Time Check: 10:09PM
Bangag.
Nagpunta ako sa ospital kanina para
sa naka-schedule kong minor operation sa aking "lateral mass on nape
area". In short, pigsa sa batok. haha.
9AM ang binigay na schedule sa'kin
ni Dok. 8:30AM pa lang ay andun nako. Excited? haha.
Pagdating dun, diretso agad ako sa
opisina ni Dok. Pinapunta niya muna ako sa admitting section para magfill-up ng
form. Tapos, submit ng philhealth requirements. Then, naghintay muna ng mga 30
minutes. Wala pa daw kasi yung anaesthesiologist.
After nun, pinatawag nako sa O.R. Di
pa ko kinakabahan nun. Pinaghubad ako at tanging brief na lang natira saken.
Pinasuot ako nito..
Tapos, Pasok sa operating room.
Pinahiga. daming nurse. Anim ata. Kung ano-ano pinag-gagawa saken. Ung isa nag-iinterview.
Yung isa, sinasaksakan ako ng dextrose. Yung isa, tinetest kung may allergy daw
ako sa gamot na gagamitin saken. Yung isa minamasahe ako. Yung isa minamanyak
ako. haha. Joke na lang yung last na dalawa.
Nung nilalagay pa lang yung swero,
sobrang sakit na. Napamura nga ako. Natawa yung nurse. Tawagin na lang natin
siyang nurse 1.
Nung tinetest kung may allergy daw
ako sa gamot na gagamitin saken, napamura na naman ako. Sobrang hapdi. Natawa
na naman yung nurse na iyon sa mura ko. Tawagin nating siyang nurse 2.
Then, si nurse 3, may nilagay sa
left arm ko, pang monitor ng BP at vital signs. Defibrillator ata tawag dun.
Yung parang sa pelikula pag nasa ospital yung bida tapos pag mamamatay na siya
e biglang nagfa-flatline. parang ganito..
Si nurse 4 naman ay question and
answer portion inatupag namen. Kung first time ko daw ba maospital. Kung
naoperahan nako dati. Kung may allergy daw ba ko sa pagkain. Kung virgin pa'ko.
Kung na-meet ko na daw ba soulmate ko. Kung may chance daw ba siya saken. haha.
Yung ibang andun sa O.R. ay parang
di naman dapat andun. Parang nakikiusyoso lang. Madalang lang siguro sila
makakita ng artistang inooperahan ang pigsa kaya andun sila. You know, usual
fans. haha.
Ready nako't lahat pero wala pa yung
anaesthesiologist at si Dok. Ok. Nakipaglokohan muna ko dun sa mga nurse. Puro
babae. Ok naman lahat. Pwede na. hehe. Nagrerequest nga ako ng sounds. Sabi ko
gusto ko yung PamParty People. Di daw pwede. Ayaw ni Dok. KJ! hehe.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok
na yung anaesthesiologist at si Dok. Tinapat na sa mukha ko yung bilog na
maraming nakakasilaw na ilaw. May kung ano-anong gamot itinurok sa swero ko.
After lang ng ilang minuto, nawala nako. Wala nako maalala na nagyari kasunod
non. Tantiya ko e between 11PM-12NN na nun.
Di ko alam kung anong oras na, cguro
between 2-3 PM, nagising ako, sa recovery room na, pero di ko masyado
mamulat mata ko. Di rin ako masyado makagalaw. Sobrang sakit ng ulo ko. Tapos,
naiihi pa ko. Naaninagan ko yung isang babaeng nurse, malapit lang sa akin,
sabi ko naiihi ako.
Tanging yung gown lang at brief lang
suot ko nun. Tapos parang nawala ulit ako sa ulirat.
After ng ilang minuto, naramdaman ko
na lang na may naghuhubad sa brief ko. Tapos, hawak na niya yung butoytoy ko,
sabi niya "ihi ka na sir". Waaah! Lalaking nurse na yung andun.
Parang may palangganang ewan na nakasahod. Sabi ko di ako makakaihi ng ganun.
Nakahiga tapos hawak ng iba butoytoy mo! Kahit anong pilit ko ayaw talaga
lumabas. Tapos parang nawala ulit ako sa ulirat.
After ulit ng ilang minuto, nagising
ulit ako, andun pa rin yung lalaking nurse. Pero di na niya hawak butoytoy ko.
Nung napansin niyang nagising ulit ako, nagsalita siya, "sige sir ihi ka
na, ni-diaper na kita". Waaah! Putangina. Ayoko nga. Sabi ko pupunta ako
ng banyo. Kahit anong pilit niya, ayoko talaga umihi sa diaper! Ayun, kumuha siya wheelchair, sumakay ako at dun pa lang ako
nakawiwi.
Pagbalik sa kama, tulog ulet. Nakadiaper pa rin. haha.
Mga bandang 4PM na, medyo nabawasan
na yung hilo at antok ko. Wala na yung lalaking nurse. Ang nakita ko e yung
dalawang babaeng nurse sa harap ng pc, may ginagawa. Pumikit ulit ako. Tapos,
may pumasok pang isa, yung lalaki kanina, narinig ko sabi niya, "di pa ata
nagigising ulit si jagger?".
Nagtaka ako kung sinong jagger. E ako lang naman pasyeteng andun ng mga oras na yun so malamang ako tinutukoy ng gago. Nagsalita ako, sabi ko, "jagger?!".
Sagot ng lalaking nurse, "Eh
kasi sir kanina after nung operation kanta ka ng kanta ng "moves like
jagger" dito sa recovery room.
Haha. Shet. Bat di ko maalala sabi
ko. Ganun daw talaga. Side effect nung "ketamin" ata ung narinig ko.
Parang delirium/hallucination shit daw. haha. Tangina. Kakahiya. Natawa pa yung
2 na nurse na nandun. Narinig din daw nila.
So ayun. Ilang oras na nakakalipas,
eto nasa bahay nako pero nahihilo pa din ako dun sa mga gamot na itinurok
saken. Punyetang pigsa. Subukan mong tumubo ulet, bahala ka na sa buhay mo. Di
na kita papakialaman. haha.
Take me by the tongue
And I'll know you
Kiss me till you're drunk
And I'll show you
You want the moves like jagger
I've got the moves like jagger
I've got the mooooooves... like jagger
And I'll know you
Kiss me till you're drunk
And I'll show you
You want the moves like jagger
I've got the moves like jagger
I've got the mooooooves... like jagger
Ah yeah.
hahaha! ayduna mipakayli kung solid keni!
ReplyDeletepwede... dana nya pala dakal nure a bakla.. makalibri lng talang botoytoy
ReplyDelete