cup noodles, lunch ko e dalawang slice ng pizza, mojos, isang piraso ng pekpek pakpak ng manok, at isang bote ng mountain dew. Perfect! Walang rice. Oha!


Anyway.


Gusto ko lang i-share sa mga hurado, at siyempre, sa inyo mga madlang pipol <showtime? haha> ang aking haiskul life na napakakulay, napakasaya, at siyempre, punung-puno ng kalokohan. Hehe.


Isa ako sa mga graduates ng Millenium Batch (year 2000 para sa mga tanga) sa isang maliit na pribado (pero mukhang public) na highschool dito sa isang bayan sa Pampanga. Magyayabang ako. Grumadweyt ako with honors. Oha! At hulaan niyo kung ano ang aming graduation song?! Ayan sa baba. Sobrang baduy. Putangina! Haha.





Pinili ko mag-aral sa school na yun dahil doon nag-aral ang aking mga peyrents, mga Tito at Tita, at ibang mga pinsan. Ayun. No choice. Na-peer pressure ako sa mga kamag-anak ko.


Haiskul days ko noong nagsimulang tawagin akong Denggoy. Hanggang ngayon ay 'di ko alam kung bakit ako tinawag na Denggoy. Nagsimula sa kaklase slash tropa ko noon (hanggang ngayon) na itatago ko sa totoo niyang pangalan na LORDWEEN. Haha. 3rd year na kami nun. Ayun. Tapos yung kapatid kong babae, 1st year noon. Since Denggoy ako, siya naman daw si Dengue! Haha.


Wala ako masyado maalalang mga memories noong 1st at 2nd year ko. 14-15 years ago na din kasi yun. Memory gap. Haha.


Sobrang daming kalokohan ang nag-umpisa nung 3rd hanggang sa 4th year ko. Mga kalokohan na hanggang ngayon ay tinatawanan pa rin namin ng mga naging tropa ko nung haiskul kapag may reunion kami. Heto ilan sa mga unforgettable na katarantaduhang nagawa namin noon, in random order. Hehe.


1. Iyong room namin noon, second floor ng building (two-storey). Bintana is mga jalousy. Napagtripan namin noon na luwagan yung pagkakalagay nung mga bintana para kapag isinara ay maglalaglagan sila. Ayun. Nung malapit na magsara ang klase, iilan na lang ang mga jalousy sa bintana.

2. Sa second floor sa dulo ang room namin, tapos sa likod ay may hagdanan (mga 15 steps din siguro), sort of shortcut. Mga upuan namin noon is bakal. Kapag uwian na, madalas namin hinuhulog doon ang mga upuan.

3. <Hindi ko pinagmamalaki ang isang ito, gusto ko lang ishare.> May kaklase kame noong haiskul na nakakapagdala/drive na ng kotse. Kapag may mga araw na walang pasok kinabukasan, trip namin na gumala sa mga subdivision at mga barangay dito sa bayan namin. Heto ang trip, may dala kaming baseball bat, mga bato, sputnik, at recorder. Ang mission, mamalo, mambato, magsputnik ng mga asong pagala-gala sa daan. Purpose ng recorder ay para i-record yung iyak ng aso. Heto yung trip na lubos kong pinagsisisihan. Para kaming mga demonyo noon. Sobrang kawawa nung mga aso kapag naalala ko sila. Nung college nako, sinira at tinapon ko na yung mga tape. Nagbago nako. Lablab ko na mga dogs.

4. Since malapit lang ang Clark sa amin, madalas kami mag-ghost hunting noon sa mga haunted places doon, lalo na dun sa Haunted Hospital, syempre, dala pa din yung recorder namin. I swear, may isang instance na nakaramdam talaga kami ng kakaiba, takbuhan talaga kami sa sasakyan at mabilis na umuwi.

5. Nagnakaw kami sa canteen ng school. Di ko idedetalye, mahirap na. Haha. Tapos saka kami nagpicnic. Sa Picnic Grounds sa Clark. Hehe.

6. 15 years old ata kami noon. Since may sasakyan nga ang isa naming kaklase, napagtripan namin minsan na pumunta sa Fields Avenue (google mo na lang) at nanood ng live show. Katakot-takot na pakiusap ginawa namin bago kami papasukin. At ang kondisyon, iced tea lang pwedeng orderin dahil mga minors nga kami. Hehe.


Yan na lang muna isa-share ko. Baka magalit na mga tropa ko sa mga ibinulgar ko dito. Haha. Yung iba naming mga kalokohan noon, kahit sa MTRCB eh baka hindi pumasa. Haha.


Nung JS PROM nung 4th year na kami, naging KING of the night ako. Ayoko idetalye. Nakakahiya. Bwahaha!


Kahit maloko ako nung haiskul, nag-aral pa rin akong mabuti. Yung NSAT noon, ako pinakamataas sa school namin. Oha! 'Di ko din malilimutan ang ilang mga naging teachers ko doon. Merong iba na tumatak talaga, lalo na yung teacher ko sa Math noon, dahil natuto talaga ako sa kanya. Nadala ko hanggang college ang mga natutunan ko sa kanya kaya minamani ko lang noon ang algebra. Hehe.


Ayun. Da best talaga ang haiskul life. Di ko na sinali ang paglalablayp ko noon kasi nakwento ko na dati sa isa ko pang post yun (DITO). Hehe.


Minsan, babalik ako sa school na yun para magpasalamat sa makulay at masayang haiskul life na pinaranas niya saken.


Ah yeah!


21 comments:

  1. Ikaw na king of the night ... :D

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. dog and pussy este cat lover na ko ngayon. hehe

      Delete
  3. hehehe. iba talaga sa hayskul. marami rami talagang mga experience na nagagawa at nararanasan. di naman kayo nalasing sa iced tea? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. tomo! da best ang haiskul life! tinipid namin isang baso ng iced tea para makarami nood. haha

      Delete
  4. king of the night?dapat idetalye yan! you're so bad for no. 3 buti naman nagbago ka na :P ano yung fields avenue?tinatamad ako mag-google eh lols...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayaw ko nga ikwento kasi nakakahiya. walang maniniwala. haha.

      Delete
  5. pinangarap kong maging prom king pero di tlaga eh ,.. natawa me tlga sa post mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga naniniwala ako sa "chamba" e. haha

      Delete
  6. hala! grabe naman yong ginawa niyo sa aso.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. onga. kung maibabalik ko lang,,, (emo?) hehe.

      Delete
  7. Rumarandom at vimivideo oh. Wow ikaw na. Pinangarap ko din maging prom king. Unang basa ko sa Prom ay Porn... haha ewan ko ba? LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas sanay kasi nakakakita ng PORN mata mo tol! haha

      Delete
  8. ikaw na naging king of the night... hahaha .. di ko naexperience yang JS JS na yan . kawawa naman ako. hehe

    Kawawa naman yung mga doggies.

    Epic ang graduation song. *evilaugh*

    ReplyDelete
    Replies
    1. may trophy at sash pang kasama yun tol. at talagang tinago ko pa. haha.

      ayaw mo ng jubilee song? ganda kaya! *mas evilaugh*

      tnx for dropping by pala!

      Delete
  9. ang lupet talaga pag may auto ang isang katropa. haha. masaya magroadtrip!

    kwento mo naman yung pagiging King of porn este prom mo. XD

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p