Time Check: 6:10 PM
Sunday.
Madilim na sa labas.
Nagdidilim din paningin ko.
Masakit ulo ko.
Shet!
Kung di ako nagkakamali e naka-8 or 9 bottles ata ako ng Stallion kagabi.
Tapos "badtrip" pa.
Kung di mo alam badtrip, eto yun oh...
galing dito ang pic: central (badtrip)
Pag ganitong may hangover ako, sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Sobrang nakakatamad kumilos. Kahit kumain kinatatamaran ko. Hilata lang maghapon. Sobrang sarap lang magkulong sa kwarto at matulog. Ng matulog. Ng matulog... hehe!
Di pala ako humilata maghapon.
Nagpagupit ako kanina.
Tapos nagpakulay ng buhok.
Nawawala na kasi pagkatisoy ko eh.. haha!
Eto new hair ko!!!
Dyaraaaaannnn.....
'Di lang masyado halata, pero brown yan! haha! |
Going Back to hangover.
Kapag ganito nararamdaman ko the day after ng inuman, lagi ko sinasabi na di nako iinom ulet.
Siguro more than 100 times ko na sinabi 'yon. Pero inuulit ko pa din. Haha.
Sarap magshot eh. Pero di naman talaga ako sugapa sa alak.
Kaya malakas ako uminom pag may inuman sessions kame ay dahil sa hindi ko na napapansin kung nakakailan na'ko. Siguro dahil 'yon sa kakadaldal ko. Madaldal ako pag nalalasing e. Tapos lagok lang ng lagok! hehe! Sugapa much?!
Para sa iba, ang paglalasing e bisyo. Oo, tama sila in a way. Pero para sa'ken, no way! haha! Ang pag-inom ay pagrerelax. Pagchi-chill. Pag pinagsama, pagchichillax! hehe! Syempre, mas marami kayo, mas masaya! The more alak na nakahapag at iinumin, the longer ang kwentuhan, gaguhan, at barahan sessions ang magaganap. Laugh trip. Minsan may drama. Bigla na lang merong magiging emo. Haha. Minsan naman, may nag-aaway. Kayo-kayo na nga lang, nagkakapikunan pa. Tapos kinabukasan, di na maalala kung ano pinag-awayan. haha! All in all, pure fun.
Eto isa sa mga di ko makakalimutan na nagyari sa'ken dahil sa kalasingan. Nangyari to, kung di ako nagkakamali e bandang April 2010. Inuman naming magbabarkada. Isa sa mga regular na inuman sessions namen. Sa rooftop ng bahay ng isa naming tropa na itago na lang natin sa totoo nyang pangalan na Floyd. haha. Madaling araw na nun. Nagkalasingan. As in todong wasak na. Apat na lang kami natira na umiinom. Yung iba nagsi-uwian na. Mga mahihinang klaseng nilalang. haha! Edi ayun na nga, Ako, si floyd(or jarrett ata), jun, at si paul. Yung pwesto namin e nakapaikot sa isang round table. Di ko na alam kung kanino nanggaling yung idea, eto yun: suntukin, ng buong pwersa, at bawal mapikon, yung nasa kanan mo! haha! Pag lasing, syempre malakas loob mo. Payag lahat. Yabang ko pa nga nun e. Pagkatapos nun, sabi ko sa kanila, parang wala lang. Isa pa.
Eh ayaw na nila. Mga duwag. Haha.
Eh since si Jun yung nasuntok ko nung una, sabi ko sa kanya, ganti sya sa'ken.
1 on 1 kami.
5'11 yun. Malaking tao. Malaki pa kaha. Eh 5'7 lang ako. haha!
Edi yun, pinauna nya ko sumuntok sa mukha niya.
Buong pwersa kong sinapak mukha nya. Medyo nahilo pero nakarecover din after ilang seconds.
Tapos nung turn na niya, gusto ko na magbackout! haha! Eh nagkasubuan na, sabi ko sa sarili ko bahala na.
At nangyarin na nga. Sinuntok nya ko sa kaliwang face ko.
Natumba ko! At nawalan ng malay tao. haha!
Kinabukasan, paggising ko, ang sakit ng parteng kaliwa ng mukha.
Pagharap ko sa salamin, SHET! Namamaga mukha ko. Tapos yung kama e puno ng dugo. Buti na lang OFF ko sa work nung araw na yun. Di ako lumabas ng kwarto nun. Haha. baka makita ni erpats, lagot ako! Sabagay, pag tinanong nya ko kung bakit namamaga mukha ko, eto isasagot ko: "kinagat ng ipis".. Haha!
Pumasok ako sa work nung mga panahon na yun na maga mukha ko. Buti na lang at nasa training mode ako nun sa lilipatan kong account. Lima lang kami sa training. At di ko pa mga ka-close mga kasama ko kaya wala masyado nagtatanong. Basta nakatakip lang panyo ko lagi sa magang mukha ko. Halos 1 week din namaga mukha ko. Haha. Nung naging ka-close ko na yung mga kasama ko nagtraining, siguro after 2 months yun, tinanong ko sila kung naaalala pa nila yung training days namin na lagi nakacover mukha ko ng panyo. Oo naman daw. Akala lang daw nila namamaga bagang(ngipin) ko! Nahihiya lang daw sila mang-usisa! haha!
Actually, sobrang dami kong kwentong kalasingan. Saka na lang yung iba. Pag naalala ko na sila. Haha!
Ah yeah!
No comments:
Post a Comment
Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p