Time Check: 2:20 PM
Tuesday.
Siyam na araw bago ako nakapag-update. Busy sa taping e, sensya na. Haha.
Nabanggit ko sa previous post ko na nagbirthday ako nung isang araw. Wala naman masyadong handa. Konting inuman lang.
bday boi sa dulo!
Anyway. Enough of that birthday.
Tuwing OFF ko lang sa work ako lagi nakakagawa ng entry. Ako na pumansin sa sarili kong routine dahil wala naman nakakapansing iba. Hehe. Dahil siguro kapag OFF ko ay wala masyado iniisip kaya ganado magtype. Magcompose. Gumawa ng kwentong kalokohan.
Pagkacheck ko ng chwirrer (twitter) account ko kanina, nabigla ako dahil from less than 20 followers nung last check ko (2-3 weeks ago), biglang may almost 200 followers nako. Oha! Feeling sikat? Artista? Haha. Tsaka ko lang naalala na nung last pala akong naglogin, kung sino-sino na lang finollow ko. Ayun. Nakarami. Harhar. Ma-unfollow nga ulit sila later.
Sa Fezbuk naman, ganun pa din. Same old, same old. Merong friend mo nga, 'di naman kayo nagpapansinan. 'Yung pakiramdam mo eh display ka lang sa Friends list niya. Masabi lang na madami siyang friends. At dahil dito, mag-a-unfriend ako later. Madami. Joke.
Minsan, trip ko lang din tumambay sa FB wall at pansinin, basahin, laitin, ang wall post ng iba kong friends. Oha. Kontrabida. Pero 'di naman umaabot sa point na nagcocomment ako para mamahiya ng tao. That's bad. Nila-like ko na lang, then after a few minutes, ia-unlike ko din. Haha.
Merong babati ng hapi bertday sa lolo/lola niya, eh wala namang fezbuk yung binabati. Anu kaya yun? Or merong nag-a-update ng status na parang bitin na sentence/phrase na nakadugtong sa pangalan nila, parang ganito: "is kumakain ng ice cream" or "is wala sa mood" or "is nasa starbucks at nagsosocial climb" or "is tumatae sa plato then kakainin later" or "is umutot sa kamay at pinaamoy sa katabi". Nyeta. May maipost lang?!
Meron din iba na ang tapang-tapang sa FB wall. Usong-uso sa FB wall ang magparining sa taong kinaiinisan or magpost na patamang kowts sa naglalandi sa kani-kanilang jowa. Buti pa yung mga ganong post e naeenjoy ko. Exciting. Tapos may magcocomment na manggagatong pa or madalas, magbibigay ng clue kung sino yung pinaparinggan. Updated ka kaagad sa latest shobis happenings! Lakas maka-chika minute! Hehe.
Meron din namang puro kaampalayahan ang post. Bitterness. Instead na problema ang bilangin, ba't 'di nila i-try bilangin ang blessings nila. Oha. Pumapayo. Hehe.
Meron ding nakakaawa. 'Yung mga post na kung ano-ano lang tapos sila lang din ang nagla-like ng sarili nilang post. Tsk. Tsk. Kawawa naman. Para ka lang bumili ng bagong damit, pinakita mo sa friends mo, tapos dedma lang sila.
Baka sabihin naman nagpapakakontrobersyal ako kaya ko pinost to. Hindi po. Malamang napapansin nyo din mga yan. Ayaw nyo lang aminin sa sarili nyo na naiinis/naasar din kayo minsan. Hehe. Basta ang importante, "We should exist in this world not to impress people, but to live your life the way you want it". Kumo-quotable quote? Hehe. Maganda siguro dedma na lang, kanya-kanyang trip yan e. Huwag masyado paapekto. Ewan ko ba ba't nagpapaapekto ako. Haha.
Ah yeah!
Disclaimer: Ang mga nabanggit sa taas ay aking obserbasyon lang po at wala akong pinatatamaang specific na tao. Kung may FB friend man ako na makabasa nito at feeling mo ay tinamaan ka sa mga nabanggit, buti nga sa'yo! Haha. Joke. Peace tayo!
eh kumusta naman yung lahat ng ginagawa nya every minute ata pinopost sa FB..may fb friend akong ganyan..haha.. napaka-pathetic lang ng paglilike sa sariling status at sya na rin nag-comment hehehe..
ReplyDeletebelated happy birthday :)
konting inuman daw o. konti ba yun?
ReplyDeletehaha, same din pala tayo ng mga napapansin about sa FB wall posts lols... ganyan din sa fb account ko, pampahaba ng scroll bar sa gilid yung santambak na status update kuno na puro ewan lang naman ang nakalagay haha. kaya ang ginagawa ko, ini-edit ko ung option para next time, di na lumabas sa wall ko ung mga walang kwentang statuses nila hahaha! nakaka bad trip eh. ang haba ng iiscroll down mo bago mo makita ung topic/status na interested ka haha... affected much? ahaha!
ReplyDeletedami sa FB pwens ko ang nasapul! haha. pati pala ako. lol.
ReplyDeletemay pwen ako na mahilig mag post ng pics tapos ila-like niya. Tapos ila-like niya pa ulet gamit yung isa niya pang account. Forever alone lang?
Pero tama ka, kanya-kanyang trip lang yan! XD
Kadiri yung tuma*** sa plato at ***tot. grabe! iyun pa napansin ko. Finallow mo pala ako sa twitter. finallow din kita. iunfollow kita mamaya. joke. lol
ReplyDeleteoist denggoy. daan ako mamaya/. ang haba ng post. hehehe. nasa office kasi ;-) nakikiblog. nakaka aliw kasi ng ibang mga post gaya nitong mga post mo
ReplyDeletejust me,
www.phioxee.com
sapul me here... hahaha
ReplyDeleteok lng di naman lahat... yung iba lang.
bagotilyo is at home reading blog. lels
I have good friends liking their own posts. at naiininis ako twing ginagawa nila yun. pero siguro kanya-kanyang trip lang, dahil wala namang mali at tama, kanya kanyang pananaw lang.
ReplyDeletehahaha... kawawa nga eh... mga loner sila din mismo nagla-like ng posts nila... epal lang! hahaha.
ReplyDeletetapos meron pa ung wala ng ibang ginawa kundi mag-post ng mga pics lang nila, at pauli ulit lang na sila... tapos minsan dahil dslr cam eh akala nila model na sila... feeling nila ang ganda na nila, marami lang nag-like... pero sa academics nganga! puro pagpapaganda ginagawa.. hehehehe