Time Check: 7: 32 AM
Miyerkules.
Anyare? Maulan na naman sa labas. Sabagay, ok lang naman kasi 'di ako pwedeng maglalabas. Letseng conjunctivitis to (sore eyes sa karaniwang tao, eh sa di ako pangkaraniwan. haha). Mabuti na lang at paalis na at mas mabuting 'di nahawa ang isa kong mata! Nung uso ang letseng conjunctivitis sa opis a few months ago, 'di ako nahawa. Ngayong di naman niya panahon ay saka ako tinamaan. Kapag sinuswerte ka nga naman.
<evil laugh>
Dahil sa aking kundisyon ngayon, lagi lang ako nakakulong sa kwarto. Ayoko maglalabas at baka mahawa mga pinsan ko na kasama namin sa bahay. Kawawa naman. Baka 'di makapasok sa skul.
Anyway.
Bigla akong na-hook lately sa Breaking Bad. TV series to 'dre. Ganda ng kwento. Minsang nabanggit ng Boss ko na pinapanood niya to at base sa kwento niya, mukha namang interesting kaya bigla ako na-curious at
Breaking Bad is the story of Walter, a struggling high school chemistry teacher who is diagnosed with advanced lung cancer at the beginning of the series. He turns to a life of crime, producing and selling Methamphetamine (shabu) with a former student, Jesse, with the aim of securing his family's financial future before he dies.
<kung maka-english naman. copy/paste ko from wiki yan. haha>
Bale ba fifth season na siya ngayon, at nasa 3rd season na'ko. Nagustuhan ko ang show na 'to di dahil sa madaming pot sessions, kundi dahil sa magandang takbo ng istorya. Pinag-isipan. Pinaghirapan. Pinagbuhatan. Sa may Pasig yun. Haha.
Ayun. Kung madami kang extrang time katulad ko, try mo panoorin. Kung nakapagshabu ka na dati, for sure makaka-relate ka. Haha.
Hep! Hep! 'Di ko sinasabing na-try ko na dati ang substance na iyon kaya ko pinapanood ang show na'to. All I'm saying is... Haha! Ewan. I have nothing to explain. I invoke my right against self-incrimination, Your Honor! Lol.
Heto konting summary base sa napanood ko na. Si Walter yung bida. Typical na highshool chemistry teacher. 50 years old. May isang anak na may cerebral palsy, 15 years old. Asawa niya, 7 months pregnant. Si Walter ay di mayaman, di rin mahirap. Sakto lang. Tapos bigla niya nadiskubre na may cancer siya sa lungs. With only a few months (or weeks) to live. Saklap.
Kung madededo siya agad, naisip niyang kawawa ang mag-iina niya. Gusto niyang ma-secure ang future nila. Sa madaling salita, napunta siya sa drug trade. Easy money. Ayun.
Dahil magaling siyang chemist, siya mismo ang gumagawa ng produkto (shabu) niya na dinidistribute at binebenta ng former student niyang adik na si Jesse. Heto ang aabangan mo dito dahil napaka-angas at kickass ng tandem nila. Seryoso ang plot pero minsan matatawa ka. Da best!
________________________
Side Note.
Madalang lang ako magpost ng entry, 'di katulad ng ibang bloggers na kayang araw-arawin ang pagpopost. More or less, 3 times a month kung magpost ako ng entry. I blog not because I want to brag. I blog not because I want to be famous. I blog not because I want to earn money through it. I blog because I want to share my stories. My experiences. Atsaka pampalipas oras na rin. Tulad ngayon, wala magawa. Kung may mangilan-ngilan akong mambabasa at followers, salamat sa pagtitiyaga! Hehe. <emo bigla?>
haahahhaha ;) post kung post lang minsan nakakatamad din magblog .. try ko panuorin yan
ReplyDeletetry mo tol, maeenjoy mo din 4 sure! ;)
Deletemukhang interesting nga yang breaking bad na yan. mapanuod nga.
ReplyDeletesubrang nakarelate naman ako dun sa sinabi mo sa side note tas parehas lang pala tayo, isang engr na naging kolboy. parang ako lang talaga. haha...
maganda nga tol, panoorin mo pag may time ka. ;)
DeleteEngineer turned Call Center Boy turned Heartthrob pala tayo pareho! haha
cge na nga, ayoko kumontra na turned Hearthrob din ako. yoko magkarun ng pigsa sa pwet. haha
Deleteang lapit mo lang pala sa pangasinan. gala tayo minsan nina mr. nightcrawler. adventure tayo, punta tayo beach or mga islands! marami akong alam. hehe
gala? sure! ikaw mag set tol, para maplanong maigi. lakwatsero ka eh. haha.
Deletecge cge, akong bahala.
Deletemasaya ako kasi may mga bago akong kaibigan.
Pinapatamaan mo ba ko sa linya mong 'i blog not because i want to earn money'? Tsk! Suntukan nalang. Lol! Piz!
ReplyDeleteOks nga daw yang breaking bad pero wala akong chance manood at di pa nakakahingi ng kopya.
Pinapatamaan mo ba ko sa linya mong 'i blog not because i want to earn money'? Tsk! Suntukan nalang. Lol! Piz!
ReplyDeleteOks nga daw yang breaking bad pero wala akong chance manood at di pa nakakahingi ng kopya.
Hehe. I'm speaking in general when I said that! Idol!
DeleteLagi naman ako nakasubaybay sa blog mo kaya malalaman ko pag napanood mo na. hehe. ;)
ReplyDeletedi ko pa nasusubaybayan yang series na iyan.
anyway, 3 times a day ako'ng magblog. karamihan sa mga posts ko sabaw hahaha
ang asting nga ng mga posts mo e, lalo na yung last. hehe. ;)
DeleteI've tried to watch that series. Andami kasing good reviews. Unfortunately, hindi ko nagustuhan yung first episode kaya hindi ko na pinatuloy. Ewan... di ko lang trip. Ang inaabangan ko ngayon ay yung The Walking Dead. Try mo. Start na ng season 3 sa october. :)
ReplyDeletesiguro sobrang bagot ko lang kay napagtiyagaan ko ang breaking bad. hehe. OO, pinapanood/napanood ko na din ang walking dead hanggang season 2. hehe. ;)
Delete"Pinagbuhatan. Sa may Pasig yun. Haha."
ReplyDeleteNatawa lang ako dito. Haha.
Itry ko nga rin 'tong series na 'to. XD
hehe. oo, try mo din tol. tnx sa pagbisita. ;)
ReplyDelete