Time Check: 7:30 PM
Sunday.
Gumising ako kanina, tanghali na. Naligo. Kumain. Kulong ng kwarto. Nood movie. Yosi. Nagmeryenda. Ayun. Sobrang productive. Hehe.
Di ko na namalayan na gabi na naman. Nakaset sana ako maglaba today kaso gabi na e. Bawal daw maglaba sa gabi. Basta. Huwag mo na itanong saan ko napulot yung pamahiin na yan. For sure iisipin mo lang na gawa-gawa ko lang yan kasi tinatamad lang ako. Oo. Tama ka. Haha.
Trip ko mag-emo today. Kaya habang tinitipa ko ang keyboard ko para sa entry na'to, eto background music ko..
Serious na. February para sa'ken ang pinaka-nakakalungkot na month the whole year. Sa karamihan, pag February na e ang sasaya nila; mga girls e dahil sa Valentines Day at boys dahil madadala nila sa Sogo ang mga girls nila after ng kanilang Valentines date. Hehe.
Eto pala kung bakit February ang saddest month of the year. February 06, 1992. Exactly 20 years ago, ng umalis siya. Grade 2 ako nun. 8 years old. Since bata pa'ko, ni di ko masyadong dinamdam nung mga panahon na yun na aalis na siya.
Nung mga ilang araw na lang bago namin siya ihatid sa pupuntahan niya, dinadaan-daanan ko lang siya. Sinisilip minsan pero di ko masyado pinapansin. Siguro dahil sa bata pa'ko kaya di pa'ko masyadong sensitive sa ka-emohan.
Nung araw na ihahatid na namin siya, ang saya ko pa kasi bukod sa bago ang damit ko, andaming gusto sumama. Andun din mga pinsan ko kaya may mga kalaro ako. Nung naihatid na namin siya, nagpaalam na kami sa kanya na uuwi na kami. Yun ang huli naming pagkikita.
Ngayon 28 na ako. Kung andito lang siya ngayon, siguro mas masaya kami. Mas kumpleto. Kung nasaan man siya ngayon, for sure proud na proud sa aming magkakapatid iyon.
Mama. I miss you... I'll see you when I get there...
Makagaga... Hehe.
Ah yeah!
kung di ko lang alam na si denggoy ang nagpost nito, maiiyak na sana ako! haha!
ReplyDeletenice matwa!
malagad nakumu pin magserious e, pagbigyan mu naku.. hehe.
Deletebabasan me pala blog ku rugu.. tnx! ehe