Friday, September 7, 2012

Pabiling Marboro Layts!


Time Check: 12:45 PM


Friday.


Hong init lang sa labas. Buti na lang di gaanong pumapasok ang init dito sa kwarto. Actually mainit din dito sa kwarto. Pero kakaibang init naman yung nandito. Init na galing sa akin. Sa "hotness" ko! Haha.


Kakatapos ko lang magblog-hop. Kaya naman, ready na'ko gumawa ng sarili kong entry dahil nakapulot na'ko ng topic. Haha. Joke. Tito Sotto lang ang peg.


Lately, laging nababanggit si Tito Sen sa posts ng ilang kaibigan nating bloggers (feeling close? haha.), sa blogspot man o sa wordpress. Sigurado akong lahat naman tayo ay aware kung ano yung issue kaya I won't elaborate anymore. Basta ang akin lang ay, "ang kay pedro ay kay pedro", at kung gusto mong gamitin ang kay pedro, humingi ng pahintulot. Ano ba naman yung simpleng "pahiram". For sure, maiintindihan ni pedro yun. Edi sana, walang issue. Hay. Katangahan.


Anyway.


Nagyoyosi ka ba? Kung Oo, mabuti naman. Kung hindi naman, aba'y mas lalong mabuti. Good for you and for your health. Yun nga lang, base sa recent studies, mas nauunang nadededo ang mga non-smoker sa mga smoker na kagaya ko. Haha. You want proof? Click this link --o> HERE


Haha. Syempre joke lang yun. I would say, smoking is harmful regardless of how little you smoke. Ako, siguro 10-15 sticks kaya ko maubos in a day. Para sa'ken, moderate lang yun. Iba nga diyan e kaha-kaha ang inuubos araw-araw.'Di ko kaya yun. Bukod sa magastos, e kawawa naman ang aking mga naninilaw ng teeth. Haha.


Tatlo ang klase ng smokers na alam ko. Moderate, Occasional, at Heavy smokers. Ita-try ko sila i-describe bawat isa.


Moderate smokers. I guess I fall in this category. Tamang yosi lang. Isang stick pagkagising, isa ulit bago pumasok ng work. Tapos, isang yosi ulit kapag break sa work. Isa ulit pagkatapos maglunch. Then, sa last break. Bago umuwi. Pagkatapos magdinner. At lastly, bago matulog. So more or less, 10 sticks a day nga. Sakto lang.


Meron ding tinatawag na occasional smokers. Mga hithit-buga. Pagkasipsip ng usok, buga agad. 'Di na pinapadaan sa lungs. Yun yung mga nagyoyosi lang kapag may okasyon like birthday, kasal, binyag, fiesta, etc.. Haha. Joke. Sila yung hindi araw-araw magyosi. For example, once or twice a week. Ganon. Or kapag feel lang nila lumaklak ng usok. Ayun.


Heavy or Chain Smokers eh yung mga hindi nagpapahinga ang bunganga sa kakahithit-buga ng usok. Sunog-baga. Yung hindi na makuhang gumamit ng lighter dahil ang ipansisindi niya sa bagong yosi ay yung upos ng kakaubos lang niyang yosi. Dahil sugapa sa yosi, karaniwang yosi nila ay iyong mumurahin (champion, hope, fortune, bowling gold, mark, etc.). Ganyan. At syempre, ang mga teeth, siguradong may missing in action. Fill-in the blanks. One seat apart. Or laging may absent. Haha.


Isang advantage para sa'ken ng yosi ay pampawala ng antok. Dahil sa graveyard ang laging schedule ko sa work, yosi ang madalas kong atupagin kapag breaktime. Also, parang di kumpleto ang busog ko kung 'di ako magyoyosi  pagkatapos kumain. Naka-relate ka no?! Hehe.Masarap din magyosi kapag stressed ka. Effective pampaalis kaba at nerbiyos. At etong last reason ko, sigurado maraming mag-aagree. Isa sa pinakamasarap na oras ng pagyosi ay kapag tumatae NAGJEJEBS ka. Heaven ang sarap kapag pinagsabay mo ang pag-iri at pagbuga ng usok. Da best! Haha.


Sabi nga nila, mas deadly pa daw ang second hand na smoke. Yun yung smoke na nalalanghap ng isang non-smoker sa isang smoker na kagaya ko. Oha! Kaya ano pang hinihintay mo! Start ka na! Haha. Joke lang po.


Kung kaya mong mag-drink moderately kapag umiinom ka, dapat ay kaya mo ding mag-smoke moderately. Everything in excess of moderate is harmful.  


I guess, kanya-kanyang trip yan. Basta walang basagan ng trip. Orayt?!


Ah Yeah!


________________________


P.S.


May nakalimutan akong i-include na klase ng smoker. Iyong mga "parasite". Everytime na lang kasama mong magyoyosi break, e hingi ng hingi. Hindi naman sa pagiging madamot, pero kung gusto mo magbisyo, dapat may pambili ka. Hindi yung binigyan mo na nga ng yosi, pinahiram mo na ng lighter, hihingi pa ng candy sa'yo! Spolied lang? Kapal di'ba? Hehe.


Wala ako pinapatamaan sa statement na'to. Ngayon kung feeling mo e nasapul ka, buti nga sa'yo! Haha!



23 comments:

  1. Naku, hindi ako naninigarilyo pareng denggoy. nasubukan ko na pero hindi ko nahiligan eh. saka, sampung sticks? madami na kaya yun. hinay-hinay lang... mas masarap kumain. hehe

    Balita ko eh nagaayos na si pareng Asiong ng meet-up ah. Naku, kung nagkataon, magsasama-sama ang mga heartthrobs ng blogging community... at sabay-sabay din tayo makikidlatan! bwahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga tol. Lakwatsa daw. Sabi ko siya mag-set ng araw tsaka niya tayo kontakin. Hehe.

      Delete
    2. hearthrobs?!? parang di ata ako kasali dun ah..hahaha
      nakuha ko na contact ni pareng nightcrawler ngayon lang. itetext ko xa mamaya. pareng denggoy, anu pala day off para alam kong magset ng araw?

      Delete
  2. Nagtry akong magyosi. Actually natuto ako pero wala ako sa mga nabanggit na qualification kasi di naman talaga ako nagyoyosi. hehe. Kahit dito sa opis daming nagyoyosi.

    Tanong po kaano-ano c overthinker palaboy? Kasi pareho kau ng surname. lol Wala lang. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ah si overthinker? bale yung pinsan ng tita ng lola ng kapitbahay niya ay fourth cousin ng lolo ng stepfather ng brother-in-law ng tatay ko. hehe. nagkataon lang siguro na pareho kaming palaboy. ;)

      Delete
    2. Haha. Napansin mo rin ser archieviner. Bale yung pinsan ng tita ng lola ng kapitbahay ko ay fourth cousin ng lolo ng stepfather ng brother-in-law ng tatay ni ser denggoy. Sana naliwanagan ka :)

      Delete
  3. Replies
    1. EB daw ng mga heartthrob! haha! sama ka pag-uwi mo! hehe!

      Delete
  4. shit! naka blocked ang link kung ano man yan. Agree ako na deadly ang second hand smoke dahil ramdam ko yan sa tuwing si tatang na room mate ko nag susunog baga noon.buti na lang medyo namahinga ako sa usok na bigay niya dahil bihira na siyang umuwi. Ayos, may natutunan ako sa tatlong klaseng smookers na ibinahagi mo. kung pwedi naman pala yong wag nag idadaan sa baga tamang maka relate lang sa nagaalok
    talo-talo na. At bigla akong nakaramdam ng awa sa chain smoker.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayang tol at di mo na-view yung link. you've just missed half of your life. haha. joke. kung non-smoker ka, mas mabuti talagang wag ka na lang mag-smoke pa, kasi ang hirap alisin. hehe.

      Delete
  5. Hindi ako nagyoyosi pero parang naging 2nd hand smoker dahil dun sa room mate ko dati. wala lungs. share lungs.

    hindi ko maimagine yung amoy ng pinagsamang jerbaks at usok. nakakakiliti ba ng nosetrils? lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yosi at jerbaks at the same time? heaven tol. try mo minsan. haha.

      Delete
  6. ako, sikreto lang na nagyoyosi. wla lang, baka ma-disappoint yung mga taong nagmamahal sakin. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. malay mo pag nalaman nila imbes na madisappoint e lalo silang maging mas proud sa'yo. haha. tnx sa pagdalaw.

      Delete
  7. Kaya dapat ipasa na yung Sin Tax Bill. Para yung mga moderate smokers katulad natin eh mabawas-bawasan na ang kakayosi. Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapag naipasa yon, tiyak marami mangangayayat. imbes na pangkaen, pambibilli na lang nila ng yosi. haha.

      idol! tnx sa pagdalaw at higit sa lahat, sa pagfollow. ang lulupit ng mga posts mo. ;)

      Delete
  8. Naku hindi ako smoker eh... pero nasubukan ko na yan, isang beses lang hehe... malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali ehehehe ^_^

    ReplyDelete
  9. naku hindi ako smoker eh... pero nasubukan ko na din yan dati pero isang beses lang. Malaki ka na, alam mo na ang tama sa mali ehehehe ^_^

    ReplyDelete
  10. I tried smoking when I was five. Didn't like it.

    Tolerant ako sa mga smokers. Yun lang, pag nakalagay sa jeep na bawal manigarilyo, e bawal manigarilyo. Dun ako nakikigyera.

    Other than that, I don't mind. We choose the poison that will soon kill us. Hehe :)

    ReplyDelete
  11. ako nung college bat simula ngakasakit ako hindi na ...

    ReplyDelete
  12. I have never tried smoke ever ...
    I know that if you drop a cigarette on an aquarium all the fishies will die ...



    NEMO NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO

    ReplyDelete
  13. aaminin ko na occasional smoker ako. pero pangtanggal stressed sakin ang yosi and i must say that smoking after eating is the best!

    ReplyDelete
  14. hays kalurki ang smell ng usok ng yosi ha, uber.. hehe!

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p