Tuesday, December 25, 2012

Maligayang Pasko!


Time Check: 12:31 PM


Tuesday. Christmas Day.


Oh! Nagulat kayo no?! Sobrang tagal na pala ng last post ko dito. Wala eh. Busy. You know. Taping and all.


Haha!


Sa totoo lang, 'di naman ako naging busy talaga. Tinamad lang. Minsan gusto ko talaga gumawa ng entry, kaso wala talaga mga thoughts na maganda na pumapasok sa isip ko bukod sa alak at kamanyakan.


At mismong araw ng pasko pa talaga ako nagkagana na gumawa ng entry? Haha. Ganito kasi yan. Eh pasko nga, daming bata sa labas. Andito ako sa kwarto. Naglalaro kami. Hide and Seek. Eh sila ang taya. Hide ako ng hide. 'Pag nahanap nila ko, may aginaldo sila. Eh magaling ako magtago. Haha. Mamumulubi ako sa dami nila.


Noong mga nakaraang araw, may mga nakita nga akong post sa FB ng ilang friends ko na nagre-require sa mga inaanak nila na dapat dala ang kani-kanilang Birth Certificate/Baptismal Certificate, katunayan ng kanilang pagni-ninong/ninang sa mga inaanak nila sa daratiing na Pasko. Sobrang rude naman ata yun. 'Di makatao. Ako simple lang naman hinihingi ko. Picture lang nung mismong binyag sa simbahan na hawak ko sila. At dalawang valid I.D...


Madaming years ago, isa din ako sa mga batang sobrang excited sa pasko. Every year, dapat bago damit at shoes ko. Maporma. At ginagawa ko talagang parang kumikitang-kabuhayan ang kapaskuhan dahil sinisiguro ko na makakarami ako ng mapapamaskuhan, 'di lang sa mga ninong at ninang ko, kundi kasama na mga tito at tita, mga kapitbahay, etc.. At mas ina-appreciate ko ang monetary gifts kesa sa mga gifts na nakabalot. Oo. Bata pa lang, mukha na akong pera. Haha.


Ngayong medyo nagkaedad na'ko ng konte, 'di na'ko masyado excited sa pasko. Kapag naiisip ko ang Pasko, ang unang pumapasok sa isip ko ay... <drum roll> ... GASTOS! Ni wala nga ako masyado nabili para sa sarili ko eh. Dalawang pairs lang ng shoes. Hay...


Bigay na lang natin sa mga bata ang Pasko. Tutal, para sa kanila naman talaga yan eh.


Dahil diyan, lalabas na'ko.


Ready na mga malulutong kong tigti-20 pesos. Haha.


Merry Christmas Everyone!!!


Ah Yeah!


P.S.: Nadisappoint ako na hindi natuloy ang doomsday noong December 21, 2012. Naglinis pa naman ako ng kwarto ko. Akala ko pa naman, sasakupin na tayo ng mga Aliens. Nakakahiya naman sa kanila, pinaglinis ko pa naman ng kwarto. Buset.





Friday, November 16, 2012

Awkward


Time Check: 7:36 PM


Friday.


Hey guys! Off ko today, walang happenings tonight, bahay lang. Kaya naman, magdamag na naman ako nito sa harap ng kompyuter! Oha.


Sensya na kung "awkward" ang topic. Wala ako maisip i-blog e. ;))


Nung ni-google ko meaning niya, eto unang lumabas sa search results:

awk·ward/ˈôkwərd/

Adjective:
  1. Causing difficulty; hard to do or deal with: "one of the most awkward jobs is painting a ceiling"; "some awkward questions".
  2. Deliberately unreasonable or uncooperative: "you're being damned awkward!".

Parang 'di swak. Siguro depende lang sa gamit. Pero mas nagagamit or mas angkop na depinisyon ng awkward para sa'ken siguro ay "uncomfortable".


Awkward Moment = Uncomfortable Situation


Tama? Tomo!


Napaisip tuloy ako ng mga "akward moments/situations" na palagay ko ay minsan ng naranasan ng karamihan sa atin. Yung tipong 'di mo alam kung ano gagawin mo. Kung pwede lang magteleport or mawala ng parang bula. Hehe.


Here are some of them...


1. Ikaw at ang workmate mo, pinagchi-chismisan, nilalait-lait, niruruyakan ang pagkatao, ng isa niyo pang opismate. Sige hagalpak sa tawa. Tapos, mamamalayan mo na lang na nasa likod niyo na pala siya! - - - Haha. AWKWARD!

2. Dahil walang tao sa bahay, Ikaw at ang BF/GF mo ay nasa sala at naghahalikan. Kuntodo sipsip dila at gums. Walang anu-ano ay bumukas ang pinto at huli kayo sa akto ni Inay! - - - Haha. AWKWARD!

3. Sa gitna ng isang seminar, tahimik ang lahat na nakikinig sa dinadakdak ng speaker/host. Walang anu-ano ay biglang nakareceive ka ng text sa iyong 3310 na naka ASCENDING ang message tone at naka-level 5 ang volume. Lahat sila nakatingin na sa'yo! - - - Haha. AWKWARD!

4.  Reunion niyong magkakabarkada. Napagkasunduang kumain sa labas. Dumating sila, lahat may kapartner. Ikaw lang ang wala. Ayos lang nung una. Tapos, dumating si <insert name here>. Parang pamilyar yung BF/GF niya. Tapos naalala mo na naka-one night stand mo pala siya dati! At ayun, nung pinakilala sa'yo, 'di mo matignan sa mata! - - - Haha. AWKWARD!

5. Mula sa malayo, palihim mong sinisilipan sinusulyapan si CRUSH. Kung ano-ano ng kamanyakan ang pumapasok sa isip mo. Nang mapadako ang tingin niya sa'yo, bigla siya kumaway, naglakad papalapit. Nung malapit na malapit na lang siya, sabi, "Uy, kumusta ka na?".. Sumagot ka, "Ok lang...Ikaw?"... Pero lumampas siya sayo, at doon mo lang napagtanto na 'di pala ikaw ang kausap kundi yung nasa likod mo! - - - Haha. AWKWARD!

6.  Male-late ka na papunta sa work. Kulang na lang ay takbuhin mo ang terminal ng jeep. Pagdating mo doon, jackpot. Isa na lang at aalis na sabi ng barker. Edi sumakay ka. Ganyan. Umandar ang jeep. Tsaka mo lang napansin na nakaupo sa tapat mo ang EX mo na matindi ang galit sa'yo dahil niloko mo siya dati. Eh 30 minutes ang biyahe! - - - Haha. AWKWARD!

7. May bago kang damit. Lahat ng nakakita, pinuri ka. Bagay daw sa'yo. Lalo ka gumwapo/gumanda. Tapos, nung uwian na, may nakasakay ka sa jeep, same color, same design nung damit niyo. Sa sobrang kamalasan, kapareho mo pa ng hairstyle! - - - Haha. AWKWARD!

8. Kumusta naman 'yung may biglang lumapit sa'yo na magandang chicks, litaw cleavage, at nagtanong ng directions kung saan ang ganito/ganyan. Siya nakatingin sa mukha mo, pero ikaw 'di mo alam kung sa mukha ba niya or cleavage ka titingin! - - - Haha. AWKWARD!

9. Yung masungit mong Teacher and/or Boss, sinesermunan ka. 'Di ka makapagconcentrate dahil napansin mong may nakalabas siyang kulangot sa ilong! - - - Haha. AWKWARD!

10. Yung moment na naglalakad ka, tapos may makakasalubong ka. Siyempre iiwas ka. Kung saan ka umiwas, dun din siya pupunta. 2-3 times siguro bago kayo magbibigayan ng daan. - - - Haha. AWKWARD!


Ayun. 10 na lang muna. Hehe.


Heto nakwento ko na dati, uulitin ko lang sa iba na 'di pa nabasa iyon.


Pagsakay ko ng jeep, konti pa lang pasahero. Siguro, mga lima or anim pa lang nakasakay. Syempre, pag-upo e bayad agad ako. 17php ang pamasahe. Nagbayad ako ng 50php. Di ako agad sinuklian ng driver so nawala sa isip ko na may sukli pa pala ako. So ayun, bumiyahe na ang jeep and pumik-up ng pasahero sa daan. Edi dumami na kami. Pwesto ko e bandang likod ng driver. Tapos may iniaabot siya, sukli daw ng 50php.

Ako: Sukli daw po ng 50php.

Walang kumikibo. Nilakasan ko.

Ako: SUKLI DAW PO NG 50php!!!

Wala uli kumikibo.

Ako: Manong, wala daw may sukli!

Akmang iaabot ko na uli sa driver...

Driver: Magkano pera mong binayad kanina?



Haha. AWKWARD! Akin pala yun. Tangina!


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _


Ikaw, for sure meron ka rin! Share mo naman!!! Hehe.


Ah yeah!



Tuesday, November 13, 2012

So Sick


Time Check: 10:48 AM


Tuesday.


Apat na araw na akong comatose. Kain, tulog, hilata lang. Naubos tuloy SL ko. Madalang lang ako magkasakit, pero kapag tinamaan, para akong mamamatay na. Sabay-sabay na ubo, sipon, lagnat, tonsilitis, panlalambot ng katawan, sakit ng ulo. Trangkaso. Nyeta! For sure, iniisip nyan sa work na gawa-gawa ko lang ang sakit ko na'to. Na wala naman talaga akong sakit at tinatamad lang ako pumasok. Pakyu ol bitches! Maysakit talaga 'ko! God knows!


Kapag maysakit, kadalasan e mapait ang panlasa mo or wala ka at all panlasa. Wala ako panlasa. So nakakatipid kami lately sa bigas at ulam dahil di ako masyado nagkakakain. For sure, gusto ng mga nasa bahay na mag-extend ang sakit ko para mas makatipid kami lalo.


Napansin ko lang din na sobra sa karaniwan ang tulog ng isang tao kapag may sakit. Tulad ko, magdamag ng tulog, may kasama pang idlip sa umaga at power nap sa hapon. Or baka bumabawi lang din ang katawan ko sa tulog dahil nitong mga nakaraang buwan e ginagawa ko lang "past time" ang pagtulog. Past time dahil halos natutulog lang ako kapag may extrang time, the whole time e gising dahil sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.


Dahil tambay sa bahay ng ilang araw at wala ako masyado movies na na-download recently na pwede panoorin, Youtube ang pinagkaabalahan ko. 90% ata ng pinapanood ko lately e tungkol sa mga aliens, UFO, end of the world, universe, ganyan. Leche! Napapraning lang siguro ako dahil malapit na December 21, 2012. Pero seriously, I strongly advise you people not to watch too much of those alien shits, documentaries about UFO's and our Universe, our Origins at kung anu-ano pang shit about Science. Kumo-contradict sa faith ko e. Nakaka-atheist! Kaya today, nagdecide ako na iba papanoorin ko. Tom & Jerry naman. Tsaka Adventure Time! Hehe.


Mamaya, pupunta ako sa doctor. Hindi ako papatingin dahil na-diagnose ko na din naman sarili ko at umiinom na'ko ng gamot. The reason is, hihingi lang ako ng medcert (medical certificate), katunayan na kaya hindi ako pumasok sa work ay dahil sa imbento kong sakit. Oha. Hindi kasi i-aapprove sa work mga SL ko kung walang katunayan mula sa mga nasusuhulang doctor na nagkasakit talaga 'ko.


Naisip ko lang. Kung sa albularyo ako pupunta at sa kanya ako hihingi ng medcert, i-aapprove kaya SL ko sa work?


Ah yeah!



Sunday, November 4, 2012

Party Pipol


Time Check: 5:50 PM


Sunday.


Waddup peeps?! 12 days ago nung last post ko. Kumusta naman yun? As is sobrang busy ko lang kasi lately... sa kakainom. Haha. Wala e, yung extra time ko puro tulog jakol lang inatupag ko kaya di ako makagawa ng entry. Isama mo pa ang stress sa trabaho. Ganyan.


Last week naman, is Tigtigtan, Terakan keng Dalan 2012 dito sa Angeles City. Annual street party yun. Parang version namin ng Oktoberfest! Bumabaha ng alak. Literally! As in halos buong kalsada ng Balibago e sinara sa magkabilang side para gawing inuman ng mga lasenggo't lasengga. Siyempre present ako! Pero 'di ako masyado naki-street party. Magulo don e. Dun ako sa may maraming party pipol. Oha.



Jun, Me, Max with the special participation of Jack Daniels. Haha.


Ayun ako. Basta. Anjan ako. Haha.


Sa sobrang lasing ko, 'di ko na alam kung pa'no pa'ko nakauwi. Mabuti na lang at pagkagising ko, andun pa rin yung selpown ko. Haha.


Nga pala, Balibago is ang version namin ng Malate. Magkakatabing bars, gimikan, inuman, whatever you call it.


Simula nung natuto ako uminom at magbisyo, wala pa'ko absent sa event na yan, yearly. Bukod sa madaming tao, masaya, madaming alak at chicks, madaming sikat na bandang nagpeperfrom, time din yan para makipagbonding with friends. Oha.


Actually, naglie-low na'ko sa gimik at party lately. As in madalang na lang ngayon kumpara dati, na halos every friday at saturday ay laman ako ng mga gimikan sa Balibago. Nagmature na kasi ako. Mga 10% ang nadagdag sa maturity ko nung nakalipas kong beerday. Haha. Pero yung totoo, yung mga tropa ko talaga ang naglie-low, no choice lang ako. Alangan naman pumarty ako don mag-isa? Hehe.


Dati, talagang lagi akong present sa inuman. As in kapag pumunta ka ng gimikan, andaming faamiliar faces na doon mo lang nakilala pero kapag nakita ka e parang sobrang close nyo. Tapos, mga waiter/waitress e nakuha ko ng maging ka-close sa sobrang dalas ko lumabas. Hehe.


Halimbawa sa isang club, kapag lasing na'ko e trip ko sumayaw sa dance floor. Minsan nga, umaakyat pa'ko ng stage para doon magwala. Haha. Pero dati yon. Nagbago nako. Sa may gilid na lang ng stage ngayon. Haha.


Pero seriously, napagdesisyunan ko ng i-give up ang pagparty-party. Last na yung last week. Pramis. Iwan ko na lang sa mga PBB teens yun. Doon na lang ako sa tamang inom. Ilang years na lang kasi, papunta na'ko sa pagiging D.O.M. Haha. 'Di na kasi bagay sa'kin ang pumarty. Pang mature roles na ko ngayon. Gudbye na sa patweetums.


Oh sha! Babye na'ko. May nagtext e. May birthday daw.


Ah yeah!!!



**pictures from HACIENDA Superclub FB page: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.4472010554313.2180844.1111368268&type=3

Tuesday, October 23, 2012

Wala Wala Wala


Time Check: 4:41 PM


Tuesday.


Kapag nawala daw ang isang bagay na mahalaga sa'yo, doon mo lang mare-realize ang worth niya. Totoo yan. Parang cellphone ko lang. Twice na'ko nawalan this year. Tatlong beses last year. Oha. Ang yaman ko lang. Sayang yung mga fubu contacts doon. Hay... Kaya sa mga nagtetext sa akin, huwag nyong isiping ayoko magreply. Nawala na naman kasi cp kp last wednesday. Email niyo ko or PM nyo ko sa FB or Twitter for my new number. Hehe.


Speaking of nawawala, sasali dapat sana ako doon sa 2012 Saranggola Blog Awards. Haha. Kaso nga, 'di ko na nagawang natapos yung maikling kwentong ilalahok ko sana. Sayang. Nararamdaman ko na pa naman na heto na ang aking road to stardom. Lol. Better luck next year na lang siguro. Ipopost ko na lang as separate entry dito sa blog ko yung post na yun.


Nung isang araw, pumasok ako sa work ng wala sa mood. Pero kunwari lang. Haha. Normally kasi, alam ng lahat kapag andun na'ko dahil sa magulo ako. Pero nung araw na iyon, tahimik akong pumasok at umupo sa tagong station kung saan di ako masyadong mapapansin. Ngunit nabigo ako. Ilang sandali lang at nakalimutan kong nagro-role play pala ko. Haha.


Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero wala na nga akong pera. Ubos na. As in allowance na lang hanggang sa katapusan ang natitira. Shet! Sana umabot. Kung hinde, baka mapilitan akong ibenta ang sariwa kong pangangatawan. Mura lang. 120Php per Kilo.


Kung napansin mo, wala ang topic ko today. As in Wala. Wala. Wala. Haha. Ang gulo. Basta wala akong topic today.


Wala lang. Walang Kwenta.


Ah yeah!




P.S.: Kay Pareng Lou (Bored Night Crawler) at Pareng Emil (Asiong), tuloy ba yung lakad natin?! Email niyo ko! Wala na'ko numbers nyo! Hehe!

Sunday, October 21, 2012

Nood Tayo TV


Time Check: 6:12 PM


Sunday.


Sobrang nakakatamad today. Puro nood lang ginawa ko. Sa Youtube, sa TV, at konting porn Educational Videos. Oha.


Pinapanood ko kanina sa TV yung Canonization kay Blessed Pedro Calungsod. Bilang purong katoliko since birth, sobrang nakakaproud na isang pinoy ulit ang nadeklarang santo ng simbahang katolika. So dalawa na sila ngayon. Una si San Lorenzo Ruiz. Ngayon ay may San Pedro Calungsod na rin. Amen to that.


Kaninang umaga naman, sa kakalipat ko ng channel sa TV, nadaanan ko yung parang Battle of the Brains na show sa UNTV. Nakalimutan ko title. Basta yung show, ganun yung format. Elementary at Highschool Division ang labanan. Eh favorite ko mga ganung show. Madalas e nakikisagot ako. At lagi akong TAMA. Oha. Napansin ko lang, mukha namang madali yung mga tanong, pero 'di nasasagot nung mga bagets. Siguro, it's either 'di pa lang nila napag-aaralan yung mga yun or humina na talaga sistema ng edukasyon dito sa Pinas. Malay mo?


Out na din lately ang bagong season ang isa sa dati kong paboritong TV series na The Walking Dead. Sobrang hook ko dati dito at nai-blog ko pa nga. Ang tagal kasi nawala. Nawala na din tuloy excitement ko. 'Di na'ko masyado na-excite paglabas ng 3rd season niya.


Parang ritwal naman dito sa bahay ang panonood nung show ni Willie sa TV5 tuwing gabi. For sure, alam niyong lahat kung anong show ang tinutukoy ko. Nakakatawa naman kahit papano yung show. Kaso, napaplastikan talaga ko kay Willie. Pramis. Pero kung papadalhan niya ko ng jacket, kopya ng CD niya at cellphone, babawiin ko yung sinabi ko. Pramis.


Mula noong bata pa'ko, at hanggang ngayong medyo bata pa naman ako, isa sa mga inaabangan at pinapanood ko talaga ang Eat Bulaga! Bukod sa idol ko si Bossing at si Jose, eh sila lang naman talaga ang palabas sa TV ngayon na worth it panoorin. Wala ng iba.


Yun lang naman.


Ah yeah!



Saturday, October 13, 2012

Epal!


Time Check: 4:19 PM


Shoturday.


Ano nga ba ang epal? Nagpunta ako sa www.urbandictionary.com




at ang mga sumusunod ang mga nakuha kong kahulugan...












Share ko lungs. Andami na kasi epal ngayon e.


Kapag pauwi ako, andami ko nadadaanan na "greetings" kuno ng mga pulitiko gaya ng Happy Fiesta, Happy Birthday kay Ganito, Happy MotherFather's day, or mga "project" kuno nila na kulang na lang e angkinin ang kredito na kaya may road widening or bagong waiting shed, etc., ay dahil sa kanila. Punyeta! Pera ng taong-bayan yan. Dapat, kapag may proyekto kayo, ang ilagay niyo e parang ganito:

 "This project is made possible through the efforts of the People of <insert town> in paying their TAXES."

Huwag ganito:

"This project is made possible through the efforts of Mayor Pukingina, blah, blah, blah."


Tulad ngayon, malapit na naman eleksyon. For sure, magsusulputan na naman ang mga putanginang mga epal na yan. Oha. Sobrang bitter ko lang.


Enough of the Pulitikos. Meron pang isang klase ng epal. Eto yung mga epal sa ating everyday life. Mga epal sa school. Epal na kapitbahay. Epal na opismate. Etc. Etc. Etc.


Dapat chill lang. Huwag pabida kung di ka mukhang bida. Huwag pumapel kung wala ka karapatan pumapel. Huwag mag-astang sikat kung wala ka naman charisma para sumikat. Oo! Para sa'yo to! Putangina mo! 


Bwahahahahaha!


Ah yeah!



Wednesday, October 10, 2012

Shobis


Time Check: 5:21 PM


Wednesday.


After ng halos isang taon, babalik na ulit ako sa morning shift sa trabaho bukas. For two months ito (malamang). Sa wakas, mae-experience ko na ulit ang matulog ng regular sa gabi. Sawa nako sa pagiging bampira. Pero andami ko mamimiss. Una na dito ang mga eyebags ko. Pangalawa, ang night differential pay na napakalaking tulong sa pang-araw-araw na bisyo. Pangatlo ay si "shining star" na crush ko sa trabaho na feeling ko ay may gusto din sa akin pero nagpapakipot lang. Oha.


Napapansin ko lately, sa panonood ko ng TV, na sobrang dami ng mga talent search na parang lahat na lang ay gustong mag-artista at sumikat. Sino bang hinde? Easy money! Sa Dos, merong Pilipinas Got Talent at X-Factor na kakatapos lang. Sa Singko, merong Artista Academy at Talentadong Pinoy. Sa Siyete, may Protege. Iba pa diyan yung mga pakontest ng Eat Bulaga, It's Showtime, at Wil Time Bigtime! Shet! Lahat na lang gusto magshowbiz.


Looking on the bright side, nagsusulputan ang mga ganitong pakontes sa TV dahil sa sobrang talented nating mga pinoy. Totoo yan. Halimbawa, sa isang grupo ng mga magbabarkada, for sure, isa diyan ay marunong kumanta. Or sumayaw. Parang ako. Oha.


Naisip ko lang, kung sigurong uso na yung Starstruck or Star Circle Quest nung mga highschool days ko, baka nag-audition din ako. Sayang cuteness slash hotness ko e. Baka siguro walang John Lloyd Cruz or Richard Gutierrez ngayon. Hahahaha! <libre lang mangarap>


Sa isang talent search, gaya halimbawa ng sa Dos or Siyete, mga sampung libong nangangarap ang mag-o-audition. Sa sampung libong iyon, isa or dalawa lang ang mananalo. Lima hanggang sampu ang sisikat. Pa'no yung iba? Swertihan lang talaga siguro. Ika nga, kapag ukol, bubukol. Better luck next time sa iba or hanggang sa marealize na lang nila na di para sa kanila ang showbiz at tatahak ng ibang landas. Hay. At least, sumubok.


"It is better to have tried and failed than to never have tried at all."


So, anong point ko sa post na 'to?


Since morning shift na ako, at madaming oras ko tuwing hapon araw-araw, napilit akong mag-gym ng ilang mga opismates. Napagtanto ko na it's time na talaga. This is it guys. Kapag gumanda na katawan ko, magreresign na'ko sa call center. Mag-a-artista na lang ako. Papausuhin ko ulit ang mga bomba films. At ang launching movie ko ay, "Pasalat ng Peklat"!


Bwahahaha!


Ah yeah!



Sunday, October 7, 2012

Happy Second (pero parang first) Birthday to my Blog!


Time Check: 4:02 PM


Sunday.


October 06, 2010 ng unang gumawa ako ng entry dito. Exactly 2 years ago. Technically, 2nd beerday ng blog ko kahapon. Eh since wala naman ako naipost buong 2011, bale parang 1st beerday pa lang ng blog ko to. Hanggulo. Basta! Happy birthday to DENGGOY PALABOY! Sana marami pa kong ma-denggoy! Hehe!


Ah yeah!




Friday, October 5, 2012

Haiskul


Time Check: 6:17 PM


Wednesday.


Nararamdaman ko na malapit nako pumayat. Naisipan ko kasi ang magdiet na. Sisimulan ko sa NO RICE diet. Last ako kumain ng rice e kagabi pa, bandang 7PM ata. So almost 24 hours na rin. Ngayong araw, almusal ko cup noodles, lunch ko e dalawang slice ng pizza, mojos, isang piraso ng pekpek pakpak ng manok, at isang bote ng mountain dew. Perfect! Walang rice. Oha!


Anyway.


Gusto ko lang i-share sa mga hurado, at siyempre, sa inyo mga madlang pipol <showtime? haha> ang aking haiskul life na napakakulay, napakasaya, at siyempre, punung-puno ng kalokohan. Hehe.


Isa ako sa mga graduates ng Millenium Batch (year 2000 para sa mga tanga) sa isang maliit na pribado (pero mukhang public) na highschool dito sa isang bayan sa Pampanga. Magyayabang ako. Grumadweyt ako with honors. Oha! At hulaan niyo kung ano ang aming graduation song?! Ayan sa baba. Sobrang baduy. Putangina! Haha.





Pinili ko mag-aral sa school na yun dahil doon nag-aral ang aking mga peyrents, mga Tito at Tita, at ibang mga pinsan. Ayun. No choice. Na-peer pressure ako sa mga kamag-anak ko.


Haiskul days ko noong nagsimulang tawagin akong Denggoy. Hanggang ngayon ay 'di ko alam kung bakit ako tinawag na Denggoy. Nagsimula sa kaklase slash tropa ko noon (hanggang ngayon) na itatago ko sa totoo niyang pangalan na LORDWEEN. Haha. 3rd year na kami nun. Ayun. Tapos yung kapatid kong babae, 1st year noon. Since Denggoy ako, siya naman daw si Dengue! Haha.


Wala ako masyado maalalang mga memories noong 1st at 2nd year ko. 14-15 years ago na din kasi yun. Memory gap. Haha.


Sobrang daming kalokohan ang nag-umpisa nung 3rd hanggang sa 4th year ko. Mga kalokohan na hanggang ngayon ay tinatawanan pa rin namin ng mga naging tropa ko nung haiskul kapag may reunion kami. Heto ilan sa mga unforgettable na katarantaduhang nagawa namin noon, in random order. Hehe.


1. Iyong room namin noon, second floor ng building (two-storey). Bintana is mga jalousy. Napagtripan namin noon na luwagan yung pagkakalagay nung mga bintana para kapag isinara ay maglalaglagan sila. Ayun. Nung malapit na magsara ang klase, iilan na lang ang mga jalousy sa bintana.

2. Sa second floor sa dulo ang room namin, tapos sa likod ay may hagdanan (mga 15 steps din siguro), sort of shortcut. Mga upuan namin noon is bakal. Kapag uwian na, madalas namin hinuhulog doon ang mga upuan.

3. <Hindi ko pinagmamalaki ang isang ito, gusto ko lang ishare.> May kaklase kame noong haiskul na nakakapagdala/drive na ng kotse. Kapag may mga araw na walang pasok kinabukasan, trip namin na gumala sa mga subdivision at mga barangay dito sa bayan namin. Heto ang trip, may dala kaming baseball bat, mga bato, sputnik, at recorder. Ang mission, mamalo, mambato, magsputnik ng mga asong pagala-gala sa daan. Purpose ng recorder ay para i-record yung iyak ng aso. Heto yung trip na lubos kong pinagsisisihan. Para kaming mga demonyo noon. Sobrang kawawa nung mga aso kapag naalala ko sila. Nung college nako, sinira at tinapon ko na yung mga tape. Nagbago nako. Lablab ko na mga dogs.

4. Since malapit lang ang Clark sa amin, madalas kami mag-ghost hunting noon sa mga haunted places doon, lalo na dun sa Haunted Hospital, syempre, dala pa din yung recorder namin. I swear, may isang instance na nakaramdam talaga kami ng kakaiba, takbuhan talaga kami sa sasakyan at mabilis na umuwi.

5. Nagnakaw kami sa canteen ng school. Di ko idedetalye, mahirap na. Haha. Tapos saka kami nagpicnic. Sa Picnic Grounds sa Clark. Hehe.

6. 15 years old ata kami noon. Since may sasakyan nga ang isa naming kaklase, napagtripan namin minsan na pumunta sa Fields Avenue (google mo na lang) at nanood ng live show. Katakot-takot na pakiusap ginawa namin bago kami papasukin. At ang kondisyon, iced tea lang pwedeng orderin dahil mga minors nga kami. Hehe.


Yan na lang muna isa-share ko. Baka magalit na mga tropa ko sa mga ibinulgar ko dito. Haha. Yung iba naming mga kalokohan noon, kahit sa MTRCB eh baka hindi pumasa. Haha.


Nung JS PROM nung 4th year na kami, naging KING of the night ako. Ayoko idetalye. Nakakahiya. Bwahaha!


Kahit maloko ako nung haiskul, nag-aral pa rin akong mabuti. Yung NSAT noon, ako pinakamataas sa school namin. Oha! 'Di ko din malilimutan ang ilang mga naging teachers ko doon. Merong iba na tumatak talaga, lalo na yung teacher ko sa Math noon, dahil natuto talaga ako sa kanya. Nadala ko hanggang college ang mga natutunan ko sa kanya kaya minamani ko lang noon ang algebra. Hehe.


Ayun. Da best talaga ang haiskul life. Di ko na sinali ang paglalablayp ko noon kasi nakwento ko na dati sa isa ko pang post yun (DITO). Hehe.


Minsan, babalik ako sa school na yun para magpasalamat sa makulay at masayang haiskul life na pinaranas niya saken.


Ah yeah!


Sunday, September 30, 2012

S-Miley


Time Check: 5:02 PM


Sunday.


Si Miley. Ang Asong makulet. Hehe.














Babae yan. Mukha lang lalake dahil di ko pa napapagupitan. Hehe.


Ah yeah!



Tuesday, September 25, 2012

Fezbuk


Time Check: 2:20 PM


Tuesday.


Siyam na araw bago ako nakapag-update. Busy sa taping e, sensya na. Haha.


Nabanggit ko sa previous post ko na nagbirthday ako nung isang araw. Wala naman masyadong handa. Konting inuman lang.


bday boi sa dulo!



Anyway. Enough of that birthday.


Tuwing OFF ko lang sa work ako lagi nakakagawa ng entry. Ako na pumansin sa sarili kong routine dahil wala naman nakakapansing iba. Hehe. Dahil siguro kapag OFF ko ay wala masyado iniisip kaya ganado magtype. Magcompose. Gumawa ng kwentong kalokohan.


Pagkacheck ko ng chwirrer (twitter) account ko kanina, nabigla ako dahil from less than 20 followers nung last check ko (2-3 weeks ago), biglang may almost 200 followers nako. Oha! Feeling sikat? Artista? Haha. Tsaka ko lang naalala na nung last pala akong naglogin, kung sino-sino na lang finollow ko. Ayun. Nakarami. Harhar. Ma-unfollow nga ulit sila later.


Sa Fezbuk naman, ganun pa din. Same old, same old. Merong friend mo nga, 'di naman kayo nagpapansinan. 'Yung pakiramdam mo eh display ka lang sa Friends list niya. Masabi lang na madami siyang friends. At dahil dito, mag-a-unfriend ako later. Madami. Joke.


Minsan, trip ko lang din tumambay sa FB wall at pansinin, basahin, laitin, ang wall post ng iba kong friends. Oha. Kontrabida. Pero 'di naman umaabot sa point na nagcocomment ako para mamahiya ng tao. That's bad. Nila-like ko na lang, then after a few minutes, ia-unlike ko din. Haha.


Merong babati ng hapi bertday sa lolo/lola niya, eh wala namang fezbuk yung binabati. Anu kaya yun? Or merong nag-a-update ng status na parang bitin na sentence/phrase na nakadugtong sa pangalan nila, parang ganito: "is kumakain ng ice cream" or "is wala sa mood" or "is nasa starbucks at nagsosocial climb" or "is tumatae sa plato then kakainin later" or "is umutot sa kamay at pinaamoy sa katabi". Nyeta. May maipost lang?!


Meron din iba na ang tapang-tapang sa FB wall. Usong-uso sa FB wall ang magparining sa taong kinaiinisan or magpost na patamang kowts sa naglalandi sa kani-kanilang jowa.  Buti pa yung mga ganong post e naeenjoy ko. Exciting. Tapos may magcocomment na manggagatong pa or madalas, magbibigay ng clue kung sino yung pinaparinggan. Updated ka kaagad sa latest shobis happenings! Lakas maka-chika minute! Hehe.


Meron din namang puro kaampalayahan ang post. Bitterness. Instead na problema ang bilangin, ba't 'di nila i-try bilangin ang blessings nila. Oha. Pumapayo. Hehe.


Meron ding nakakaawa. 'Yung mga post na kung ano-ano lang tapos sila lang din ang nagla-like ng sarili nilang post. Tsk. Tsk. Kawawa naman. Para ka lang bumili ng bagong damit, pinakita mo sa friends mo, tapos dedma lang sila.


Baka sabihin naman nagpapakakontrobersyal ako kaya ko pinost to. Hindi po. Malamang napapansin nyo din mga yan. Ayaw nyo lang aminin sa sarili nyo na naiinis/naasar din kayo minsan. Hehe. Basta ang importante, "We should exist in this world not to impress people, but to live your life the way you want it". Kumo-quotable quote? Hehe. Maganda siguro dedma na lang, kanya-kanyang trip yan e. Huwag masyado paapekto. Ewan ko ba ba't nagpapaapekto ako. Haha.



Ah yeah!





Disclaimer: Ang mga nabanggit sa taas ay aking obserbasyon lang po at wala akong pinatatamaang specific na tao. Kung may FB friend man ako na makabasa nito at feeling mo ay tinamaan ka sa mga nabanggit, buti nga sa'yo! Haha. Joke. Peace tayo!