Sunday, March 10, 2013
Baduy
Time Check: 4:20 PM
Saturday.
Waddup peepz? Bakasyon galore pa rin ang lolo nyo kaya eto, tambay pa din. Wala masyadong ganap lately dahil bukod sa ilang araw na'ko nakakulong sa bahay, wala din masyado budget para gumala ang isang hampaslupang kagaya ko. Homebuddy lang ang peg ko ngayon.
Medyo interesting ang topic natin today. Kung nagtataka ka kung ano, tignan mo ulit ang title para magka-idea ka. Huwag tatanga-tanga. (bully lang? haha)
Kailan mo nga ba talaga masasabi na baduy ang isang bagay? Or ang isang tao? Pangyayari?
Well, sabi ng www.urbandictionary.com,
Weh?! 'Di nga? Sa pananamit lang ba?
Para sa'kin, ang baduy word ay imbento lang ng mga taong hindi maka-ride sa trip ng kapwa nito.
For example, hiphoppers. Sa get up pa lang na lahat ay maluwang, malamang ay masabi mong baduy siya dahil 'di mo masakyan ang trip niya. Well, para sa taong iyon, hiphop ang cool so malamang iniisip din niya na baduy ka dahil hindi mo masakyan ang trip niya. Na para sa kanya ay cool. "IN" kumbaga. So patas lang. Which may mean na lahat pala tayo ay baduy. Depende sa taong nakakasalamuha mo.
Hindi lang siguro sa pananamit applicable ang salitang baduy. Pwede din siguro siya i-associate sa trip mong music genre.
Ibalik natin sa hiphop. So malamang, ang isang hiphopper, hiphop din trip niyang music. Rock naman sa rakista. Pop naman trip ng iba. RNB or OPM sa iba. Ako, kahit ano lang, basta maganda sa pandinig. Kung trip mo ang rock music, malamang ay baduy pakinggan ang pop or hiphop para sayo. Or vice versa. So patas lang pala. Ibig sabihin, kahit sa choice of music, baduy pa din tayong lahat. Haha.
Meron naman ibang tao na ayaw manood ng local films. Baduy daw kase. Gusto lahat ng pinapanood ay kung ano ang patok sa hollywood. Or kahit hinde, basta ba english eh yun ang papanoorin niya over a john lloyd and bea movie. Maging sa TV, ayaw ng local TV shows. Gusto lahat ng pinapanood ay iyong nasa cable. US TV shows at series. Hmmm...
To sum it all up, ang isang bagay ay nasasabing baduy ng isang tao kapag 'di ito pasok sa kanyang taste. Or dapat pasok sa uso or "IN" para 'di masabing baduy. Well, para sa'kin, ang baduy ay iyong mga taong walang sariling paninindigan. Iyong mga sunod sa uso lamang. Mga walang sariling opinion. Gaya-gaya. Masabi lang na COOL! Leche!
Kanya-kanyang trip lang talaga siguro. Mas maganda eh yung walang pakialamanan. Ika nga e, mind your own monkey business. Basta wala ka naaapakan or nasasagasaang ibang tao sa trip mo ay COOL iyon. Agree?
Isa lang talaga siguro ang baduy. At iyon ang post na'to! Hahaha!
Ah yeah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
basta kung ano ang trip mo walang basagan kasi kapag binasag mo ang trip, sigurado basag ang nguso mo... hihihi joke lang :D
ReplyDelete:-) baduy bah tong post mo? Eh ano yung in? Para sakin wlang baduy. Meron lang oa at makitid ang utak
ReplyDelete:-) baduy bah tong post mo? Eh ano yung in? Para sakin wlang baduy. Meron lang oa at makitid ang utak
ReplyDeletehaha well sa tingin ko lang ahh ung kabaduyan minsan ee being true to your self lang pero
ReplyDeleteminsan talagang unconscious lang sa pananamit
Agree! Kanya-kanyang trip basta wala naaapakan. Wag na lang pansinin kung sasabihan kang baduy. LOL
ReplyDeleteuso na ngayon ang maging unique, mapa sa pananamit man or sa taste mo sa ibang bagay. bring out your own individuality. walang taong baduy!=D
ReplyDeleteMasakit sa mata ang badudles manamit hahaha
ReplyDeleteGets ko ang point mo, makes perfect sense Denggoy :)
ReplyDeleteParang sa religion lang, pointless na sabihin o isipin natin na mali ang paniniwala ng iba, kasi paniniwala nila yun. Ayaw din naman nating ganun ang isipin nila sa paniniwala natin. So respecto na lang at pagtangap. Kailangan minsan malawak talaga ang pag iisip at willing tumangap at wag mang husga - sa pananamit, paniniwala, sa madaming bagay.
Dahil dyan, naniwala akong baduy tayong lahat, mabuhay ang mga baduy! :)
MABUHAY!!! lol
Deleteang ganda lang kasi ng comment mo Zai in na in hindi baduy ;)
May alamat yan eh, ang alamat ng baduy. Noong araw daw ay magkakasundo ang mga mananahi sa isang lugar. Tpos may dumating na mayaman na lalaki, nagpagawa siya ng mamahaling damit sa isang mananahi. Isang demonyo ang nagsulsol sa isa pang mananahi na bakit daw siya ang piniling manahi ng damit ng mayaman na lalake. Siniraan niya ang gawa ng napiling mananahi, sinabihan niya ng dabuy, dabuy. Hanggang sa tumagal ay naging baduy na ang term. Baduy ng kwento, soli bayad.
ReplyDeleteSangayon sa walang sariling opinyon. Bsta ibinigay lang ang gustong makita or marinig ng nakararami, masabi lang nila na astig dahil sa IN ang gawa.
soli bayad nga tonyo! ha ha ha
Deletesoli bayad din! hahaha!
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenatawa ako sa huling banat. XD
ReplyDeletejudgmental lang sigoor masyado ang utak at mata ng tao kya naimbento ang salitang yan. Baduy or Unique or watever. whahahha . basta ganun.
ang baduy din ng comment ko :3
walang basagan ng trip, mukha na lang... hahahaha.. Dapat anything goes kung san ka komportable at kung anong relaxing. Yung mga na-isstress, inggit lang yan.. haha
ReplyDeletehello baduy! este denggoy! lol
ReplyDeletesimple lang yan eh - kung san ka masaya dun ka! kahit pa maging hari or reyna ka ng kabaduyan kung feeling mo naman ay masaya ka, go lang ng go!
salamat ngapala sa pic greet mong may pagka-porn star LOL! may coming post ako dun :)
wag lang magpa apekto.... kaya kanyang gusto lang yan...ang mahalaga wala kang tinatapakang tao...
ReplyDeletekahit pa baduy ka sa tingin ng iba....
sana maka join ka sa kwento ni nanay... thanks ^^
Deletedepende naman sa ibang tao ano ang pag intindi nila sa term na baduy eh. in a positive thinking naman, its just ur fashion and the way u are comfy with, why not.
ReplyDeleteEven pagiging baduy is subjective. hahah!
ReplyDeleteCOOL! So baduy at in ako at the same time? Hahaha.
ReplyDeletekailangan bukas ang isip lagi at wag mang label ng baduy, kasi malay mo para sa iba pala, ikaw naman ang baduy :) dapat cool lang ang tingin mo sa lahat, kanya kanyang trip. Kaya ang post mong to Denggoy ay hindi baduy, ito ay cool!!! :)
ReplyDeleteWe all have our share of our pagiging baduy hehehe..
ReplyDeleteBut who cares di ba? :)
http://direkaleckx01.blogspot.com/