Wednesday, January 25, 2012

What irritates you the most?

Time Check: 9:37 PM



May bago sana akong entry bago ko pa matapos itong post na to. Halos tapos na yun e, ineedit-edit ko na lang. Sa kamalas-malasan, di ko alam kung ano napindot ko at biglang aksidenteng nabura ko. Nyeta. Halos 2 days ginugol ko dun. huhu. Ayoko naman ulitin kasi nakalimutan ko na pinagsusulat ko dun.


Anyways, since matalino naman ako, naisipan kong gumawa na lang ng bago. lol. At dahil sa kabadtripan ko, eto na lang naisip kong topic: 


What irritates you the most?

Eto, nilista ko mga usual na nakakabadtrip na mga eksenang nararanasan ko, or kayo din siguro in everyday life.

1. Everyday commuter ako. Minsan, pag sasakay ng jeep, at nagmamadali ka na dahil male-late ka na sa work, madalas e punuan na. Pagsakay mo, wala ng space, ipagsisiksikan mo sarili mo sa napakaliit na space na ibibigay sayo. Halos kalahati ng wetpacks mo lang ang nakaupo, at since malayo byahe from bahay to work, halos mangatog na tuhod mo sa ngalay dahil sa pagkakaupo mo. Umpisa pa lang ng araw mo e sira na agad. Badtrip diba?!

2. Pag may kausap ka tapos bigla na lang may makikisali na di naman dapat. Tapos Mr./Ms. know-it-all dahil ang ibibida niyang kwento ay siguradong higit sa kung anuman ang kinwento mo. Daming ganyan. Mga epal at madalas e feeling close! haha!

3. Mga feeling pogi/maganda. Paimportante. Feeling susyal. Social climber. Maryosep. Pag tumama ako sa lotto, magha-hire ako ng serial killer para maubos sila. haha!

4. Iyong mga nag-oovertake sa pila. Sarap barilin sa ulo!

5. Mga nagmamarunong na obvious na wala namang alam. Halata namang nanghuhula lang, lakas ng loob makacorrect sa iba. Bwiset.

6. Mga nanghihiram ng gamit na di na sinosoli. Madalas na alibi e nakalimutan. Di po yan binigay sa inyo, hiniram nyo lang. Soli nyo po on time. ehe.

7. Pag naglalakad ka at nagmamadali, and the one in front of you walks like a TURTLE. Sarap itulak, tapos pagtatadyakan mo. haha!

8. Mga sobrang sensitive, balat sibuyas na mga tao. Emo.

9. Syempre pag traffic. Madalas na nga akong late tapos traffic pa. Bwiset talaga.

10. Mga taong mapang-imbento ng kwento. Nagmamayabang na merong ganito, merong ganyan. Feeling mayaman. Tapos di naman halata sa itsura nila. Nakatira pala sa iskwater. haha.

11. KSP. Papansin. Yung bang pag nasa isang lugar kayo alam na alam mong andun sya sa sobrang ingay nya. Sarap pasakan ng tae sa bunganga. I easily get irritated with loud people. Dapat ako lang yung loud! haha.

12. Yung mga taong pakialamera sa buhay ng my buhay! My gawd! I dont know what's wrong with these kind of people. Why don't they mind their own monkey este business pala. hehe.

13. Isa pang nakakainis e kapag may hinahanap kang bagay na di mo makita. Tapos pag di mo na kailangan, bigla na lang lilitaw.

14. Yung taong paulit-ulit ang kwento. Yung kahit 100 times na ata niya kinwento, basta yung topic nyo e related dun sa kwentong yun, for sure ibibida na naman niya. Haha. Kakasawa. Paulit-ulit. May maikwento or maisingit lang? ehe.

15. Yung pag wala ako sa mood, tapos mainit pa. Sobrang redundant kasi. Mainit na ulo ko, mainit pa panahon, tapos ako mismo e sobrang HOT pa. haha.



Marami pa yan. Mas madalas, instead na pansinin mo, mas magandang ignore mo na lang. Mas stress-free pa buong maghapon mo. Chill lang. Idaan mo na lang sa tawa. Or sa sinabawang gulay. lol.


Sabi nga sa kanta nung isang bata sa commercial sa TV dati:


Makulay (makulay)
Ang buhay (ang buhay)
Makulay ang buhay
Sa sinabawang gulay



Haha!

Sunday, January 22, 2012

Kwentong Kalasingan


 Time Check: 6:10 PM

Sunday.
Madilim na sa labas.
Nagdidilim din paningin ko.
Masakit ulo ko.
Shet!
Kung di ako nagkakamali e naka-8 or 9 bottles ata ako ng Stallion kagabi.
Tapos "badtrip" pa.
Kung di mo alam badtrip, eto yun oh...



galing dito ang pic: central (badtrip)




Pag ganitong may hangover ako, sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Sobrang nakakatamad kumilos. Kahit kumain kinatatamaran ko. Hilata lang maghapon. Sobrang sarap lang magkulong sa kwarto at matulog. Ng matulog. Ng matulog... hehe!


Di pala ako humilata maghapon.
Nagpagupit ako kanina.
Tapos nagpakulay ng buhok.
Nawawala na kasi pagkatisoy ko eh.. haha!
Eto new hair ko!!!
Dyaraaaaannnn.....


'Di lang masyado halata, pero brown yan! haha!


Going Back to hangover.
Kapag ganito nararamdaman ko the day after ng inuman, lagi ko sinasabi na di nako iinom ulet.
Siguro more than 100 times ko na sinabi 'yon. Pero inuulit ko pa din. Haha.
Sarap magshot eh. Pero di naman talaga ako sugapa sa alak.
Kaya malakas ako uminom pag may inuman sessions kame ay dahil sa hindi ko na napapansin kung nakakailan na'ko. Siguro dahil 'yon sa kakadaldal ko. Madaldal ako pag nalalasing e. Tapos lagok lang ng lagok! hehe! Sugapa much?!



Para sa iba, ang paglalasing e bisyo. Oo, tama sila in a way. Pero para sa'ken, no way! haha! Ang pag-inom ay pagrerelax. Pagchi-chill. Pag pinagsama, pagchichillax! hehe! Syempre, mas marami kayo, mas masaya! The more alak na nakahapag at iinumin, the longer ang kwentuhan, gaguhan, at barahan sessions ang magaganap. Laugh trip. Minsan may drama. Bigla na lang merong magiging emo. Haha. Minsan naman, may nag-aaway. Kayo-kayo na nga lang, nagkakapikunan pa. Tapos kinabukasan, di na maalala kung ano pinag-awayan. haha! All in all, pure fun.


Eto isa sa mga di ko makakalimutan na nagyari sa'ken dahil sa kalasingan. Nangyari to, kung di ako nagkakamali e bandang April 2010. Inuman naming magbabarkada. Isa sa mga regular na inuman sessions namen. Sa rooftop ng bahay ng isa naming tropa na itago na lang natin sa totoo nyang pangalan na Floyd. haha. Madaling araw na nun. Nagkalasingan. As in todong wasak na. Apat na lang kami natira na umiinom. Yung iba nagsi-uwian na. Mga mahihinang klaseng nilalang. haha! Edi ayun na nga, Ako, si floyd(or jarrett ata), jun, at si paul.  Yung pwesto namin e nakapaikot sa isang round table. Di ko na alam kung kanino nanggaling yung idea, eto yun: suntukin, ng buong pwersa, at bawal mapikon, yung nasa kanan mo! haha! Pag lasing, syempre malakas loob mo. Payag lahat. Yabang ko pa nga nun e.  Pagkatapos nun, sabi ko sa kanila, parang wala lang. Isa pa.
Eh ayaw na nila. Mga duwag. Haha.


Eh since si Jun yung nasuntok ko nung una, sabi ko sa kanya, ganti sya sa'ken.
1 on 1 kami.
5'11 yun. Malaking tao. Malaki pa kaha. Eh 5'7 lang ako. haha!
Edi yun, pinauna nya ko sumuntok sa mukha niya.
Buong pwersa kong sinapak mukha nya. Medyo nahilo pero nakarecover din after ilang seconds.
Tapos nung turn na niya, gusto ko na magbackout! haha! Eh nagkasubuan na, sabi ko sa sarili ko bahala na.


At nangyarin na nga. Sinuntok nya ko sa kaliwang face ko.
Natumba ko! At nawalan ng malay tao. haha!
Kinabukasan, paggising ko, ang sakit ng parteng kaliwa ng mukha.
Pagharap ko sa salamin, SHET! Namamaga mukha ko. Tapos yung kama e puno ng dugo. Buti na lang OFF ko sa work nung araw na yun. Di ako lumabas ng kwarto nun. Haha. baka makita ni erpats, lagot ako! Sabagay, pag tinanong nya ko kung bakit namamaga mukha ko, eto isasagot ko: "kinagat ng ipis".. Haha!


Pumasok ako sa work nung mga panahon na yun na maga mukha ko. Buti na lang at nasa training mode ako nun sa lilipatan kong account. Lima lang kami sa training. At di ko pa mga ka-close mga kasama ko kaya wala masyado nagtatanong. Basta nakatakip lang panyo ko lagi sa magang mukha ko. Halos 1 week din namaga mukha ko. Haha. Nung naging ka-close ko na yung mga kasama ko nagtraining, siguro after 2 months yun, tinanong ko sila kung naaalala pa nila yung training days namin na lagi nakacover mukha ko ng panyo. Oo naman daw. Akala lang daw nila namamaga bagang(ngipin) ko! Nahihiya lang daw sila mang-usisa! haha!


Actually, sobrang dami kong kwentong kalasingan. Saka na lang yung iba. Pag naalala ko na sila. Haha!


 Ah yeah!