Thursday, March 7, 2013
Tambay
Time Check: 11:50 PM
Sunday.
Ilang days na rin akong tambay sa bahay. Kain-tulog-FB-Twitter-Instagram lang ginagawa. Jobless na kasi ako. Which is pinapangarap ko maging nung nagtatrabaho pa'ko dahil senyorito lang ang peg. Sarap buhay lang. Walang boss. Walang scheduled break. Sobrang bawi sa tulog. Ganyan. Tumaba nga ako lalo eh.
Ayokong idetalye kung bakit jobless ako ngayon. Basta lang. Hehe. 'Di naman ako bitter dahil choice ko din naman 'to. Naisip ko lang kasi na parang tama lang siguro 'to. Sa ngayon. Kailangan ko lang siguro bigyan ng time ang sarili ko na magmuni-muni at mag-isip ng mabuti kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. I'm not getting any younger anymore. Kung gusto ko umasenso sa buhay, dapat simulan ko na. Now na.
Sa call center previous job ko. First job ko actually. Technical Support Representative for almost 6 years. At isa akong licensed ECE. So anong ginagawa ko dun? Well, ganito kasi yan...
Pagkapasa ko nung ECE licensure exam nung November 2006, nagpahinga muna ako ng almost 2 months bago nagjob-hunt. Bakasyon galore. After ng pahingang iyon, lumuwas ako ng maynila at nagjobhunt habang nakikitira sa pinsan ko ng almost 2 months. Dami ko inaplayan. It's either 'di ako natanggap, 'di pumasa sa interview, at 'di nagkasundo sa mababang offer na sweldo. Andami ko pa kasing arte noon. Ayun, umuwi akong bigo sa pampanga at nagbakasyon galore ulit.
Malapit lang bahay namin sa Clark, and since madaming call center na nagsulputan noon, doon ako bumagsak. And the rest is history.
Hindi ko pinagsisisihan na tumagal ako ng 6 years sa call center kahit sabihing sayang naman pagiging engineer ko. 'Di po ako nagyayabang kapag sinasabi kong engineer ako dahil totoo naman. Kagaya ng pagpuri ko sa sarili ko na pogi ako. Haha. Nasabi kong 'di ako nagsisisi dahil unang-una, gumaling ako sa english. Lalo na-develop communication skills ko. Ang vocabulary ko hindi basta nauubos, pero ang accent ko, konting-konti na lang. (One More Try? Haha). Totoo yan, ' di sa pagmamayabang pero madami sa mga kano na nakakausap ko dati ay laging pinupuri ang english ko. Naman! (Talking about pagbubuhat ng sariling bangko. Hehe).
Isa pang pinagpapasalamat ko sa pagkakapasok ko sa kumpanyang dati kong pinagtatrabauhan ay ang sobrang daming kaibigan nakilala ko doon. Kaya nung last days ko na lang sa trabaho ay lagi akong emo dahil ang bigat sa dibdib na isiping ang mga taong nakasanayan mong kasama araw-araw sa loob ng ilang taon ay baka hindi mo na makita ulit. Hay...
Ayun. So ngayon, what's next na for me? Well, pahinga pa ng ilang days tapos raratsada na. This time, magiging engineer na talaga ko. Sana swertihin. Hihi.
Wish me luck guys!
Ah yeah!
P.S.: Sira ang desktop ko kaya sa cellphone ko lang ni-type ang post na'to. Nababasa ko naman post ng mga kaibigang blogger gamit ang google reader pero 'di lang ako makapag-iwan ng comment. ayyn lang. hehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ser denggoy, welcome back.
ReplyDeleteAng mawalan ng trabaho ay maganda sa puso hanggang sa isang taon lang. More than that unhealthy na maging bum. Lol.
Go go go sa pagiging inhinyero!
Ser denggoy, welcome back.
ReplyDeleteAng mawalan ng trabaho ay maganda sa puso hanggang sa isang taon lang. More than that unhealthy na maging bum. Lol.
Go go go sa pagiging inhinyero!
" Ang vocabulary ko hindi basta nauubos, pero ang accent ko, konting-konti na lang. " nyahaha applicable ata sa akin ito :).
ReplyDeleteWish you luck sa job hunt at naway ay palarin kang sa paghahanap ng bonggang bonggang work bilang mahusay na engineer eheh.
natawa ako. talagang siningit ang linya ng one more try. hahaha!
ReplyDeletegood luck sa paghahanap ng trabaho bilang engineer. :D
Sayang talaga yung pagiging licensed engineer mo. Pero ganyan talaga ang buhay, maraming mismatched ang trabaho, in Cynthia Villar's words, ang mga licensed nurse di na kailangang magkaroon ng license dahil magiging room nurse lang naman sila. LOL!
ReplyDeleteAyan nah, maipa-practice mo din sa wakas ang mga natutunan mo sa Engineering school. Goodluck parekoy!
ReplyDeleteBasta naging masaya sir, walang pagsisisi. Kung hindi man naging angkop ang iyong trabaho sa iyong tinapos na kurso, ano pa bang bago dito sa Pinas? Haha, ako din hindi na umaasa na makakapasok pa ng naaayon sa aking kurso na tinatapos ngayon, pero magbabakasakali. Ang mahalaga ay may maitulong sa magulang at matuto ng bago :)
ReplyDeletewell ako ilang taon nang tambay haha!
ReplyDeleteneed na din mag hanap ng work! haha
anyways good luck parekoy lam ko kaya mo yan!
yan na yung shot mo para magamit ung course mo ehehe
Hala sayang naman ang pgiging ECE mo! Nako big time yan ganyan ah. Hanap ka nalang ng para talaga sa natapos mo sayang naman kasi if sa call cnter mo bubunuin yun years mo mo :_)
ReplyDeleteGood luck.. Apir! Same here... Sasabak na ko sa totoong propesyon ko after almost... 6 years din... but unlike yours, wla ko pahinga..hahaha last day ng April 2, first day of school sa masters, April 3...wahahah.... kumusta naman si body clock diba.. at hindi ko talaga naisip magpahinga man lang.. pakabasa ko ng post mo, bat nga ba hindi ako nagpahinga man lang before the new venture....
ReplyDeleteGood Luck par! Enjoy Enjoy kapa..i agree na hndi naman sayang ang pagttrabaho sa callcenter since marami ka din malalaman and for sure if before hndi kapa gaanong hasa sa interview ngaun i bet kaw ang magdadala ng conversation nyo and might demand for a higher pay..haha take care and God bless!
ReplyDeleteGood Luck Par! i agree with you na hindi naman nakakasisi ang magtrabaho sa callcenter kasi madami ka rin matututunan and this time sa interview mo you might able to demand and convince them to give you a higher pay.. take care and Godbless you always..
ReplyDelete