Thursday, February 9, 2012

Weirdo

Time Check: 3:26 PM



Nyeta! Init sa labas!


Ilang araw na din ako walang entry kaya naisipan ko gumawa ng bago. Kawawa naman mga fans ko na nag-aabang ng bagong entry. Ta-tatlo na nga lang, baka mabawasan pa! ehe.


Wala ako maisip na specific theme kaya as usual, kung ano-ano na lang. Haha!


Weird ako mag-isip kung minsan. Yung tipong sobrang exaggerated e kahit ako mag-isa e natatawa ako. Kaya eto, meron ako list ng mga out-of-this-world na ugali/mannerisms at kung ano-anong shit na meron ako at meron ang ibang tao. For sure, ilan sa mga 'to e meron ka din. hehe.


1. Di ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang amoy pag nasa gasoline station ako. Gusto ko din amoy ng cutex(nail polish) at pentel pen, bagong pinturang room, yung papel sa xerox machine at rugby. Actually, para daw akong pusa. Kahit ano inaamoy ko. Pag kakain ako, inaamoy ko muna. Sa office, lagi ko sinisinghot mga katabi ko sa station. Ako na nga siguro si Boy Singhot! Haha!

2. Nung nag-aaral pa ko, may naaalala akong kaklase na mahilig magcompute/magsulat sa hangin. Haha. Yung pag may recitation, lalo na sa Math, kunwari alam ang sagot tapos nagcocompute sa hangin. Parang tanga! Mali naman sagot! Haha.

3. Minsan nagsasalita ako mag-isa. Pero di ko naman kinakausap sarili ko. Wala lang. Minsan gusto ko lang magsalita, e walang makausap. Haha!

4. Mas gusto kong isawsaw ang pandesal sa coke/pepsi o kaya sa orange juice kesa sa kape.

5. Gusto kong kapartner ng sinigang ay itlog na maalat.

6. Pag naglalakad sa mall o kahit saan at may madaanan akong salamin, lagi ko tinitignan kung maayos pa pagkakawax ng buhok ko.

7. Natutulog ako ng nakadapa. At bago ako matulog, dapat gumagalaw yung isa kong paa. Ewan, di ko alam i-describe. Alam mo na yun. "Keng kapampangan, dapat kikinaking la pa deng bitis ku para mipatudtud ku"! haha!

8. Mas magaling akong magmemorize ng numbers kesa sa words. Yabang! Hehe.

9. Pag sasakay ako ng jeep at di rin naman ako nagmamadali, maghihintay ako ng jeep na bakante yung sa harapan para dun ako uupo. Pag may budget, babayad ako ng dalawa para walang pwede tumabi! Swapang? Hehe.

10.  Kapag may nakakalimutan ako, bumabalik ako doon sa lugar na inisip ko yung nakalimutan kong bagay na dapat gawin. For sure, ginagawa mo din ito! Hehe.

11. Kapag naglalakad ako sa daanan na madaming tiles or basta may guhit, ayoko tumapak sa guhit! Feeling ko maa-"outs" ako! Haha!



Yan na lang muna. Wala na'ko maisip e.



Ah Yeah!

No comments:

Post a Comment

Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p