Wednesday, February 1, 2012

Bloopers

Time Check: 8:13 PM


Saturday ngayon. Usually, gimik night ang araw na'to. Pero Nagdecide ako na today is rest day. Bukod sa walang pera e nakakatamad lumabas. Parang masarap lang magkulong sa kwarto today. Lately kase, parang nawawalan nako ng gana sa alak. (ang magreact, panget! haha!)


Dami ko pang satsat, wala lang akong panggimik kung ano-ano pa pinagsasabi ko. hehe.  =)


Tutal wala naman magawa, share ko na lang mga bloopers na nangyari lately sa paligid ko.



BLOOPER #1

Kanina lang pag-uwi ko, isang eksenang nakakahiya na nakakatawa ang nagawa ko.

Pagsakay ko ng jeep, konti pa lang pasahero. Siguro, mga lima or anim pa lang nakasakay. Syempre, pag-upo e bayad agad ako. 17php ang pamasahe. Nagbayad ako ng 50php. Di ako agad sinuklian ng driver so nawala sa isip ko na may sukli pa pala ako. So ayun, bumiyahe na ang jeep and pumik-up ng pasahero sa daan. Edi dumami na kami. Pwesto ko e bandang likod ng driver. Tapos may iniaabot siya, sukli daw ng 50php.

Ako: Sukli daw po ng 50php.

Walang kumikibo. Nilakasan ko.

Ako: SUKLI DAW PO NG 50php!!!

Wala uli kumikibo.

Ako: Manong, wala daw may sukli!

Akmang iaabot ko na uli sa driver...

Driver: Magkano pera mong binayad kanina?

Waaaah!!! Akin pala yun. Kung pwede lang magteleport ng oras na yun para mawala ako sa eksenang yun e ginawa ko na. Nakita ko pa ilang pasahero na parang pinipigilan pagtawa nila. Haha. Senxa na po, gutom lang. Wala sa sarili. Hehe.



BLOOPER #2

Nangyari to last Nov or Dec yata. After shift, 2PM yun, nagkayayaan kami kumain ng bulalo sa may bulaluhan sa loob din ng clark ng mga officemates ko.

 Eto sample..

BULALERS

Lima kami. Paikot na nakaupo sa dalawang table na pinagdikit namin.

Unang ni-serve ni ate waitress yung mga plato, baso, kutsara at tinidor. Nagpatenkyu ako pagkatapos.

Ako: Ate, ur da best!
Ate: (no reaction, nakatingin lang)

Suplada lang? hehe. Next na ni-serve ni ate waitress e yung mainit na kanin. Nagpatenkyu ako ulet.

Ako: Ate, ur da best among the rest!
Ate: (no reaction ulet, nakatingin lang)

Wala talaga. NR si ate. Lastly, ni-serve na niya ang main event, ang bulalo. Syempre, Nagpatenkyu ako ulet.

Ako: Ate, ur da best among the rest of the waitresses!
Ate: (as usual, no reation ulet, nakatingin lang. haha)

Inisip ko na lang pagod si ate non. Baka naman wala sa mood. O baka di niya lang naintindihan pinagsasabi ko? haha!



BLOOPER #3

5AM. Papunta ako ng work. 6AM pasok ko. Nakasakay ako sa jeep. Medyo madilim pa ang paligid. Nakapwesto ako sa may likod ng driver, tapat ng ilaw. Medyo puno ang jeep.


Pag-upo ko pa lang, napansin ko na ang dalawang nasa tapat ko na nakatitig sa akin. Sa mukha ko actually.  Isang babae at isang bading. Nakatingin sa mukha ko at parang naka-smile na natatawang di ko mawari. Di nako nagtaka. For sure nakukyutan sakin ang dalawa. haha.


Nagsuplado ako. About face ako. Binaling ko mukha ko sa daan na binabagtas ng jeep.


Napatingin ako sa may side mirror ng driver.


Nanlaki mga mata ko sa nakita ko. May kulangot ako sa may mukha. Kulay whitish na ewan. haha.


Pasimple kong kinuha at pinahid ko sa ilalim ng upuan ko. haha.


Sa sobrang hiya ko, muntik nako magkastiff neck dahil di ko na nagawang ibaling ang tingin ko sa dalawang nasa harapan ko.

*************************************

Isipin ko pa yung iba. Sa ngayon yan na muna.



Ah Yeah!



P.S.: delayed ang post na to ng 3 days. Nakalimutan ko ipost nung sabado. haha!

No comments:

Post a Comment

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p