Tuesday, July 23, 2013

The Return of the Comeback!


Time Check: 1:07 AM


Tuesday.


Tagal ko na rin pala walang post. Wala kasi mai-blog lately. Taong-bahay kase. Eh lamon-tulog-candycrush lang kasi routine ko everyday, alangan namang iyon ang i-blog ko parati. Tambay-Pogi pa din kasi ako. You know. Namimili pa kasi ako ng magandang role sa mga inooffer saken. Para pasabog ang comeback! Hahaha! Artista lang?


Dahil sa mahabang pahinga bunga ng katamaran, tumaba ako. Nawala six-pack abs ko. Ab na lang natira. Parang yung picture sa baba.

This is an EXAMPLE!

Maliwanag po. Example lang yung picture. Di ko tiyan yan!!! Maliit naman ng konte yung saken diyan! ☺☺☺


Anyway.


Natutuwa ako na kahit 'di ko na masyado nabibisita at naa-update ang blog na'to e may mangilan-ngilan pa rin ang naliligaw at nagbabasa. Nakakataba din ng etits puso na ang ilan sa mga kaibigan/kakilala/ka-FB/ka-twitter/kasama-sa-work-dati/kamag-anak/kaplastikan ay nagtatanong kung bakit 'di ko na inaa-update ang walang kwenta kong blog at excited much kuno sila na magbasa ng mga bagong entry. Pwes, eto na! Pa-redhorse kasi kayo para ganahan ako magblog! Hahaha!


Ang ilan sa mga naligaw sa blog ko di past few months, eto ang mga search keywords na ginamit nila sa google para sila ay mapunta dito.



Susmaryosep! Ang wholesome ng blog ko pero bakit dito dinadala ng google ang mga hinayupak na gustong magjak**!!! See? I can't even type the whole J word!!! Ganon ako ka-wholesome!!! Hehehe!


Naadik din ako tulad ng marami sa inyo sa candy crush saga.



Level 362. 'Di na masama. Hehe.


Isa na din ako sa mga nawili sa panonood kay aling maliit. Sakto kasi sa oras ng paggising ko sa umaga yung palabas niya.

 
Look up pose!


Syempre, meron din ako!!! Nakalkal from lumang baul ng pictures.



Oha! Look up pero nakatingin sa camera! Hehehe!


Lastly, masaya ako. May nagpapasaya sa'ken. Ayoko sabihin kung sino. Sikretong malupet!


Hahaha!


Ktnxbye!


Ah yeah!



4 comments:

  1. ang pangit mo sa "look-up" pose mo kuno. pero nakakakilig kasi may nagpapasaya sayo. Hehehehe

    ReplyDelete
  2. Dropping by to say Hi! and THANK YOU for being a part of my fruitful two years!

    Cheers!

    ReplyDelete
  3. welcome back sir! Mainam yang may nagpapasaya sayo :) Napapasulat ka din! Pasaya pa more!

    ReplyDelete
  4. kaya pala walang update hahaha. Ano bang role ang gusto mo pang aksyon? lolz

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p