Time Check: 6:06 PM
SaBEERday.
Bago umalis papuntang inuman session today, napagpasiyahan kong gumawa ng Post Valentines Day entry. Oo, alam ko medyo late na 'tong post na 'to. Feb pa naman. Walang basagan ng trip. Huli man daw at magaling, wala kang pakialam. Haha.
Nagtataka ka siguro kung bakit ako gumagawa ng entry para sa Valentines Day. Ako nga rin eh. Haha. Wala lang. Naisip ko lang. Lately kasi dumadami nagtatanong/nagtataka kung bakit 'di pa daw ako nag-aasawa, samantalang 28 na ako. I'd better think about seriously slowing down and settling since I'm not getting any younger na daw.
Madalas ako makarinig ng...
"Baka mahuli ka na sa biyahe..."
"Mag-asawa ka na, ang tanda-tanda mo na!"
"Bading ka siguro!"
"Naiinip na kami na mag-asawa ka."
"Kelan kaya kami makakatikim ng mainit na sabaw?"
"Yung mga batchmates mo, may mga asawa at anak na... Ikaw kelan?"
...na madalas sundan ng pampalubag loob na...
"Makikita mo rin ang tamang tao para sayo."
"Anong nanagyari sa inyo ni...? Sayang yun ah... Pinakawalan mo pa..."
"May pakikilala ako sa'yo...single, maganda, walang anak..."
"Darating din ang right one for you and huwag mong hanapin ang love. Let it come to you."
"Gusto mo ihanap kita?"
Haha. Tangina. Eh sa ayaw ko pa eh. Minsan, kapag sinasabihan ako ng "Mag-asawa ka na, malapit ka na mawala sa kalendaryo!" Gusto ko isagot eh, "Pakialam mo? 'di ko naman sinabi na i-monitor mo edad ko eh!" Haha.
Oh kaya naman eh, "Yung mga batchmates mo, may mga asawa at anak na... ikaw kelan?" Sagot ko, "Eh ano ngayon? Kelangan ba sabay sabay kami? Sorry, wala akong pakialam sa buhay nila, sana ganun ka din!" Hehe.
Or, "Malamig pasko mo no?" Sagot ko, "Oo. Pero okay naman kesa sayo. Mainit nga pasko mo eh balyena naman katabi mo." Haha.
Sobrang bitter lang sa mga sagot. Hehe. I don't get affected at all whatever they say. If it happens, it happens. Kung hindi naman, edi hinde! Leche! Haha.
Nung isang araw, nakachat ko sa FB yung ex ko (na itago na lang natin sa pangalang...haha. don't worry, 'di ko sasabihin pangalan mo). Nagkamustahan. Medyo nagreminisce kami, pero wala na malisya. Tawanan na lang. Happily married na siya. May anak na din. Stable. Mayaman napangasawa niya. May ari ng mga bus (malay mo isa sa mga yun e sinasakyan mong shuttle papunta sa trabaho mo. haha.). Nung medyo nagkaseryosohan, inaya ko lumabas for old times sake. Ayaw. Haha. Ok lang, at least alam ko masaya na siya at kuntento sa buhay niya ngayon.
Para sa'ken, "Happiness is a state of mind, not a status of life". Sa ngayon, mas masaya ako sa pagiging single kaya OK na muna ako dun. In a few months, binabalak ko mag-abroad, mag-ipon. Malay mo, after 2 years, wedding pictures ko na ang pinopost ko dito sa blog ko! Hehe.
Peace you all!
Ah yeah!
hehehe..yeah i highly agree!!! pero di nga? bat hindi ka pa nag-aasawa?
ReplyDeleteyou have a really cool blog! napaka frank at straight-forward lang.
parang maglalagi ako dito. :)
hehe! tnx jelai. ako din ni-back read ko mga posts mo.. =)
Delete