Ang Pigsa. Bow.
Tangina naman. Sa lahat ng magkakapigsa bakit ako pa?!!! Ang laki pa! Higit sa lahat, sa lahat ng pwedeng pwestuhan ng lecheng pigsang to e napili pa niyang tumambay sa batok ko. Papansin? Gusto kita ng lahat?!
2 weeks ago ng mapansin ko ang unti-unting paglaki ng punyetang pigsang to sa batok ko. Akala ko nung una e tigyawat lang so dinedma ko lang. After a week, napansin ko ang kakaiba at mabilis na paglaki niya kaya naalarma na'ko. Sugod agad ako kay Dok para magpacheckup. Ang findings ni Dok, pigsa lang. Sabi niya, if after 3 days e patuloy siyang lumalaki, e balik ako sa kanya para hiwain na niya
So ayun. Hinayaan ko na muna ng mga ilang days. Kaya pa naman itago ng bangs ko sa batok. haha.
Nung mga panahong iyon, minsan napaparanoid na'ko. Pa'no kung lumaki siya ng lumaki? Pa'no kung sa sobrang laki na niya ay sakupin na niya katawan ko? Pa'no kung sa sobrang laki na niya ay i-takeover na niya katawan ko? Pa'no pag na-takeover na niya ako at magdecide siya na alisin niya ako at ako ang ituring niyang pigsa? haha! OA!
Kanina, bumalik ako kay Dok. Di na raw mukhang pigsa yung bukol. Parang cyst na daw. Whaaaatttt??? Una tigyawat. Tapos pigsa. Ngayon cyst na! Di na'ko magtataka kung bukas e tumor or cancer na 'to. haha. Huwag naman sana. Sabi niya, kailangan na daw hiwain. Agad? Nagmamadali? Sabi ko, "Go Dok!".
Pinapili ako ni Dok. Local Anaesthesia ba or kung gusto ko daw na natutulog habang inaalis yung bukol. Sa sobrang gusto ko na maalis to, sabi ko "Yung una po. Ngayon na sana Dok kung pwede".
Kung yung first option daw, sa balat lang daw yung walang pakiramdam/sakit pero kapag kinalkal na sa loob, mamimilipit daw ako sa sakit. "Sana naman Dok 'di ka nananakot" ang gusto ko isagot sana sa kanya. haha.
Sa kasamaang palad, yung second option ay kinabukasan ng umaga. E hapon na ngayon. Edi absent na naman mamaya sa work. Wala nako Sick Leave(SL). haha. Kailangan ko muna daw magfasting from 12MN to 9AM tomorrow para sa isasagawang maselang operasyon. So, from 12 MN onwards, wala ng kain, inom, yosi, etc.. huhu.
Since likas naman na matapang akong tao, pinili ko yung second option. haha.
Seriously, kinakabahan ako. Bahala na bukas.
Hay...
Time Check: 10:30PM
No comments:
Post a Comment
Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p