Friday, November 16, 2012

Awkward


Time Check: 7:36 PM


Friday.


Hey guys! Off ko today, walang happenings tonight, bahay lang. Kaya naman, magdamag na naman ako nito sa harap ng kompyuter! Oha.


Sensya na kung "awkward" ang topic. Wala ako maisip i-blog e. ;))


Nung ni-google ko meaning niya, eto unang lumabas sa search results:

awk·ward/ˈôkwərd/

Adjective:
  1. Causing difficulty; hard to do or deal with: "one of the most awkward jobs is painting a ceiling"; "some awkward questions".
  2. Deliberately unreasonable or uncooperative: "you're being damned awkward!".

Parang 'di swak. Siguro depende lang sa gamit. Pero mas nagagamit or mas angkop na depinisyon ng awkward para sa'ken siguro ay "uncomfortable".


Awkward Moment = Uncomfortable Situation


Tama? Tomo!


Napaisip tuloy ako ng mga "akward moments/situations" na palagay ko ay minsan ng naranasan ng karamihan sa atin. Yung tipong 'di mo alam kung ano gagawin mo. Kung pwede lang magteleport or mawala ng parang bula. Hehe.


Here are some of them...


1. Ikaw at ang workmate mo, pinagchi-chismisan, nilalait-lait, niruruyakan ang pagkatao, ng isa niyo pang opismate. Sige hagalpak sa tawa. Tapos, mamamalayan mo na lang na nasa likod niyo na pala siya! - - - Haha. AWKWARD!

2. Dahil walang tao sa bahay, Ikaw at ang BF/GF mo ay nasa sala at naghahalikan. Kuntodo sipsip dila at gums. Walang anu-ano ay bumukas ang pinto at huli kayo sa akto ni Inay! - - - Haha. AWKWARD!

3. Sa gitna ng isang seminar, tahimik ang lahat na nakikinig sa dinadakdak ng speaker/host. Walang anu-ano ay biglang nakareceive ka ng text sa iyong 3310 na naka ASCENDING ang message tone at naka-level 5 ang volume. Lahat sila nakatingin na sa'yo! - - - Haha. AWKWARD!

4.  Reunion niyong magkakabarkada. Napagkasunduang kumain sa labas. Dumating sila, lahat may kapartner. Ikaw lang ang wala. Ayos lang nung una. Tapos, dumating si <insert name here>. Parang pamilyar yung BF/GF niya. Tapos naalala mo na naka-one night stand mo pala siya dati! At ayun, nung pinakilala sa'yo, 'di mo matignan sa mata! - - - Haha. AWKWARD!

5. Mula sa malayo, palihim mong sinisilipan sinusulyapan si CRUSH. Kung ano-ano ng kamanyakan ang pumapasok sa isip mo. Nang mapadako ang tingin niya sa'yo, bigla siya kumaway, naglakad papalapit. Nung malapit na malapit na lang siya, sabi, "Uy, kumusta ka na?".. Sumagot ka, "Ok lang...Ikaw?"... Pero lumampas siya sayo, at doon mo lang napagtanto na 'di pala ikaw ang kausap kundi yung nasa likod mo! - - - Haha. AWKWARD!

6.  Male-late ka na papunta sa work. Kulang na lang ay takbuhin mo ang terminal ng jeep. Pagdating mo doon, jackpot. Isa na lang at aalis na sabi ng barker. Edi sumakay ka. Ganyan. Umandar ang jeep. Tsaka mo lang napansin na nakaupo sa tapat mo ang EX mo na matindi ang galit sa'yo dahil niloko mo siya dati. Eh 30 minutes ang biyahe! - - - Haha. AWKWARD!

7. May bago kang damit. Lahat ng nakakita, pinuri ka. Bagay daw sa'yo. Lalo ka gumwapo/gumanda. Tapos, nung uwian na, may nakasakay ka sa jeep, same color, same design nung damit niyo. Sa sobrang kamalasan, kapareho mo pa ng hairstyle! - - - Haha. AWKWARD!

8. Kumusta naman 'yung may biglang lumapit sa'yo na magandang chicks, litaw cleavage, at nagtanong ng directions kung saan ang ganito/ganyan. Siya nakatingin sa mukha mo, pero ikaw 'di mo alam kung sa mukha ba niya or cleavage ka titingin! - - - Haha. AWKWARD!

9. Yung masungit mong Teacher and/or Boss, sinesermunan ka. 'Di ka makapagconcentrate dahil napansin mong may nakalabas siyang kulangot sa ilong! - - - Haha. AWKWARD!

10. Yung moment na naglalakad ka, tapos may makakasalubong ka. Siyempre iiwas ka. Kung saan ka umiwas, dun din siya pupunta. 2-3 times siguro bago kayo magbibigayan ng daan. - - - Haha. AWKWARD!


Ayun. 10 na lang muna. Hehe.


Heto nakwento ko na dati, uulitin ko lang sa iba na 'di pa nabasa iyon.


Pagsakay ko ng jeep, konti pa lang pasahero. Siguro, mga lima or anim pa lang nakasakay. Syempre, pag-upo e bayad agad ako. 17php ang pamasahe. Nagbayad ako ng 50php. Di ako agad sinuklian ng driver so nawala sa isip ko na may sukli pa pala ako. So ayun, bumiyahe na ang jeep and pumik-up ng pasahero sa daan. Edi dumami na kami. Pwesto ko e bandang likod ng driver. Tapos may iniaabot siya, sukli daw ng 50php.

Ako: Sukli daw po ng 50php.

Walang kumikibo. Nilakasan ko.

Ako: SUKLI DAW PO NG 50php!!!

Wala uli kumikibo.

Ako: Manong, wala daw may sukli!

Akmang iaabot ko na uli sa driver...

Driver: Magkano pera mong binayad kanina?



Haha. AWKWARD! Akin pala yun. Tangina!


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _


Ikaw, for sure meron ka rin! Share mo naman!!! Hehe.


Ah yeah!



22 comments:

  1. nangyari din saken yang sa jeep sukli awkward moment :P

    ReplyDelete
  2. hahaha.. awkward..

    ako..hmm.. sa mall. akala ko yung ka ofis kko.. bigla kong inakbayan. mali pala.. ayun! napasorry nalang ako.. hahaha

    ReplyDelete
  3. Awkward nga! Tama ka, kung ganyan, parang gusto mo na lang maglaho bigla haha..

    ReplyDelete
  4. dami ko din awkward moments dati... yung isang di ko talaga makalimutan is yung unang job interview ko. grabe, todo english na sablay ang mga sagot ko sa nagiinterview sakin... buti na lang at natanggap ako sa work nun lols

    ReplyDelete
  5. Yung napagawi ako dito tapos narealize ko. KRAS ko pala si DENGGOY. Awkward. Hahaha.

    ReplyDelete
  6. haha dameng awkward moments sa buhay ko mga moments na wish mo na my invisibility powers ka haha

    ReplyDelete
  7. Hahahaha.. Tawa ako sa awkward moment mo. Lalo na yung sa no. 2 and 9. Nakakahiya pala ang awkward. May awkward moment din ako pero nakakahiya ishare e :P

    ReplyDelete
  8. hehehe. at galit ka pa ata sa pagtanong kung kanino ang sukli. curious lang ako, kung alin ba sa mga nakalista sa taas ang naexperience mo rin mismo. hahaha

    ReplyDelete
  9. madalas dahil sa kalabuan ng aking paningin, maling tao ang nakakausap ko haha. Sabay talikod at kunwari walang nangyari haha.

    Madalas nga sa jeep maraming Awkward moments haha.

    ReplyDelete
  10. Sa #9 ako natawa. Kung ako yan, di ko mapipigilan na tumawa sa harap ni boss. Pero madalas yung #1 ang gawain namin, nyahaha. Ang sino ba naman ang hindi makakarelate sa mga sitwasyon sa jeep. Epic! Lalo na sa mga abutan ng bayad at kuhaan ng sukli. :))

    ReplyDelete
  11. haha. nangyari sa akin ang numbers 1, 7, 8, & 10.

    ReplyDelete
  12. aha denggoy balamo akakit dkang gugulisak kang "SUKLI PO!" ;)

    ReplyDelete
  13. kakatawa yung number 7 mo.. parang hindi awkward tawag dun sa huli mong kwento hehehe...

    ReplyDelete
  14. wahahaha ang a-awkward nga! infernes may mga nangyari na sa akin dyan, pwera lang yung may mga eksenang girls at girlfriend hehe :)

    natawa ako sa pagkalimot mo sa 50 na bayad! :)

    ReplyDelete
  15. HAHAHAHA. Tawa much, sakit ng tiyan ko, hehe.

    wuy nangyari din sa akin ang ilan jan.. AWKWARD NGA! :D

    ReplyDelete
  16. Hahahaha! Grabeng awkward...

    Can't remember any awkward moment ko at the moment. Siguro yung minsan bumisita ako kasama ang mga elder friends ko sa bahay ng dati kong niligawan. Family friend din kasi ang family nila.

    Tapos napagusapan si girl at yung boyfriend niya.

    Prior to that, nagkaroon ng madami-daming drama at sagutan hanggang sa na-busted ako. Natahimik lahat nung nabanggit yung tungkol sa kanila. I really don't mind. Sila yata ang na-awkward. Later on, i felt uncomfortable na rin. 40 seconds of excruciating awkwardness.

    To break the ice, the mother said, "Gusto niyong magkape?"

    Thank God for the coffee!!! hehehe...

    ReplyDelete
  17. hahaha .. awkward yugn sa driver .. buti matalas memory ni manong.. lolz

    nakarelate ako sa 1,5,10 :p

    ReplyDelete
  18. wahahaha sobrang natawa lang ako dun sa sukli moment at naalala ko lang yung sarili kong version nung bf/gf alone moment. wahahaha

    ReplyDelete
  19. akward things happen talaga! haha! marami rin ako nyan...mga akward moments kumbaga. hehe. musta na Denggoy? sayang at di natuloy yung dagupan trip naten! i-reschedule naten. medyo busy kasi ako. hehe

    ReplyDelete
  20. Haha natawa ako sa awkward moment mo! Ako eh meron din awkward moments pero wala akong maisip ni isa ngayon LOL

    ReplyDelete

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p