Sunday, March 10, 2013

Baduy


Time Check: 4:20 PM


Saturday.


Waddup peepz? Bakasyon galore pa rin ang lolo nyo kaya eto, tambay pa din. Wala masyadong ganap lately dahil bukod sa ilang araw na'ko nakakulong sa bahay, wala din masyado budget para gumala ang isang hampaslupang kagaya ko. Homebuddy lang ang peg ko ngayon.


Medyo interesting ang topic natin today. Kung nagtataka ka kung ano, tignan mo ulit ang title para magka-idea ka. Huwag tatanga-tanga. (bully lang? haha)


Kailan mo nga ba talaga masasabi na baduy ang isang bagay? Or ang isang tao? Pangyayari?


Well, sabi ng www.urbandictionary.com,



Weh?! 'Di nga? Sa pananamit lang ba?


Para sa'kin, ang baduy word ay imbento lang ng mga taong hindi maka-ride sa trip ng kapwa nito.


For example, hiphoppers. Sa get up pa lang na lahat ay maluwang, malamang ay masabi mong baduy siya dahil 'di mo masakyan ang trip niya. Well, para sa taong iyon, hiphop ang cool so malamang iniisip din niya na baduy ka dahil hindi mo masakyan ang trip niya. Na para sa kanya ay cool. "IN" kumbaga. So patas lang. Which may mean na lahat pala tayo ay baduy. Depende sa taong nakakasalamuha mo.





Hindi lang siguro sa pananamit applicable ang salitang baduy. Pwede din siguro siya i-associate sa trip mong music genre.


Ibalik natin sa hiphop. So malamang, ang isang hiphopper, hiphop din trip niyang music. Rock naman sa rakista. Pop naman trip ng iba. RNB or OPM sa iba. Ako, kahit ano lang, basta maganda sa pandinig. Kung trip mo ang rock music, malamang ay baduy pakinggan ang pop or hiphop para sayo. Or vice versa. So patas lang pala. Ibig sabihin, kahit sa choice of music, baduy pa din tayong lahat. Haha.


Meron naman ibang tao na ayaw manood ng local films. Baduy daw kase. Gusto lahat ng pinapanood ay kung ano ang patok sa hollywood. Or kahit hinde, basta ba english eh yun ang papanoorin niya over a john lloyd and bea movie. Maging sa TV, ayaw ng local TV shows. Gusto lahat ng pinapanood ay iyong nasa cable. US TV shows at series. Hmmm...


To sum it all up, ang isang bagay ay nasasabing baduy ng isang tao kapag 'di ito pasok sa kanyang taste. Or dapat pasok sa uso or "IN" para 'di masabing baduy. Well, para sa'kin, ang baduy ay iyong mga taong walang sariling paninindigan. Iyong mga sunod sa uso lamang. Mga walang sariling opinion. Gaya-gaya. Masabi lang na COOL! Leche!


Kanya-kanyang trip lang talaga siguro. Mas maganda eh yung walang pakialamanan. Ika nga e, mind your own monkey business. Basta wala ka naaapakan or nasasagasaang ibang tao sa trip mo ay COOL iyon. Agree?


Isa lang talaga siguro ang baduy. At iyon ang post na'to! Hahaha!


Ah yeah!

Thursday, March 7, 2013

Tambay


Time Check: 11:50 PM

Sunday.

Ilang days na rin akong tambay sa bahay. Kain-tulog-FB-Twitter-Instagram lang ginagawa. Jobless na kasi ako. Which is pinapangarap ko maging nung nagtatrabaho pa'ko dahil senyorito lang ang peg. Sarap buhay lang. Walang boss. Walang scheduled break. Sobrang bawi sa tulog. Ganyan. Tumaba nga ako lalo eh.

Ayokong idetalye kung bakit jobless ako ngayon. Basta lang. Hehe. 'Di naman ako bitter dahil choice ko din naman 'to. Naisip ko lang kasi na parang tama lang siguro 'to. Sa ngayon. Kailangan ko lang siguro bigyan ng time ang sarili ko na magmuni-muni at mag-isip ng mabuti kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. I'm not getting any younger anymore. Kung gusto ko umasenso sa buhay, dapat simulan ko na. Now na.

Sa call center previous job ko. First job ko actually. Technical Support Representative for almost 6 years. At isa akong licensed ECE. So anong ginagawa ko dun? Well, ganito kasi yan...

Pagkapasa ko nung ECE licensure exam nung November 2006, nagpahinga muna ako ng almost 2 months bago nagjob-hunt. Bakasyon galore. After ng pahingang iyon, lumuwas ako ng maynila at nagjobhunt habang nakikitira sa pinsan ko ng almost 2 months. Dami ko inaplayan. It's either 'di ako natanggap, 'di pumasa sa interview, at 'di nagkasundo sa mababang offer na sweldo. Andami ko pa kasing arte noon. Ayun, umuwi akong bigo sa pampanga at nagbakasyon galore ulit.

Malapit lang bahay namin sa Clark, and since madaming call center na nagsulputan noon, doon ako bumagsak. And the rest is history.

Hindi ko pinagsisisihan na tumagal ako ng 6 years sa call center kahit sabihing sayang naman pagiging engineer ko. 'Di po ako nagyayabang kapag sinasabi kong engineer ako dahil totoo naman. Kagaya ng pagpuri ko sa sarili ko na pogi ako. Haha. Nasabi kong 'di ako nagsisisi dahil unang-una, gumaling ako sa english. Lalo na-develop communication skills ko. Ang vocabulary ko hindi basta nauubos, pero ang accent ko, konting-konti na lang. (One More Try? Haha). Totoo yan, ' di sa pagmamayabang pero madami sa mga kano na nakakausap ko dati ay laging pinupuri ang english ko. Naman! (Talking about pagbubuhat ng sariling bangko. Hehe).

Isa pang pinagpapasalamat ko sa pagkakapasok ko sa kumpanyang dati kong pinagtatrabauhan ay ang sobrang daming kaibigan nakilala ko doon. Kaya nung last days ko na lang sa trabaho ay lagi akong emo dahil ang bigat sa dibdib na isiping ang mga taong nakasanayan mong kasama araw-araw sa loob ng ilang taon ay baka hindi mo na makita ulit. Hay...

Ayun. So ngayon, what's next na for me? Well, pahinga pa ng ilang days tapos raratsada na. This time, magiging engineer na talaga ko. Sana swertihin. Hihi.

Wish me luck guys!

Ah yeah!



P.S.: Sira ang desktop ko kaya sa cellphone ko lang ni-type ang post na'to. Nababasa ko naman post ng mga kaibigang blogger gamit ang google reader pero 'di lang ako makapag-iwan ng comment. ayyn lang. hehe.