Monday, March 26, 2012

This I Promise You

Time Check: 5:35 PM



Monday.


Ang susunod na kwento ay rated P.G.
 

Haha.


__________


12 pa lang si Boy noon. 11 naman si Girl. Mga totoy at nene pa. Nagkagustuhan. Pero dahil bata pa, walang pormalan. Walang ligawan. Walang commitment pero may mutual understanding. Walang kiss at holding hands pero sweet 'pag magkasama. Nangako sa isa't-isa na 'pag nagkaedad sila ay sila pa rin magkasama.


Kapag may event sa school, lagi silang magkapareha. Sa academics naman, 'di rin sila nagpapahuli sa isa't-isa. May itsura si Boy. Maganda din si Girl. Perfect match.


Kahit bata pa sila, nangako sila sa isa't-isa na kahit anong mangyari, magkakatuluyan silang dalawa. That they are meant for each other.


16 na si Boy. 15 na si Girl. Biglang nagbago ang lahat. May ibang kaeskwelang nagkagusto kay Girl. Eh crush ni Girl, sinagot! Patay! Broken-hearted si Boy. Bilang ganti, nanligaw din si Boy. Sinagot din. Amanos na sila.


Kahit may syota ng iba si Boy, kay Girl pa rin ang tibok ng puso niya. Si Girl naman, parang nakalimutan na ang pangako niya kay Boy at tuluyan ng lumayo ang dating pagtitinginan nilang dalawa.


College na si Boy at si Girl. Bagaman at pareho sila ng school na pinasukan, magkaiba naman sila ng kurso. Nagkikita pa rin naman sila. Nagpapansinan kapag nagkakasalubong, pero 'di na tulad ng dati.


Nagtatrabaho na sina Boy at Girl. Parehong single. Friendster pa uso noon. Nagkataon parehong online ang dalawa. Nangumusta si Girl. Sumagot naman si Boy. Nagkayayaan lumabas. Nanood ng sine. Kumain sa labas. Sa isang pagkakataon, pagkatapos kumain ay nagyayang gumimik si Boy. Uminom. Mahabang kwentuhan. Nagkalasingan. Nalasing si Girl. May 'di inaasahang mangyari.  Pagkatapos, akala ni Boy, yun na ang muling pagsisimula ng kanilang naudlot na love story.


Palaging magkatext si Boy at Girl. Bumalik ang closeness nila. Naging madalas din ang pagkikita nila. Ngunit, nabarkada si Boy. Hanggang sa dumalang ang pagkikita nila. Naging busy si Boy sa gimik, trabaho, barkada. Nawalan ng gana si Girl. Naputol muli ang kanilang komunikasyon.


Dumalang ng dumalang ang kanilang pagkikita. Ni hindi na rin sila masyado nagkakatext. Kapag may okasyon at nagkataong pareho silang nandoon ay nagkakailangan na sila. Nahihiya lang lumapit si Boy pero gustong-gusto niya kausapin si Girl kapag mga ganong pagkakataon. Madalas ay umiiwas si Girl.


Hanggang sa tuluyan ng nawala si Girl kay Boy. Ikinasal na sa iba si Girl. Huli na ng mabalitaan ni Boy. Saklap.


2012. Maligaya na si Girl. Sawi pa din si Boy. Pero masaya siya para kay Girl.



__________


P.S. Hindi po ako si Boy. Ibang tao yan. Ngayon kung ipipilit mong ako si Boy, bahala ka sa buhay mo! hehe!


Ah yeah!




2 comments:

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p